-Addie's POV-
KUMALAT sa buo kong katawan ang excitement nang makalabas na ako ng Copenhagen Airport. Finally, after years of saving and praying, I made my dream come true. Nasa bansa na ako na binansagang happiest country in the world – ang Denmark. Hindi ko maiwasang lamigin nang tumama sa pisngi ko ang hangin. Winter sa bansang iyon ngayon dahil nalalapit na din ang kapaskuhan.
Kaya nga ayaw akong payagan ng mommy na umalis dahil magpapasko daw. I'm going to stay and roam around Denmark for five days at Christmas eve na ang balik ko sa Pilipinas. Siniguro ko naman kay mommy na makakauwi ako bago mag-alas dose at sinuyo na din siya ng daddy na kakampi ko bukod sa kakambal ko. Agad akong pumara ng taxi at palapit nasa sana ako doon ng may lalaking mas malalaki ang hakbang kaysa sa akin at inunahan ako papunta sa pinara kong sasakyan. I stopped him from opening the passenger's door that's why he looked at me.
He's dark and piercing eyes made my heart beats fast. Bakit natibok ng mabilis ang puso ko? What am I going to call this kind of feeling?
"I called this taxi first," sabi ko sa kanya.
"So? There's a lot of taxi behind this, you can choose from them." I scoffed upon hearing what he said to me. Napaka-rude naman ng lalaki na ito na akala mo kinagwapo niya iyon. Well, gwapo naman talaga siya pero rude pa din. "Mind moving away now because I'm kinda in hurry."
Gwapo na nga sa itsura pero pati ang accent. Okay Addie, stop praising him now.
Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot. He moved me from where I was standing awhile ago and get in the taxi.
I stomped my feet out of frustrations. Huwag ko lang siyang masalubong ulit kahit saan 'mang sulok nitong Copenhagen makikita niya kung paano ako gumanti. Inis akong sumakay sa kasunod na taxi at nagpahatid sa hostel na tutuluyan ko. Mas mura kasi iyon kaysa sa hotel at bilang kuripot ako sa sarili ko ay iyon na ang na-book ko. Kasama din naman iyon sa bucket list ko kaya hindi na nagpaka-arte pa.
Habang nasa biyahe ako, nilabas ko ang cellphone ko at kinunan ko ng video ang nadaraanan ko. Gabi nang umalis ako sa Pilipinas at umaga naman sa Denmark ng dumating ako.
Tourist and local were scattered everywhere. Kakaunti palang iyon dahil ngayon palamang nadidiskubre ng mga tao ang Denmark. Matagal ko na gusto puntahan ito dahil sa iisang lugar – iyong pinakamatandang amusement park sa mundo. Kaya natawag na-happiest country ito dahil doon. Ayon sa pag-re-research ko – kapag wala masyadong ginagawa sa ospital at nanawa na ako kakanood ng medical operation video – ay sa Denmark matatagpuan ang inspirasyon ng Disneyland.
Ewan ko ba bakit gustong gusto ko ang mga amusement parks. Mommy told us that our grandparents were killed in an amusement park mass shooting so she had a trauma but daddy help her to get rid of it. Parang halos linggo linggo ay nasa amusement park kaming buong pamilya at ako sa aming tatlong magkakapatid ang palaging excited kahit paulit ulit lang naman ang rides na nasasakyan ko. I have this bucket list of place I need to visit and things I need to do before I turned thirty years old. May tatlo na akong bansa na na-crossout sa list ko na iyon. Iyon ang Japan, Hongkong, Thailand at pang-apat na itong Denmark.
I did mountain climbing in Japan, tried street foods in Hongkong and commute via public transport around the city of Thailand. Ngayon, as a challenge to myself, I booked and stay in a hostel instead of a hotel suite plus I'll tour the whole Copenhagen without tour guide. Tingin ko naman ay kaya ko iyon dahil bata palang ako ang independent ko na ayon iyon sa mga uncle ko at kay daddy na din.
Nang huminto ang taxi sa harap ng hostel building na tutuluyan ko, agad ako bumaba pagkabayad ko. Huminga ako malalim bago nagtuloy tuloy na lumakad papasok. Mainit akong tinanggap ng mga pinay na receptionist doon. Sa lahat ng bansang napuntahan ko, palaging may pinoy na naroroon at lahat sila nagta-trabaho para may maipangpadala sa mga pamilya nila sa Pilipinas. Maswerte ako na pinanganak ako sa pamilyang stabled pero hindi naman kami sinanay ng mommy at daddy na maging maluho. At age of seven, tinuturuan na ako ni daddy na mag-ipon at huwag masyadong maging magastos.
"May mga tour guide kami na pwedeng ipakilala sa 'yo dito if ever na kailangan mo," wika sa akin ng receptionist na kasama kong naglalakad papunta sa unit na tutuluyan ko.
"Hindi na. I loved to challenge myself." Tugon na kinangiti naman niya. Nang marating namin ang unit ko, agad niya iyong binukas at sinamahan ako sa loob. Sinabi niya sa akin na pinoy din ang nakatira sa kabilang unit kaya hindi daw ako maiilang. Pagtapos akong ma-i-tour sa buong unit ay iniwan na niya ako. Kumpleto ang mga gamit doon at nagana ang heater kaya makakaligo na ako.
I'm in the mid of arranging my clothes when a slam of doors made me stopped. Galing iyon sa kabilang unit na sinabi nung receptionist na pilipino din ang nakatira. Iilang unit lang doon ang pinarerentahan sa mga turista at yung iba permanenteng tirahan na at kabilang ang iyong unit sa kabila sa mga iyon. Napatayo ako at pinakinggan ang nangyayari sa kabila. All I'm hearing is loud moans.
