Chapter Three

1726 Words
-Addie's POV- HINDI ko lubos maisip paano ako napapayag ni JD na sumama sa kanya. Kinakabahan na ako kaya inalerto ang sarili ko kung sakaling may gawin siyang masama sa akin. Dahil nickname lang din naman ang binigay ko sa kanya ay gano'n na din ang binigay niya sa akin. A two letters name without surname just like how I introduce myself. Hula ko ay may ibig sabihin ang pangalan niya pero hindi ko malalaman kung hindi naman niya sasabihin sa akin. He stopped his car in the middle nowhere. Binundol ng kaba ang dibdib ko pero sinubukan ko na 'wag magpahalata sa kanya. I heard he unbuckled his seatbelt. Hinarap niya ako at sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. I have my pepper spray in my bag, pero hindi ko alam paano kukuhain iyon? Dapat yata hindi na talaga ako sumama sa kanya. We're in the middle of nowhere, walang saysay kahit sumigaw ako at kung tatakbo naman ako, saan ako pupunta? Okay, Addie, focus and calm down. "We're here," aniya sa akin. Maang akong luminga linga sa labas. Wala talaga akong makita kahit ano sa paligid. Its just a plain vacant and dusty road. Walang ano-ano'y bumaba si JD ng sasakyan niya kaya naman napasunod din ako sa kanya. "For me, this is the most beautiful place in Copenhagen." Really? He finds this plain and dusty road beautiful? Ano bang klaseng mata meron siya? "Bukod sa napaka-plain at dusty nitong lugar, ano pa nakikita mong special dito?" Lumapit lang siya sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong balikat. A sudden flow of electricity made my heart beats faster than its normal beating. "This view," aniya sa akin saka pinaharap niya ako sa view ng buong city. "these lights made it more special." Napaawang ang labi dahil sa nakita ko. Mula sa kinatatayuan namin, kitang kita ko ang kabuuan ng Copenhagen. "You'll see the whole city without tiring your feet and legs." sabi niya sa akin. "I still want to visit every spot kahit nakita ko na ang kabuuan ngayon ng Copenhagen." "Anong lugar ang pinaka-gusto mong puntahan?" Kung sasabihin ko tiyak tatawa siya. Sa edad kong ito amusement park ang pinunta ko sa lugar na ito. I booked a thousand bucks of a roundtrip plane ticket just for an amusement park. Kahit sino matatawa sa akin kapag nadinig ang sagot ko na iyon. Pero ayos lang naman dahil stranger na maituturing si JD at sabi mas okay na mag-open sa hindi mo kakilala. No judgement at all. "The oldest amusement park..." There I already said it. Bibilang ako ng tatlo tiyak na tatawa ang ugok na 'to pero hindi iyon nangyari iba ang sagot nito which I find it weird. "Ahhh, madami nga napunta doon pero walang akong makitang special doon gaya ng sinabi mo sa lugar na ito," Farmer pala at gumaganti na ngayon. Ano nga sinabi ko kanina tungkol sa huwag ko lang siya makikita kahit saan sulok ng Denmark? Kinain ko lahat iyon at ang totoo hindi ko alam paano gaganti sa kanya. Pero at least ilang beses ko siyang nasopla kanina. Isama pa ang mga irap ko sa kanya kanina nung lumabas ako sa unit ko. Gusto ko itanong sa kanya kung adik ba siya sa s*x. Mula umaga, hapon at gabi iyon lang narinig ko sa unit niya. Mga ungol, mga salitang pang-out of this world at nadudungisan ang malinis kong isipan. "Alam mo magte-thank you ako sa makaka-imbento ng mind reading pills. Biruin mo kapag uminom ka 'non may access ka nang mabasa ang isip ng tao. Ako unang bibili para mabasa ko ang nasa isipan mo," "Doctor ako pero hindi ko naisip 'yan. Human brain is sacred to me and no one has the rights to invade it. That's against the privacy law." "Sa Pilipinas 'yon pero nasa Denmark tayo ngayon, just Addie." I frowned at him and never talk. Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ko view sa harapan namin. Tama nga ang nabasa ko sa isang internet portal tungkol sa Copenhagen kapag gabi. Maganda at magical dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan at gusali. A smile etched on my lips upon seeing the photos I've taken. Madami na naman akong mailalagay sa website ko. Halo halo ang laman noon at kadalasan medical topics ang post ko doon. Mabibilang sa kamay ang tungkol sa mga trip ko dahil gusto ko akin lang iyon. Selfish? Maybe but it's okay. I want to treasure every adventure I take in my heart and brain. "Nagugutom ako, just Addie. Tara na may ipapatikim ako sa 'yo," Maang akong tumingin sa kanya dahil iba ang dating sa akin ng sinabi niya. Now, Addie malinis pa ba talaga ang utak mo ngayon? "I really want that mind reading pills. Hindi ko alam kung hinuhusgahan mo na ba ako o pinagtatangkaan ng masama diyan sa utak mo o baka naiisip mo yung nadinig mo kanina," "Tse!" I said and marched my way back to his car. Ako na nagbukas ng shotgun seat door at padabog na pumasok doon. ~•~•~ Sa isang Danish restaurant ako dinala ni JD. Semi-fine dining iyon kaya tingin ko mayaman siya. Kilala din ito ng mga food server doon at higit na kinagulat ko ang paglabas ng may-ari ng restaurant para batiin kami. Artista ba si JD? Hindi ko pa pala natatanong kung ano ginagawa niya sa buhay bukod sa maghapong