Episode 1

1188 Words
Charity POV "You can have a second opinion. I would recommend another doctor for you if you want?" napahawak ako sa strap ng bag ko.  Ang ngiti ko'y nawala nang sabihin ng Doktor na mababa ang chance kong magkaroon ng anak. Hindi healthy ang egg cells ko. Kung may mabuo man hindi 100 percent na mabubuhay ang baby sa sinapupunan ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nalaman ko. Akala ko ay buntis ako. Iyon naman pala akala ko lang. False pregnancy ang tawag doon ayon sa doktor. Kaya ang pakiramdam ko'y parang naglilihi.  I need to know kung totoo ba na hindi ako magkakaanak.  Paano kung hindi nga ako magkaroon ng anak? Ngunit natatakot akong malaman.  Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong hininga.  Matagal na naming gustong magkaroon ng anak ni Marko. Two years na kaming kasal pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mabuntis. Pakiramdam ko wala akong kuwentang babae. Umuwi ako na dala-dala ang alinlangan. Pinag-iisipan ko pa kung magpapa second opinion ako. Natatakot ako sa magiging result. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba kay Marko ang result ng test ko. Panay iyak lang ang nagawa ko habang nasa taxi.  I'm not capable to bear a child. Mamahalin pa din kaya niya ako kapag nalaman niyang hindi kami magkakaanak? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May pumipigil sa aking huwag sabihin kay Marko. Hayaan ko na lang na ganito? Naguguluhan ako. Pero ayokong magsinungaling sa kanya. He has the right to know my situation. Baka sakaling maintindihan niya ako. It's not my fault. Mahal ako ni Marko siguro naman hindi ito magiging dahilan ng paghihiwalay namin. Ayokong mangyari iyon. Nakarating ako sa bahay, wala sa sarili. Umupo ako sa sofa nakatulalang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa asawa ko ang kalagayan ko. Saan nga ba ako magsisimula. " Iha, nakauwi ka na pala. Kumusta naman ang pagpunta mo sa doktor?" napaangat ako ng tingin kay Manang Lydia ang kasambahay namin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Hindi daw po ako buntis. Ang nararamdaman ko lamang po ay false pregnancy. M-may sinabi ang Doctor sa akin." napahinto ako dahil nagsisimula na namang manubig ang mga mata ko. Umupo sa tabi ko si Manang. Hinaplos niya ang likod ko nang mapansin niyang paiyak na ako. "Hindi daw po ako magkakaanak dahil masyado daw mahina ang bahay bata ko para makabuo. H-hindi ko mabibigyan ng anak si Marko." napayakap ako kay Manang Lydia. Ang sakit tanggapin na isa akong baog. Bakit sa dami ng tao bakit ako pa? Ito na nga lang ang magpapasya sa aming mag-asawa pero hindi na mangyayari. Palaging bukambibig ni Marko na kapag magkaanak kami. Magpapagawa daw siya ng mini playground dito sa bahay. Siya daw mismo ang gagawa at magdidisenyo. Nakikita ko sa kanyang mata ang kasiyahan kapag pinag-uusapan namin ang about sa baby. Pero paano pamangyayari iyon? Ibinuhos ko ang lahat ng luha na kanina ko pa inipon. Napahagulgol ako ng iyak sa balikat ni Manang Lydia. "Tahan na anak maiintindihan ka naman siguro ni Marko. Hindi mo naman kasalanan na hindi ka magkakaanak." pagpapatahan niya sa akin. Ewan ko kung hanggang saan ang pagmamahal ni Marko sa akin. Lalo kapag nalaman niyang hindi ako magkakaanak. Nagkulong lang ako ng silid maghapon. Kahit anong pilit ni Manang na lumabas ako hindi ko ginawa. Masyado akong nasaktan sa nangyayari sa buhay ko. Simple lang naman ang pangarap ko. Magkaroon ng sarili kong pamilya at magkaroon ng mga anak. Hindi ko matanggap ang kalagayan ko. Wala akong silbi bilang isang babae. Wala akong kuwenta. "Anak kumain ka na hindi ka pa kumain kaninang tanghali. Baka magkasakit ka na niyan." sabi ni Manang Lydia ng pumasok sa loob ng silid namin ni Marko. "Hindi po ako gutom tsaka wala po akong gana" tinitigan niya ako. Lumapit siya sa kama at umupo sa tabi ko. "Charity, tatagan mo ang loob mo. Dapat hinaharap mo ang problema. Isa kang positibong tao at may pananalig sa diyos. Huwag mong hayaang igupo ka ng kahinaan dahil lang hindi ka magkakaanak. Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Mahal ka ni Marko. Alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon mo. Basta maging tapat ka lang sa kanya at hindi naglilihim. " hinaplos niya ang likod ko. Hindi ko maiwasang matakot na baka kapag sinabi ko ang sitwasyon ko, iyon na ang katapusan ng relasyon namin ni Marko. Hindi ko siya kayang mawala. Ayokong mag-isip ng negatibo ngunit hindi ko maiwasan. May alinlangan sa puso ko. Alam ko kung gaano kagusto ni Marko na magkaroon na kami ng supling. May mga plano na nga siya kung sakaling magbuntis na ako. Gusto niyang siya ang gagawa ng silid ng una naming anak. Siya rin daw ang bibili ng mga damit at gamit para sa unang anak namin. Kita ko sa kanya ang excitement sa tuwing napag-uusapan namin ang tungkol sa baby.  "Umayos ka na baka maabutan ka pa ng asawa mong ganyang ang hitsura mo." Paalala sa akin ni Manang. "Sasabihin mo ba sa asawa mo ang kalagayan mo?" tanong ni Manang sa akin. Napatitig ako sa kanya. Handa nga ba ako na sabihin sa kanya ang totoo? "Hindi ko pa po alam. Hindi pa ako handa sa ngayon. " napatango ang matanda. "O siya kung iyan ang pasya mo. Pero sana sabihin mo din sa asawa mo para alam niya. Hindi ka dapat naglilihim sa kanya. Baka isiping niyang hindi mo siya pinagkakatiwalaan." sabi nito. Tumango lamang ako. Tumayo na ako upang maligo. Ayokong makahalata si Marko sa pinagdadaanan ko. Ginawa ko ang mga bagay na ginagawa ko dati. Naghahanda ng hapunan namin. Napangiti ako ng makita ko si Marko papasok ng living room. "Hon" tawag ko sa kanya. Lumapit ako para bigyan siya ng halik sa labi. " Hey honey namiss ko ang asawa ko." hingkan niya ang noo ko. " Nagluto ako ng paborito mong Mechado."sabi ko. I want to be jolly in front of him. Pero sa kaloob-looban ko nagdurusa ang puso ko. I hugged him. gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.  " Thank you, hon. Alam ko naman masarap ang luto mo kaya gaganahan akong kumain ngayon."Napangiti siya sa sinabi ni Marko. Kahit ano yata nasasarapan siya sa niluto ko.  Hindi maalis ang pangamba sa akin. Baka hiwalayan niya ako. Palaging bukambibig ni Marko na gusto niyang magkaanak.  Habang natutulog sa tabi ko ang asawa ko. Nakatitig lang ako sa kanyang napaka guwapong mukha. Pinaglandas ko ang aking daliri sa perpekto nitong ilong na parang nililok ng isang magaling na iskultor. Ang hugis ng kanyang panga ay parang pinag-isipang ihulma. Ang labi niyang napakaganda ang hugis. Daig pa sa labi ko. Napangiti ako ng naalala ko noong unang makita ko si Marko sa loob ng opisina ng boss kong si Mr. Trevor Sarmiento tumibok ng mabilis ang puso ko noon. Kahit unang beses ko pa lang siyang nakita. Bago pa lamang ako noon bilang Secretary ni Sir Trevor. Totoo pala ang sinasabi nilang love at first sight, iyon ang nangyari sa akin. My tears streamed down my face. Copyright © 2021 by coalchamber13 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD