-JD's POV-
DAMN this kind of feelings towards the girl in front of me. Kanina nang makita ko siya sa airport, hindi ko na itatanggi na nakuha niya ang atensyon ko. Sa eroplano palang hanggang sa makalabas kami pareho sa airport ay hindi na lumubay ang mga mata ko sa kanya. Ewan ko ba kung anong meron sa kanya na tila gumayuma sa akin. I have to steal that taxi from her because I want to see her face for the last time. Denmark is quite big and I don't know when will I meet her again but I know that destiny has its own way.
Dito ba siya nakatira o bakasyon lang? Alam kong pinapa-rentahan sa mga turista ang kabilang unit kaya naman sa tuwing lalabas ako, iba iba ang nakikita ko na lumalabas at pumapasok doon. This quite interesting knowing that she's one dividers away from me now.
"Do you live here?" I repeated my question because cat got her tongue for a moment.
Ano kaya ang natakbo sa isipan niya ngayon? I wished I have the ability to read people's mind so that I can easily know if their intentions were clean. Kumikirot pa din ang brasong pinangharang ko nang isasara na dapat niya ang pintuan ng unit niya. Ang tanga ko sa part na iyon pero ayos lang dahil nakita ko naman ang mukha niya. I shouldn't be admiring someone right now but her beauty caught me off guard.
"Nope, I'm just a tourist here. Mind moving your arms now, mister?"
Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa pagtataray niya. Ngayon lang ako na-attract sa babaeng mataray at lalong nakadagdag lang iyon sa gandang taglay niya. I gently move my arms away and she immediately closed the door. Malalim akong napahugot ng hininga saka muling sinipat ang pintuan niya. I have to know her name and since she's a tourist here, I know that she'll come out again to stroll around the city.
Matagal na akong pabalik balik dito sa Denmark at halos lahat ng lugar dito ay napuntahan ko. Maari na nga ako maging tour guide kung gugustuhin ko lang. Medical research – yes I'm a doctor by profession and holds a higher position in one of the most prestigious hospital in the Philippines – ang balak ko dito pero nagustuhan ko ang pamumuhay sa Denmark kaya naman bihira na ako bumalik ngayon sa Pilipinas. Dito, malaya ko nagagawa ang gusto ko, napupuntahan ang mga lugar kung saan tahimik at makakilala ng mga tao na hindi na kailangan pa dumaan sa mabusising inspections.
Bilang anak ng kilalang politician sa Pilipinas, wala akong laya dahil mula pag-gising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi ay may bantay ako. Sinabi ko na sa magulang ko na bawasan iyon pero hindi sila sumang-ayon. Madami daw nakatagong kaaway sa pulitika ang pamilya namin at maigi na daw ang nag-iingat.
Business administration ang unang kursong kinuha ko noon pero dahil sa isang tao na nakilala ko noong seventeen years old ako ay naisipan ko nang mag-shift ng course maging isang doctor. That man became my inspiration in pursuing medicine even if I belong to a business and political family. Ako lang bukod tanging doctor na De Luna at proud ako doon. May pulitika din naman sa ospital at negosyo din iyon kaya hindi na din nalalayo.
I do medical research whenever I got bored doing things repeatedly. Mostly sa remote area ako napunta para ipakilala ang medicine sa mga tao ngunit nawili na ako dito sa Denmark at mas gugustuhin ko na yatang tumira na lang dito.
Matama ko sinuksok ang magkabila kong kamay sa aking bulsa. Bigla ako nakaramdam ng gutom kaya naman agad akong pumasok sa loob ng aking unit. Madidinig ko naman kung lalabas ulit yung magandang babae sa kabila dahil manipis lang pader na humahati sa aming unit.
Saglit akong natigilan nang madinig na bumukas ang pintuan ng aking unit. Nahilamos ko ang isang kamay ko sa mukha nang masino ang biglang pumasok na iyon sa unit ko. It was Carlota, a hook up that I met last week. We had s*x and I remember dumping her a day ago. Nalimutan ko lang baguhin ang passcode ng unit ko na saulo pala nito.
Kanina, buong maghapon pinainit ni Natalia ang kama ko na nakilala ko sa isang museum na binisita ko kaninang umaga. Kakauwi lang niya nang makita ko muli ang babae sa katabing unit ko. My thoughts were halted when Carlota kissed me and aggressively disregarding my remaining clothes. Alam nitong gusto ko na inuunahan ako para mas maramdaman ko na willing silang ibigay sa akin ang sarili nila. Hindi naman ako dating ganito, may isang babae lang ang naging dahilan ng pagbabago kong ito.
If only she choose me instead of pursuing her dreams, I can make her happy. Selfish, yes, but you can't blamed me for wanting her all for myself only. Hinayaan ko lang si Carlota na gawin ang gusto niya sa akin at tuluyang nagpaubaya dito. I have no energy to resists her.
