-Addie's POV- Nakangiting mukha ni JD ang nabungaran ko ng buksan ang pintuan ng mansion namin. Gabi na at ano naman kaya ang balak ng lalaking niya? Hindi mapalis ang ngiti sa mukha niya kahit inirapan ko na. Yumakap sa binti ko si Micah na mabilis namang lumapit kay JD at nagpakalong nung makita siya ng pamangkin ko. Close na agad si Micah sa kanya kahit iilang beses palang nagkita ang dalawa. “Ano bang kailangan mo at nandito ka?” tanong ko sa kanya. “Ayain sana kitang mag-road trip. Hindi ka nasagot sa text ko kaya pinuntahan na kita dito,” tugon naman niya sa tanong ko. “At sa tingin mo sasama ako?” Tumango ito na para bang sigurado na mapipilit siya nito. Night roadtrip was part of my bucketlist and I haven't done it before. Masyado kasi akong abala sa trabaho at ngayon lang uli