-JD's POV-
MADALI ko nga napapayag si Addie na sumama sa akin pero hirap na hirap naman akong ibaba ang guard niya. Did I came too strong for her? Na-turn off ba siya sa mga nadinig niya kanina? Nakaka-turn off ba iyon? Siya ang unang babae na ganito ang pakitungo sa akin. I can't think of a best way to tamed Addie. She's has an attitude lile auntie Cali and oh they looked a like in some angles too. Hindi naman siguro Dominguez ang isang 'to. My family is connected to Dominguez's since my father's cousin married one from that clan.
Imposible naman ng naiisip ko pero malakas talaga ang kutob ko. Hindi ko siya tatanungin dahil malamang soplahin niya lang ako. Saka may golden rule sa mga magkakilalang mga estranghero. Never tell your real name para may thrill at kanina pa ako na-cha-challenge dito kay Addie. She just dodge every flirty words I uttered but I caught her blushing once awhile ago. Konting landi pa siguro at bibigay na ang isang 'to.
"What's your plan tomorrow?" tanong ko sa kanya.
"Bakit mo tinatanong?" Balik tanong nito sa kanya.
"Wala lang baka kailangan mo ng tour guide. May shoot ako bukas with my team baka gusto mo sumama,"
"No thank you. I can manage and also what's your account so I can wire my payments para sa mga kinain ko,"
"Ahh 'yon? H'wag mo na bayaran. Welcome treat ko na iyon sa 'yo and thank you for visiting Denmark, just Addie." Kinindatan ko siya pero irap lang ang nakuha kong sagot sa kanya.
Tuluyan siyang pumasok sa loob ng unit niya at naiwan naman ako sa labas. Ang hirap talaga makipag-deal sa isang katulad ni Addie na mataas ang ginawang bakod sa buong katawan. Buong gabi ko siya nilandi pero iisang beses ko lang siyang nakitang nag-blush. Tao ba talaga siya? May babae pala talaga na hindi tinatamaan ng charms ko at si Addie iyon.
My thoughts were halted when my phone rings. It was call from my brother, JC.
[Kuya, uuwi ka ba sa Christmas Eve? Mama says you must go home and celebrate with us here.]
"Hindi ko sigurado. Tatawag naman ako kung uuwi ako dyan kaya hindi mo kailangan magsayang ng pang long distance call, mister."
[Eh si mama kasi tanong ng tanong. Saka yung ibang girls mo dito.]
"Sino? Wala akong babae dyan, John Clarence," sabi ko at may kataasan nang kaunti ang pagkakasabi ko noon. Napatingin ako sa kabilang unit. Hindi naman siguro siya nakikinig sa likod ng mga pintuan na iyon. Imposible dahil as far as I could remember, hindi siya interesado sa akin.
[Ate Raina and Tita Cali ang sinasabi ko. Defensive mo kuya palibhasa dyan iba iba kasama ko araw araw.]
Fuck pati iyon alam? Pinasusundan nila ako siguro dito...
"I use protection naman kaya hindi ako magkakasakit."
[Basta kuya umuwi ka. Utos ng Presidente, co-signed ng asawa ng Presidente and I witnessed it.]
Napa-angat ang gilid ng labi pagkarinig sa sinabing iyon ni JC. Lakas maka-abogado talaga nitong kapatid ko. Kaso hindi naman niya ako mapagtatanggol sa korte kapag nagkakaso ako. Conflict iyon masyado at ayaw ko ng kumplikadong sitwasyon o bagay. Muli akong napatingin sa pintuan ng unit ni Addie. Well, she's an exemption maybe.
Hindi ko diretsahang sinabi na uuwi ako sa Christmas Eve. Basta ang sabi ko lang tatawag ako kapag uuwi na ako o 'di kaya kapag nasa airport na ako. Malalim akong napahugot ng hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng ko. As I opened the lights, I saw how messy it is. Parang hindi tao ang nakatira doon kaya naman naisipan ko maglinis kahit pasado alas onse na ng gabi ngayon sa Denmark.
I fix my bed by changing its cover sheet and pillow cases. Isa isa kong dinampot ang medical books ko sa sahig at inayos iyon sa working table ko. Nilagay ko din doon ang laptop ko na nakabukas pa sa isang video na inaaral ko. Bigla ko naalala yung sinabi kanina ni Addie na brain was sacred to her. Isa siyang neurologist gaya ko pero saan kayang ospital?
Its funny that I chose this path just because someone lit the curiousity in head. Nueroscience wasn't my first choice. Dapat family medicine since general lahat iyon pero mula ng makapanood ako ng brain surgery sa Youtube, na-curious ako bigla kaya iyon na ang speciality na kinuha ko. Brain is the main and most important part of the human body. Doon naka-connect ang puso, atay, kidney, lungs, lahat... Kaya nga sabi, hindi galing sa puso ang love at lust. Sa utak iyon galing at gano'n ka-powerful ang human brain.
Niligpit ko din iba pang libro ko na nakakalat tungkol sa mga iba't ibang klase ng cuisines sa buong mundo. Bukas may shoot ako kasama ang team ko pero hindi dito sa Copenhagen... Pero gusto ko isama si Addie sa lakad ko. Ewan ko ba bakit ang komportable niya kausap kahit mahilig manopla. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta bukas pero tingin sa palibot pa din iyon ng Copenhagen. Madami kasi destination dito at dalawang araw talaga ang ginugugol ng mga turista sa siyudad na ito.
