MARKO POV
Napakapa ako sa tabi ko pero wala akong makapa. Dinilat ko ang mga mata ko, ginala ko ang paningin sa kabuuan ng silid namin ni Charity. Napakunot ako ng noo.
Bumangon ako sa higaan, sinuot ko ang boxer short ko. Pumunta ako ng bathroom para hanapin si Charity ngunit wala siya doon. Bumaba ako at pumunta ng kusina, sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Malinis ang kitchen area walang nakahaing pagkain, walang Charity na nagsasabing 'kakain na hon'.
Napagtanto kong wala na si Charity. She left me. I sat down in the chair. Ano ba itong nagawa ko? Para akong nagising sa matagal na pagkakatulog.
Napaangat ang ulo ko nang may maalala ako. Bumalik ako sa silid namin ni Charity. Pagkapasok hinanap ng mata ko ang annulment paper. Nakita ko na nakapatong sa side table. Kinuha ko iyon. Nanlumo ako ng makita kong pirmado na ito ni Charity.
Hindi ba ito naman gusto mo Marko? Bakit parang nagsisisi ka sa desisyon mo.
I glanced at the side table and saw our wedding picture. We both smiled at the picture. I smiled as I remembered how happy we were at our wedding. Hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya. Mamahalin ko sya sa hirap at ginhawa. Ngunit ngayon palang sumuko na ako sa pinangako ko. Naging mahina ako sa pagsubok na dumating sa aming mag-asawa. I hurt her.
Napaluha ako dahil nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal ni Charity. Dahil naging mahina ako sa pagsubok. Hindi ako naging matatag. I took the picture and placed it on my chest.
PUMASOK ako sa opisina na si Charity ang nasa isip ko. Hindi ko na inayos ang sarili ko. Pinagtitinginan ako ng mga empleyado ko sa hitsura ko. Gusot gusot ang suot kong shirt, magulo ang buhok at wala pang almusal.
"Sir Marko may meeting po kayo mamayang 10 a.m. with Mr. Delizo." sabi ng Secretary ko. Napatango lang ako. Wala akong lakas ng loob para magsalita. Wala ako sa sarili ko. Sumenyas lang ako na lumabas na siya.
Napahagod ako sa buhok ko. Wala akong ganang magtrabaho ngayon lutang ang utak ko. Iniisip ko ang asawa ko. Napatawa ako na parang baliw. Masasabi ko bang mag-asawa pa kami? We both signed the annulment paper.
Deep down in my heart, I want to take her back. I wanted to find her but it was too late, she was gone. I do not know where to look for her. It was all my fault so she gave up on me. I should be the one to blame here no one else.
CHARITY POV
Nagpasya umuwi ng Romblon si Charity. Pakiramdam niya bibigay sya ano mang oras. Napakabigat ng dibdib niya na para bang sasabog na lang.
Nagulat pa si Tatay ng mapagbuksan niya ako ng pinto.
"Charity anak. Salamat naman dumalaw ka sa amin? Kasama mo ba si Marko?" tanong ng Tatay ko. Napatingin siya sa paligid tsaka binalik ang tingin sa akin. Napakunot ang noo niya ng makita niya ang namumugto kong mata. Hindi nagsalita si Tatay. Nilahad niya ang dalawang braso para yakapin niya ako. Napayakap ako kay tatay. Ang kaninang pinipigilan kong luha kusang nagsibagsakan sa pisngi ko. Hindi na ako nahiya kay Tatay. Umiyak ako sa bisig niya. Hinaplos niya ang likod ko.
ILANG araw na akong nagkukulong sa loob ng silid ko. Sobrang nanghihina ako sa nangyari sa buhay ko. I feel worthless.
" Anak" pinahid ko ang mga luha ko nang marinig ko ang tinig ni Nanay. Tumayo ako upang pagbuksan siya ng pinto. Napabuntong hininga siya ng makita niya ang hitsura ko.
