-Addie's POV-
NAGTA-TRABAHO ako sa lugar kung saan hindi na bago ang kamatayan bagkus ay madalas na inaasahan pa nga. Choosing this kind of profession means I'm not allowed to invests personal feelings towards any of my patients. Pero maiiwasan ba? Ilang beses ko na sinubukan pero sa huli, talo pa din ako. I end up crying because my patient lost his or her life during operations. Sabi ng daddy, dapat 'di ko na daw pinilit ang sarili ko na mag-doctor kung mahina loob ko. Pero ito talaga ang gusto ko kaya tinahak ko pa rin ang landas na tinahak din niya noon. He's also a doctor specialized in family medicine and just like me, he also went through my struggles inside medical school and hospital.
My childhood to teenage life evolves to his clinic. Tinutulungan ko siya i-accommodate ang mga pasyente niya at nag-a-assist din ako kapag may mga minor surgeries siya noong nag-aaral na ako ng pre-med course ko.
Sabi ng mga uncle ko, nakuha ko yung tapang na 'to kay mommy dahil lumaki itong walang kinikilalang totong mga magulang. My grandparents were killed in a mass shooting incident in Atlanta, Georgia. Lumaki ang mommy sa pangangalaga nina lola Tine at lola Lorie na kapwa madre pa noon sa bahay ampunan na tinirhan nito. Maganda ang lovestory ng mga magulang ko at minsan pinangarap ko din maging gano'n ang kalabasan ng sa akin.
But only if I'm interested to love. Hindi iyon kasama sa bucket list ko bago ako mag-30 years old. I want to enjoy my life as a single person.
Palagi ako pinagsasabihan ng mommy kapag mas lamang na ako'y nasa ospital kaysa sa bahay namin. Gladly, I have daddy to depend me whenever mommy scolds me. Sinabi lang ng daddy na hayaan na ako dahil matanda na naman daw ako. Alam ko na daw ang tama sa mali, alam ko na nga ba talaga?
Marahas akong napabuntong hininga. Its been a week since I came back from Denmark for a five days vacation. Nag-enjoy naman ako sa bakasyon ko at madami ako na-discover sa bansa na iyon. Kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon ay babalik ulit ako doon.
My thoughts were halted when my phone suddenly rings. Agad ko iyong dinukot sa bulsa ng suot ko na doctor's white gown at sinagot. It was a call from one of the resident and he told me that there's an emergency patient that needed to be operated immediately. Na-diagnosed na daw ng doctor din doon ang pasyente at on the way na ang mga ito via air ambulance. I tied my hair and jog my way to the hospital's rooftop.
"Female, 25, mental stupor, pupils are 5mm and 3mm. The doctor incharge already intubated the patient." Sabi sa akin ng kasama kong resident din sa St. Martin Medical Center.
"What is the presumed diagnosis?" tanong ko.
"Cerebral hemorrhage. The patient still unconscious and no reflexes response reported." I mentally remembered everything I studied about cerebral hemorrhage at risky ang magiging operasyon na gagawin at maaring ikamatay iyon ng pasyente.
"Ilang oras nang walang malay ang pasyente?" tanong ko pa ulit pero hindi ako nagawang masagot ng kasama kong resident. Pumihit ako paharap sa kanya at nakita kong kakamot kamot ito sa ulo. I don't know what he's trying to say but its clear that he forgot the patient's medical chart. Marahas akong napabuntong hininga. I sighted his ID before looking straight to his eyes.
"We're not here to play, Dr. Liam Perez. If you want to work with me, you need to focus." Natigil ako sa paglilitanya sa resident na kasama ko nang umihip ang malakas na hangin. Hinayon ko ang tingin ko sa dahilan noon. It was the air ambulance that used to transport patient that needed to be operated immediately.
Pagkalapag ng air ambulance, agad na nilabas doon ang pasyente. Kasunod noong ang isang lalaking nakasuot ng two piece light blue suit na walang necktie, white long sleeves polo na tinernuhan ng white sneakers. I slowly dropped my hands down when I recognized the man whose already talking to the emergency staff. Agad itong nilapitan ng kasama kong resident at nag-usap ang mga ito. I can't moved my feet were I'm standing and my world literally stopped upon seeing him again.
Nasabi ko na hindi ako interesado sa love kaya kahit na anong palipad hangin ng mga co-fellow doctors o mga resident doctors sa SMMC ay hindi ko pinapansin. Deadma lang sila sa akin dahil hindi nga iyon kasama sa plano ko. The idea of falling for someone never crossed my mind not until I met this man standing not far from me. I never expected that I will see him again here not as an adventurous vlogger but a doctor. He did hid his real identity to me when we're together in Denmark.
