-Addie's POV- “Come on, Addie mababaw lang dito,” wika ni JD matapos niyang lumusong sa dagat. Hindi ko matansya kung totoong mababaw lang ba iyon dahil hindi hamak na mas matangkad naman siya sa 'kin. Kung hanggang baywang niya ang level ng tubig baka hanggang dibdib ko na 'yon. Isa pa wala akong dalang damit panligo sa dagat. Hindi nga ako prepared sa trip na 'to unlike JD na may walk in closet yatang dala sa kabilang sasakyan nito. Napalingon ako sa mga bantay niya na nakamansid sa amin mula sa 'di kalayuan. Gano'n lang sila simula nung umalis kami sa Manila, nung huminto kami sa gasoline station at ngayon nga na nasa beach na kami ni JD. Mukhang nasabihan ng kumag kong kasama kung gaano lang sila dapat kalayo sa 'min. Pansin ko naman kay JD nasasakal siya kapag madaming bantay. Kahi