I rolled on the other side of bed after having s*x with Carlota and stared blankly at the white ceiling of my unit. I heard Carlota still catching her breath and cursing beside me. She keep on telling me how good I was in bed that's why she keep on coming back to me. Kagaya kanina, puro siya lang nagsasalita at panay pa ang sigaw na sobrang rumindi sa akin kaya naman pineke ko na lang na nag-c****x ako. Naramdaman ko na tumayo siya kaya naman bumaling ang tingin ko sa kanya.
I watched her get dressed and when done, she climb on the bed again and kissed me on my cheeks. Siya na din ang kumuha ng pera sa wallet ko bilang kabayaran sa ginawa namin. Alam ko namang hindi dahil magaling ako kaya siya nabalik, nabalik siya dahil sa pera ko. Marahas akong bumangon nang tuluyan na siyang makaalis. I quickly enter the bathroom and have a cold shower.
Nang matapos, agad ako nagbihis at lumabas ng unit ko. Saktong paglabas ko ay siyang paglabas ng babae sa kabilang unit. May gumuhit na ngiti sa mga labi ko nang makita siya pero sunod sunod na irap lang binigay nito sa akin. Bakit kaya? I really want to know why she's glaring at me. Wala naman akong maalala na nagawang kasalanan sa kanya aside from stealing the taxi awhile ago.
"Will you please tell your girls to tone down their moans? The dividers of our unit are too thin and I can here your and her moan." Pinigil ko ang sarili ko na matawa nang gayahin niya ungol ni Carlota. So she heard everything from my encounter with Natalia down to Carlota. An unexplained heat starts to aroused inside me when I heard her moan.
This isn't right, God.
"You're not the only person living here so be considerate, please," aniya sa akin at tila sinadyang bigyang diin sa salitang please na lalong kinalawak ng ngiti ko.
"I'm sorry and please never do it again," sabi ko sa kanya.
"What?" Napakamot ako sa kilay ko bigla saka in-examine siya mula ulo hanggang paa. Alam ko sa ilalim ng makapal na suot niya ay ang magandang hubog ng katawan nito. Another forbidden thoughts inside my head. Dahil ba ito sa ginawa kong pagpeke ng c****x kanina? Napatingala ako saka malalim na napahugot ng hininga.
"Nevermind. You're a filipina, right?"
"H-how do you know?" Umangat ang sulok ng mga labi ko. "I mean, filipina nga ako pero half spanish din ako. Ugh! What I'm trying to say was –"
"Easy, I can understand you. Filipino din ako but I live here." Nakita ko kung paano manlaki ang mga niya na mas lalong kumuha sa atensyon ko. "Mag-iikot ka ba sa city?"
"Uhmm, yes…"
"I can accompany you then. Kabisado ko ang buong Copenhagen at alam ko kung saan dapat pumunta sa ganitong oras,"
"Can I trust you?"
"Of course you can. I'm harmless and I can present my citizenship ID and passport for identity confirmations if you want."
Inirapan niya lang ako ulit na nagiging paboritong expression ko na yata. Hindi 'man lang ba siya naapektuhan sa akin? Ang hirap basahin ng mga mata niya at lalo ako na-cu-curious sa laman ng isipan niya.
"Saan mo naman ako dadalin ngayon?" tanong sa akin.
"Just come with me," sabi ko sa kanya.
Inaya ko na siyang unalis at tumungo kami sa parking lot ng hostel na tinutuluyan namin pareho. Doon nakapark ang kabibili ko lang na sa sports car nung isang linggo at siya ang unang babaeng isasakay ko kay Betty. I named my car after my favorite dog died years ago. I opened the shotgun seat door for her that widened her eyes again. Well, chivalry was not really dead I guess.
Nang makasakay na siya, agad akong umikot papunta sa driver seat at sumakay na din doon. Habang nasa biyahe tuloy lang ang pagku-kwento ko tungkol sa mga lugar na maari niyang bisitahin sa Denmark. Nalaman ko na limang araw siya mag stay dito at maikli ang panahon na iyon para sa akin. Kung pwede ko lang huwag na tapusin ang gabing ito ay ginawa ko na. I introduced myself to her and she also told her name.
Just Addie.
Iyon lang daw ang maari niyang ibigay sa akin na tinanggap ko naman. Sa susunod na araw naman ay malalaman ko din ang buong pangalan niya. Lahat sinabi ko sa kanya pwera lang sa pagiging doctor ko at anak ng presidente ng Pilipinas. Mahirap na maging kumportable sa taong sasaglit ko lang din makakasama. Ayoko na ulit ma-attached sa taong bandang huli ay hindi pa din ako ang pipilin.