Nakita kong lumakad siya palapit sa akin. His eyes were dark and piercing. An excitement builds up on my chest and I don't know why I'm feeling it right now. Since I left Denmark, hindi na siya naalis sa isip ko. Kaya ba gano'n na lang ka-excite ang puso ko na makita siya?
No, Addie, love comes from the brain not from the heart.
Napansin ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat. Para bang hindi din nito expected na makita ako doon. I already told him that I'm a neurologist but not the hospital where I worked. Sandali akong tumingin sa baba dahil hindi ko matagalan ang kanyang tingin. Why am I suddenly became weak? No one ever succeed to intimidates me before, bukod tanging siya lang. Muli kong hinayon ang tingin ko sa kanya hanggang sa magtama muli ang mga mata.
"G-gaano na katagal unconscious ang pasyente?" Nauutal kong tanong nang sa wakas ay tuluyan na siyang nakalapit.
"Four hours and twenty fives minutes." Mabilis nitong sagot sa akin. "I need to see her CT scan to confirm if its cerebral hemorrhage,"
Tumango tango lang ako sa mga sinabi niya. "H-how are you?" tanong ko sa kanya.
"May boyfriend ka na?" Umiling ako bilang sagot. "Did they fixed you to someone whom you didn't know?" Muli akong umiling at awtomatikong nangunot ang noo ko. Ano bang trip niya at gano'ng klase ang mga tanong niya? A lopsided grin flashes on his face which made me frowned. Nilagpasan lang niya ako na parang kurtina. I rolled my eyes and followed him downstairs.
Sa ER na kami naghiwalay na dalawa dahil nasalubong niya ang grupo nina daddy na nag-iikot sa buong ospital. My daddy is the current vice president of SMMC and future president as per Dr. Sloane – the current president of SMMC. May balak na kasi itong lumipat sa Atlanta kasama ang pamilya nito kaya gusto niyang si daddy na ang umupong presidente ng ospital. Binati ko lang sila at dumiretso na ako sa diagnostic room kung saan nag-hihintay ang kasama kong resident kanina. He showed me the CT scan result and it was confirmed that the patient have cerebral hemorrhage.
"Is that the result?" Sabay kami napalingon ng resident na kasama ko. Gaya kanina, pinakita din ng resident dito ang resulta ng CT scan. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatutok ang buong atensyon sa screen ng computer.
"Will you be performing navigation aspiration?" tanong ko sa kanya.
"I'll be performing freehand aspiration." Pareho kaming napatingin sa kanya ng kasama naming resident. Nakita naming tumingin ito sa pambisig nitong orasan bago nagsalita. "Limang oras na unconscious ang pasyente at kung tatagal pa, mamatay siya."
"Pero delikado iyon, doc," tutol ko. Hindi ko pa din magawang i-address siya na doc. Tila may bumibikig sa lalamunan ko sa tuwing sasabihin ko ang salitang iyon.
"That's why I'm doing it." Umawang ang mga labi ko. He's full of confidence when he said those words to me. Isa siya sa pinaka-confident na taong nakilala ko sa loob ng ilang taong pamamalagi dito sa mundong ibabaw. First to him is my dad. "Prepare now the operating room and call the department of anesthesiology for assistance."
"I already prepared it," sabi ko sa kanya.
"Good. Let's begin." Iyon lang at iniwan na niya kami sa diagnostic room.
Tumaas baba ang mga balikat ko habang nakasunod ang tingin ko sa kanya. It was a one of a kind reunion for the two of us. Who would've have thought that our path will crossed in this kind of place? Parehas lang pala ang tinahak naming landas pero hindi ko pa din maiwasang magtanong sa isipan ko. Why does he stayed in Denmark for a long period of time? Bakit mas nagfocus siya pagiging vlogger kaysa ang maging doctor?
Marahas akong napabuntong hininga ulit. Hindi dapat iyon ang iniisip ko ngayon dahil may pasyente akong naghihintay sa akin sa operating room. I jog my way to our changing room and get changed. Matapos iyon ay dumiretso na ako sa operating room na pina-book ko sa isang resident. Doon naabutan ko si JD na nag-scrub ng kamay nito. Taka siyang napatingin sa akin nang kumuha din ako ng pang-scrub.
"You're coming in? Ano ka dito? You're aren't a resident here, am I right?" tanong niya sa akin.
"Is this your way of asking how I was after I left you in Denmark?" Seryosong tanong ko sa kanya. I intently looked into his eyes, trying to find answers to my questions awhile ago. But I see none. Napaka-hirap niya talagang basahin kahit kahit noong magkasama pa kaming dalawa sa Denmark.
"Still answering my questions with a question," aniya saka muli akong nilagpasan. I heaved another sighed, rolled my eyes and followed him inside the operating room.