-Addie's POV- "Convinced na talaga ako ngayon na may something sa inyo ni Dr. De Luna." Maang akong napatingin kay Athena matapos makalampas ni JD sa aming dalawa. JD smiled and greeted me and Athena awhile ago. Kaming dalawa naman ang binati pero pakiramdam ni Athena ako lang talaga ang gustong batiin ni JD. Parang sira lang talaga itong kaibigan ko at kinukulayan ang lahat. Dapat talaga naging artist siya at hindi doktor. Inignora ko ang mga sinabi niya at naunang lumapit sa nurse station. Agad ko kinuha yung patient's clipboard para i-check iyon. Isa isang nagdatingan doon ang residents na may kasamang interns pa. I silently listened to them while reading all the details written on the clipboard. Pinag-uusapan nila si Dr. Juarez na napapabalitang ex-girlfriend na doon na nagta-trabaho