Moans?
Really?
Ganito kaaga may himalang nagaganap sa kabilang unit? Malamig sa Denmark kaya may dahilan pero bakit naman gano'n kaaga sila maghimala.
"Ah! Yes, harder!" sigaw na nagmula sa kabilang unit.
Halos mangilabot ako sa mga naririnig ko. I decided to fix myself again and leave my unit immediately. Ang dami kong pwedeng marinig sa unang araw ko sa Denmark bakit iyon pa. Naiiling akong lumakad hanggang sa makalabas na ng building. Naglakad lakad ako para maghanap ng makakainan.
Nang makahanap ako ng restaurant dalawang kanto ang layo mula sa tinutuluyan ko, agad ako nag-order ng bestseller nilang fried pork seasoned with salt and pepper. They served it to me with potatoes and parsley sauce. Full meal na iyon para sa akin na madaling mabusog. I'm about to dig in when a couple caught my attention again. They're sitting in front of me and currently making out.
Seriously? Pati ba doon ay iyon ang mapapanood ko?
Marahas akong tumayo at lumipat ng upuan na nakatalikod sa magkasintahan na abala sa paghahalikan sa pampublikong lugar. Hindi naman na bago iyon sa bansang katulad ng Denmark. Sa Pilipinas lang naman talaga medyo off ang gano'n kaya discreet ang mga tao at kaya din siguro ang OA ko maka-react ngayon. I never imagined myself stock in that kind of scenarios. Iniisip ko palang kinikilabutan na ako agad.
Muling sumagi sa isipan ko yung narinig ko sa kabilang unit kanina. Siguro naman pagbalik ko doon mamaya ay tapos na sila. Pinagpatuloy ko ang pagkain at nang matapos ako'y muli akong naglakad lakad. Streets amazed me and the people were nice to me. Alam kasi nilang turista ako doon at kapag turista, ibig sabihin bisita ka nila kaya dapat pakitunguhan ka nila ng maganda. Isang citizen lang naman ang hindi maganda ang pag-welcome sa akin doon.
That brute guy from the airport awhile ago. I should've not think of it, masisira ang bakasyon ko kung magpapaka-stress ako sa gano'ng klaseng tao. Kaya nga ako nagpunta sa Denmark ay para mag-alis ng stress, ma-crossed out ang Denmark sa list ko at maka-experience ng bago. Sabi nila, sa edad ko na bente singko, dapat ay may asawa na ako pero wala iyon sa plano ko.
Weird?
Yes, kasi ako lang yata sa aming tatlong magkakapatid ang walang kaplano-planong pumasok sa relasyon. It was good as per daddy because he's still not ready to give me away. Ako ang nag-iisa niyang anak na babae at naiintindihan ko siya kung bakit. Sa aming tatlo, ako ang pinaka-close kay daddy. Gano'n na yata talaga iyon, na lahat ng anak na babae ay close sa tatay habang ang mga anak na lalaki naman close sa nanay. But my parents doesn't have favorites.
Lahat kaming tatlo ay pantay pantay sa mata nila mommy at daddy at hindi nila kami pinayagan na mag-move out kahit na may sari-sarili kaming mga condo unit na. Special request ni mommy at kung ano 'man hilingin ng mommy ay siyang masusunod.
Kung saan saan ako dinala ng mga paa ko sa paglalakad ko kaya naman halos hindi ko namalayang hapon na pala. Agad akong tumawag ng taxi at nagpahatid sa tinutuluyan ko na hostel. Magpapalit lang ako ng damit at lalabas ulit pupunta sa Ribe. Gusto ko makita yung medieval buildings doon, yung Ribe Cathedral at Wadden Sea National Park. Hindi naman ako inaantok at lalong hindi din pagod.
Nakatulog naman ako sa airplane during my flight kaya may energy pa ako. Pagkatigil ng taxi sa harap tinutuluyan ko na hostel, bumababa ako kaagad pagkabayad ko. Naisip ko bigla kung tapos na kaya yung mini show sa kabilang unit? Paulit ulit ko sinabi sa isipan ko na ignorahin ko na lang ang anumang madidinig ko pagka-akyat ko.
I walked slowly towards my unit and when I reached it, I immediately key in my password. I was about to enter the door of my neighbor's unit opened. Niluwa noon ang dalawang bulto ng tao. Ang lalaking walang suot na pang-itaas ay pamilyar habang iyong babae naman ay halatang foreigner. Sila ba yung may mini show kanina at ngayon lang sila natapos? Lihim ko kiniling ang ulo ko.
Ano bang pakialama mo, Claire Addison?
Pero yung lalaki, siya iyong umagaw sa taxi ko kanina sa airport. I saw how the girl kissed and hugged him while his eyes were bore into me. Mukhang nakilala niya ako at dapat lang naman dahil sobrang rude niya kaya kanina. Nag-iwas ako ng tingin saka tuluyan na pumasok sa unit ko. He's not worth my time and attention even if he's handsome.
Isasara ko na dapat ang pintuan nang may matatag na brasong pumigil doon. Sa paglingon ko, madidilim na mga mata, matangos na ilong, mapula at manipis na labi at amoy ng tila bagong pitas na bulaklak ang sumalubong sa akin.
"W-what do you want" I'm stuttering and I don't know why.
"Do you live here?" Nangunot ang noo ko kasunod ng pag-awang mga labi ko.