pakikipag-s*x. Grabe, hindi pa din ako maka-move on doon at napakalaking issue pa rin noon sa akin. Eh, kasi hanggang ngayon kapag napapatingin ako sa mukha niya, ibang eksena ang nakikita ko. Lihim kong kiniling ang ulo ko upang iwaksi iyon. "Ano 'to?" tanong ko ng ma-serve ang pagkain namin. "It's a traditional Christmas dish here and every restaurant in Copenhagen served this. Pero dito ang pinaka-best version. Try it." Akma kong titikman pero huminto ako nang maramdaman kong nakatitig siya sa akin. Ibang klase pa siya kung tumingin yung tipong prey ka lang at siya ang predator. Umarko ang isang kilay ko at ngumisi lang siya saka lintakan na ang pagkain sa harap nito. Mukhang masarap din iyon pero titikman ko muna itong nasa nakahain sa plato ko. I sliced a piece of pork and eat it. Masarap at sumasabog ang flavor noon sa bibig ko. Mas masarap pa iyon sa kinain ko kanina sa restaurant na pinuntahan ko. "Nalimutan mo na ba pangalan mo sa sarap?" tukso niya sa akin. "Tse!" sabi ko saka pinagpatuloy na ulit ang pagkain. Muli akong napatingin sa pagkaing nilalantakan ni JD. Nakakatakam pa siya kung kumain na dinaig pa mga food commercial model sa Pilipinas. Nagtama ang mga mata namin bigla pero una akong nag-iwas ng tingin. "You want?" he asked. Tatanggi pa ba ako? s**t hindi naman kasi ako mahilig kumain pero bakit ngayon daig ko pa ang 'di kumain ng isang linggo? Hindi na niya hinintay na sumagot ako. Kinuha niya plato sa harap ko saka pinalit ang plato niya. Hindi naman ako maarte, kuripot lang talaga at ayos lang sa akin ang sharing ng pagkain. I'm not laway conscious. Gaya nung unang tinikman ko, masarap din iyon at muntikan ko pang maubos pero ayos lang naman kay JD. Pagkatapos namin kumain, umalis na kami at ito pa ang nagbayad ng mga kinain namin. Sunod niya akong dinala sa isang stall na puro pastries ang tinda. May in-order itong dalawang tinapay na inabot niya sa akin ang isa. "Bakit ang dami mong alam na restaurant at klase ng pagkain dito?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Pati kasi kung paano ginawa o niluto ang pagkain ay alam nito. "I vlog about food and restaurants," "Just like a regular food vloggers gano'n ba?" "The only difference is I sometimes cook in front of the camera," May trabaho naman pala siya, akala ko s*x lang pinagkaka-abalahan niya eh. "Bakit pala sabi mo nagmamadali ka kanina nung agawin mo yung taxi na pinara ko?" "Hindi ko inagaw, just Addie. Mabagal ka lang talaga maglakad kanina." "Liar. Binilisan at nilakihan mo talaga ang hakbang palibhasa mahahaba biyas mo!" Tumawa siya na parang ewan. Sinimulan ko na kainin yung pastry na binigay niya. Ang tipid naman kasama nito lagi libre ang mga pagkain ko. Baka may kapalit ito at the end of this stroll. Juice colored hindi pa ako handa i-surrender iyon at hindi sa kanya. Love nga hindi naisipang pasukin, iyon pa kaya. "May boyfriend ka na?" "Ayos ha, nililibre mo ba ako para maka-diskarte ka?" He chuckles. Hindi niya tinanggi so totoo? "Taas naman ng tingin mo sa sarili mo. Hindi kita type," Quits lang pala kung gano'n. Oo gwapo siya pero he's the type of guy I will not let court me if I suddenly entertain. Not after I hear those 'you're so good', 'faster babe' at 'Ah! Yes, harder!'. Kinilabutan ako bigla nang maalala ang mga iyon. And I don't do relationships. Wala ang salitang love sa bucketlist ko. "Hindi din naman kita type. Wala akong time sa ganyan at bilang doctor, bihira na ang maka-day off. Swerte ko nga at may limang araw akong bakasyon ngayon." "What's your speciality?" "I'm a neurologist. Kaya nga brain is sacred to me." "I see. First choice mo 'yan?" "Oo and it's because of my dad." "A family of doctors huh?" "Nope kami lang ni daddy. My siblings were handling our mom's business." Tumango tango lang ito sa sinabi niya. "Are you happy in your chosen field?" Iyon ang unang beses na may nagtanong sa akin kung masaya ba ako sa napili kong propesyon. I know that my parents let me take this path kasi alam nilang masaya ako pero hindi nila ako tinanong. Oo naman ang sagot ko doon pero minsan nakakaramdam din ako ng boredom. At travelling ang isang paraan ko sa tuwing nasasakal ako sa mga puting pader ng ospital. Pag paulit ulit ang ginagawa, nabobore ako kaya nga sabi ni Andrew - kakambal ko - dapat adventurous daw ang maging boyfriend ko. Kaso nga hindi naman ako interested magkaroon ng boyfriend. "I'm happy but sometimes I get bored kaya nandito ako," "Madali ka pala ma-bored. Ang hirap mong maging girlfriend. Kailangan palaging may bago at kakaiba," "Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend, mister." "Sayang naman may ipapakilala pa naman ako," "Sino? Ikaw? No thanks!" "Manghuhula ka din ba? Ang galing mo, tayo na nga!" Sinuntok ko siya sa braso niya saka naglakad ba pabalik sa pinapagparadahan niya ng sasakyan. Baka kung saan pa iyon mapunta at hindi na kayanin ng puso kong kanina kakaiba ang t***k. I can't fall to someone whom I just met hours ago. At inuulit ko, hindi kasama ang love sa bucketlist ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD