-Addie's POV- "Bakit dito mo ako dinala? Akala ko ba cafeteria lang?" Sunod sunod kong tanong kay JD nung sa restaurant one block away sa SMMC niya ako dinala. Wala na 'to sa usapan namin kanina at alam naman niyang may duty pa ako na babalikan. Ang sarap niya talaga kutusan. Magagawa ko na 'yon nasa labas kami ng premises ng ospital. I can call him on his nickname or whatever name crossed my mind. "Malapit lang 'to sa ospital kaya hindi ka male-late," aniya sa 'kin. "Labo mo kausap. Sabi mo sa cafeteria lang tayo kaya pumayag ako. Paano kung may makakita sa 'tin? Tsismis yon at ayokong maging sentro ng usap usapan," "Importante ba sa 'yo ang sasabihin ng iba? Walang kaso kung ma-tsismis tayong dalawa. Our family would love that especially your mom and my dad. Pwede nating ituloy yung