I texted my team for the changed of plans. Dito na lang kami sa Copenhagen at madali na lang humanap ng lugar na pwede pagshooting-an dahil madami naman ako kakilala. Perks of being the son of an asian country leader. I reminded them also not to call me 'doc' para hindi magtaka si Addie kapag napilit ko siya isama. Pinagpatuloy ko na ang paglilinis at nang matapos, agad akong nagshower sandali, nagpalit ng pantulog at nahiga na sa kama ko. I logged in to my social media account and saw some post from Andeng.
Nakabalik na pala siya sa Pilipinas at isa nang ganap na Obstretician & Gynecologist gaya ng tatay niya. We're not on the same speciality but both in the medical field. Masyadong maiilit ang mundo ng mga medical persons. Kahit anong gawin naming iwas sa isa't isa, magkikita at magkikita pa din kami. Tomorrow will be another long day for me. Iba nga lang ngayon dahil may nakakuha sa picky attention ko. Hindi ko na ni-like ang mga post ni Andeng basta nag-scroll na lang ako ng nag-scroll hanggang sa manawa ang mga mata ko at antukin na.
~•~•~
Kinabukasan, maaga akong kumilos at naghanda para shoot namin. Dalawang Danish recipe ang gagawan ko ng healthy version na traditional food kapag Christmas na tingin ko na-adapt na sa lahat ng bansa including Philippines. Pinili kong mag simpleng black shirt lang, navy blue jeans at black vans sneakers. Tinupi ko ang magkabilang maggas ng suot kong shirt saka inayos ang may kahabaan kong buhok bago naglagay ng sumbrero na nasa likod ang visor. Nagsuot ako ng black trenchcoat at scarf palaban sa lamig. I glanced my own reflection once more before exiting my unit.
Paglabas ko, saktong lumabas din si Addie mula sa kabilang unit. May kausap ito sa telepono kaya hindi ako napansin o sinadya niya talagang hindi ako pansinin. Naiiling akong sumunod sa kanya hanggang sa pareho namin marating ang elevator lobby. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya nang madinig ako ang mahina niyang pagtawa. She's smiling sweetly that caught my attention. Ang illegal ng ngiti niyang iyon at hindi ko maiwasang mapangiti din.
After Andeng, hindi ko inasahan na magiging ganito ako ulit ka-interesado sa isang babae. Madami sila pagkakaiba ni Andeng pero kuhang kuha niya talaga ang atensyon ko kahit sa simpleng pagtataray lang niya. Nagtama ang mga mata namin at nawala ang ngiti sa mga labi niya. Umarko ang isang kilay niya na para bang tinatanong ako kung bakit ako nakatingin sa kanya. I just shrugged and flashed a lopsided grin. Nang bumukas ang elevator, nauna siyang pumasok at sumunod ako. Halos sabay namin pindutin ang main lobby button kaya naman nagtama ang mga daliri namin at may tila kuryente dumaloy doon.
Shit hormones! Yung mga gaya noon na tinatawag ng karamihan na love sparks ay dala ng hormones sa katawan na na-produce habang nasa romantic state of bliss ang tao. Gano'n ka-interesante ang human body lalo na ang human brain. Nilayo sa akin ni Addie ang kamay niya kaya ako na ang pumindot ng main lobby button. Tapos na siyang makipag-usap sa cellphone niya at nakatitig na lang siya sa suot niyang sapatos.
She's wearing grey sweat shirt paired in a faded jeans and a pair of white sneakers. Napapatungan ng nude color trench coat ang suot nito. Nakita kong namumula na ang ilong niya at mahahalintulad na ito sa favorite reindeer ni Santa Claus.
"My offer still up just Addie." sabi ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin.
"Ang kulit mo din talaga. Hindi nga ako interesado dahil may list akong sinusunod."
"Bucket list thing? Ayaw mong maiba lang this time?"
Nakita kong nag-isip siya sandali bago huminga ng malalim. Akala ko papayag na siya pero hindi siya nagsalita hanggang sa bumukas ang elevator sa main lobby.
"Good morning D... i mean Sir!" Bati sa akin ni Valeria isa sa mga researcher at videographer ko. Inabutan niya ako ng kape saka ngumiti ng alanganin dahil muntikan na niya akong ma-address na doc. Pasaway talaga ang mga intern na 'to.
Dumaan lang sa harap namin si Addie na para kaming puting pader. Sinundan ng mga intern ko nang tingin siya na sinaway ko naman. Inaya ko na silang umalis nang maaga kami matapos at makapag-aral pa sila. Kahit kapag nagv-vlog ako sa Pilipinas, mga estudyante ang gusto ko kasama kaysa professional. Fresh pa kasi mga ideas nila at kahit ma-pressure ko hindi agad agad sumusuko. Mga half Filipino, half Danish sina Valeria, Victorio at Cielo na nakilala ko sa isang school na nag-invite sa akin mag-speech.
"Siya ba dapat iyong isasama natin, doc?" tanong sa akin ni Victorio.
"Oo kaso hindi mapilit."
"Eh, pabalik siya dito, doc." Agad akong napalingon at totoo nga pabalik nga sa pwesto namin si Addie. Mukhang nakapag-decide na ito ngayon.
"Sasama na ako..." Addie said to me.