" Ganyan ka na lang ba anak? Hindi pa katapusan ng mundo anak para igupo mo ang sarili mo sa kalungkutan. May mga bagay na dumarating sa atin na hindi natin mapipigilan. Marunong tayong tumanggap kahit gaano pa kasakit iyon sa mga pinagdaanan nating pagsubok, dito tayo nagiging matatag. Hindi porke't iniwanan ka ng lalaki katapusan na ng mundo mo. Ipakita mo kung ano ang nawala sa kanya. Mabuti kang anak at asawa kaya pagsisihan niya ang pananakit niya sa iyo. Narito lang kami ng Tatay at kapatid mo. Mahal ka namin hinding hindi ka namin sasaktan." napayakap ako sa aking Ina. Napahagulgol ako.
" Iiyak mo lang iyan ngayon anak. Bukas mawawala din ang sakit." pagpapanatag sa akin ni Nanay.
Habang nandito sa bahay ng magulang ko pinagkaabalahan kong magtinda tinda ng mga gulay at iba pang lutong ulam. Para hindi ko na maisip ang mapait na nangyari sa buhay ko. Naging okay naman ang lahat. Nagkakausap kami ni Andres sa text minsan tumatawag siya kapag off duty niya sa kampo nila.
" Anak ihatid mo nga itong pinatahi ni Aling Helen na punda ng unan. Sumasakit ang mga paa ko ipapahinga ko lang." sabi ni Nanay. Isang mananahi si Nanay dito sa lugar namin. Dahil na din siguro sa katandaan nakakaramdam ng sakit sa paa niya.
" Bakit po kasi nanahi pa kayo? Ako na lang po bahala sa atin. Mabenta naman po itong lutong ulam." sabi ko. Matanda na din kasi ang magulang. Nahihirapan na din silang magtrabaho. Si Tatay namamasada pa din, kapag sinasabihan kong tumigil hindi sila nakikinig. Mas lalo daw silang magkakasakit kung walang ginagawa sa bahay.
" Ayos lang naman ako anak. Sumusumpong lang itong rayuma ko kapag nakakain ako ng monggo or sitaw. " kinuha ko na ang punda ng unan. Para ihatid kay Aling Helen.
Habang naglalakad nakaramdam ako ng pagkahilo. Gumilid muna ako at tumigil sa paglalakad. Mainit ang panahon baka siguro sa init ng ara kaya nakaramdam ako ng hilo. Nakalimutan kong dalhin ang payong. Nang mahimasmasan nagmadali na akong naglakad patungo sa pupuntahan ko.
Mahirap pa naman magkasakit sa lugar namin malayo sa hospital. Kaya puro sa albularyo lumalapit ang mga tao dito. Iyon lang ang altenatibong makakatulong sa amin. Nang marating ko ang pakay binigay ko ang punda na pinatahi ni. Kinuha ko na din ang bayad. Sumama ang pakiramdam ko pakiramdam ko nanlalata para akong nanlalata at gusto kong matulog.
" Anak may sakit ka ba?" kinapa ni Nanay ang leeg ko.
"Hindi ka naman mainit." sabi ni Nanay. Nakahiga ako sa maliit na katre. Mula kaninang pagdating ko hindi na maganda ang pakiramdam ko.
" Baka po sa init Nay. Wala po kasi akong dalang payong kanina. Ipapahinga ko na lamang po." sabi ko.
"Uminom ka ng tubig. Teka ikukuha kita. Uso pa naman ang heat stroke dahil sa sobrang init ng panahon." lumabas na ito ng silid at kumuha ng tubig.
" Oh, ito inumin mo ang isang basong tubig. Baka kasi kulang ka sa tubig." tinungga ko lahat. Feeling ko uhaw na uhaw ako.
" Salamat po Nay ipapahinga ko lang po ito. Huwag po kayong mag-alala sa akin." hinawakan ko ang kamay ni Nanay. Hinaplos niya iyon.
NANDITO ako ngayon sa bayan para bumili ng mga sangkap sa ititinda kong lutong ulam. Kasama ko ang bunso kong kapatid. Dalaga na din ito kaya liligawin na din. Isang taon na lang graduate na ito ng kolehiyo. Buti matalino ang kapatid ko kaya scholar siya sa School. Kaya walang problema sa pang tuition fee niya.
" Ate doon tayo mas mura ang tinda kaysa dito sa bungad." suhestiyon ng kapatid ko. Habang namimili ako ng gulay kinalabit ako ng kapatid kong si Miracle.
" Ate tingnan mo itong magazine. Hindi ba si Kuya Marko ito? Hindi ba mag-asawa kayo bakit may pakakasalan na siyang iba at magkakaanak na sila?" tanong ng kapatid ko. Mataman akong napatitig sa kapatid ko. Wala akong maapuhap na salita. Hindi pa alam ng kapatid ko ang nangyari sa amin ni Marko.
" Miracle wala na kami ni Marko. H-hindi na kami nagsasama. Nakipag annul na siya sa akin kaya may karapatan na siyang magkaroon ng iba dahil wala ng bisa ang kasal namin." halos bumigik sa lalamunan ang laway ko. Nagsimula na naman sumakit ang dibdib ko. Feeling ko maiiyak na naman ako. Walang katapusang pagdurusa ang nararamdaman ng puso ko habang nababanggit ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Marko.
" Sorry ate." napayuko ang kapatid. Yumakap ako sa kanya.
"Huwag kang mag-alala ate hinding hindi ka na masasaktang muli. Hindi siya karapat dapat sa pagmamahal mo." hinaplos ko ang buhok niya. Napatingala ako ng magsimula na namang mamuo ang luha ko sa mga mata.
" Tama na ang drama tayo ng mamili baka abutin pa tayo ng siyam siyam dito. Mapalo pa tayo ni Nanay." biro ko sa kapatid ko. Napatawa ang kapatid sa biro ko.
" Ate okay ka lang parang namumutla ka eh?"napahawak ako sa kapatid ko ng umikot ang paningin ko.
"Kailangan na nating umuwi ate. Ako na ang bubuhat ng basket." kinuha nito ang hawak kong basket na may lamang gulay. Hinawakan niya ako para alalayan. Napansin kong nitong nakaraang araw nakakaramdam ako ng pagkahilo.
Nagpasya na lamang kaming umuwi sa bahay. Parang hapong hapo ang pakiramdam ko. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko kapag napapagod ako sa gawaing bahay. Para akong nanghihina na ewan.
" Siguro ate kailangan mong magpacheckup. Para malaman natin kung may problema sa kalusugan mo. Mahirap pa naman magkasakit. Hindi maganda yang hitsura mo ate kasi putla ang kulya ng balat mo." sabi ng kapatid ko.
" Siguro bukas na lang ako pupunta ng bayan upang magpacheckup." sabi ko. Napatingin ako sa hawak ng kapatid ko. Ito yung magazine kanina na pinakita niya sa akin. Inilapag niya ito sa lamesa. Habang abala sa pag-aayos ng mga pinamili ang kapatid. Lihim ko itong kinuha. Balak kong basahin, gusto kong malaman kung ano na nangyari kay Marko.
Tumulo ang luha ko nang matapos kong mabasa ang tungkol sa artikulo tungkol kay Marko. Tuloy na tuloy na pala ang pagpapakasal nila ni Vienna. Sa susunod na buwan ang nakalagay sa article.
Ibinaba ko ang magazine. Nagsisis ako kung bakit binasa ko pa. Bumalik muli ang sakit sa dibdib ko. Ang tigas ng ulo ko. Alam ko naman masasaktan ako sa mababasa ko pero ginawa ko pa din. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.
Mabuti nang ganito lubusin ko na para matanggap ko ang katotohanang wala na talaga kami. Para hindi na ako muling iiyak.Copyright © 2021 by coalchamber13