Marko POV Napaluha ako sa sinabi ni Charity. Ayaw na niya akong maging parte ng buhay niya. Napakasakit. Ito ba ang kabayaran ng mga ginawa ko sa kanya? Mahal na mahal ko si Charity. Naging mahina lamang ako sa problemang dumating sa amin. Pero hindi ko sinuko ang pagmamahal ko. Alam kong sa mata ng tao napakasama ko. Sadyang gago lang ako. Gusto kong ayusin sa amin ni Charity pero paano? Sa mismong bibig na niya nanggaling ayaw na niya. Walang tigil sa pagpatak ang luha ko. Pinahid ko kaagad ng pumasok sa silid si Vienna. Buhat nito si Chace. Nakita kong hindi komportable ang anak ko sa Ina nito. " Kanina ka pa namin hinihintay nakahanda na ang dinner natin." sabi nito. Wala akong ganang kumain. Wala akong lakas na gumalaw. " Mauna na kayo I'm not hungry." walang gana kong sabi. " M