Nang gabing iyon ay naglakad lang siya patungong bus stop at makasakay na pauwi. Isang sakay lang naman ang gagawin niya at makakapiling niya ang unan at kama. Napasigaw siya nang may humablot sa kaniyang bag at mabilis na itinakbo papalayo. Ando'n ang perang pamasahe niya at cellphone na pinahiram lang sa kaniya ni Sheena. Shutaa! Wala siyang pakialam kung babae siya, hinabol niya ito.
“Give me back my bag!”
“Then take it b***h!”
Pinagtinginan siya ng mga tao pero wala man lang kahit isang tumulong. Akala siguro ng mga ito ay naglalaro lang siya ng habul-habulan. Mabilis na lumipat sa kabilang lane ang magnanakaw at bago pa siya nakasunod dito isang malakas na busina ng sasakyan ang pumigil sa kaniya kaya ang nangyari nakalayo na ito ng tuluyan. Letse! Muntikan pa siyang mabangga.
Bwesit! Kainis naman, oh.
Parang gusto niyang maiyak pero hinamig niya ang sariling gawin iyon. Masyado siyang maganda para umiyak. Siya na ang malas sa lahat nang malas dahil heto siya ngayon at naglakad. Alam naman niya kahit papaano ang deriksyon ng inuuwian niya pero malayo ito but she have no choice.
Sinilid niya sa dalawang bulsa ng suot niyang hoodie ang kamay at naglakad. Hindi pa nga siya tuluyan nakalayo, may umakbay sa kaniyang dalawang lalaki. Unang tingin pa lang niya ay mga rapist ang mukha ng mga ito. s**t! Wala nga pala siya sa Pinas at banyaga ang kaniyang pagmumukha kahit anong sabihin.
“Hey woman, I see you are alone. You can join us in bed sweety. Threesome, wanna try?”
Eww! Ano siya, pumapatol ng mga pangit?
Umigkas ang kaniyang kamay sa sinabi nito at malakas na sinampal ang lalaki at saka siniko ang isa pa. Takbo! Hindi siya basta-basta napapasindak nang kahit sino. Para siyang sumali ng Olympic sa subrang bilis ng pagtakbo niya habang humahabol naman ang dalawang pangit na mukhang minions. No ways na mangyayari ang gusto ng mga ito.
Mag-alas onse na nang gabi kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Pakshet! Nasa malapit na ang mga ito at abut-abot ang kaniyang hininga. Kahit hindi siya madaling pasindakin, babae pa rin siya. Mula sa unahan ay may mga sasakyan naka-parking sa harap nang isang mamahalin restaurant na bukas pa. Wala siyang choice kundi ang magtago sa mga ito. Atleast hindi siya mahuhuli agad ng mga ito dahil magtatago siya ng palipat-lipat.
Lord? Is this pagsubok ba, or kamalasan talaga?
May nakita siyang sasakyan na nakabukas pero ang may-ari non ay hindi pa pumasok dahil may kinuha ito sa back compartment at may kausap sa cellphone. Perfect! Mabilis niyang sinulyapan ang dalawang minions, naghahanap pa rin ang mga ito sa kaniya kaya walang pagdadalawang beses siyang pumasok sa passenger seat at yumuko mula roon. Bahala na!
“Damn that slut!”
Narinig niyang mura nung isa. Nag-ikot siya ng mata sa sinabi nito. Paduguin niya kabi nito, eh. Sumilip siya sa bintana at kahit alam niyang tinted glass ang sasakyan, naging maingat lang siya. Nagulat siya nang biglang pumasok ang may ari at gulat na gulat siya nang makilala niya ito.
“You little thie——”
Hindi natuloy ang sasabihin nito nang makita ang dalawang lalaking humahabol sa kaniya kanina na papunta sa kanilang gawi, hinila niya ang kwelyo ni Zyd at walang sabing mabilis na kinuyumos ng halik. Bigla itong napatulala at hindi makakilos sa kaniyang ginawa. Ilang minuto silang ganun ang ayos, nakapinid ang labi sa isa't isa.
“f**k we lost her!”
Napahinga siya ng maluwang. Umalis na ang mga ito at lihim na nagpasalamat pero agad bunalik sa kaniya ang reyalidad nang maalala na nasa harapan niya ngayon ang binata at hinalikan niya sa ikalawang pagkakataon! Parang napapasong bumitaw siya rito. Napakagat siya ng labi at hinarap ang kabilang pintuan para makalabas agad sa nakakabwesit na sitwasyon na iyon pero naka-lock ito. Naku naman! Kung kagandahan ba naman niya kasi ang kamalasan.
“f**k! You were the hella b***h running on my car earlier.”
Lihim siyang nag-irap ng mata. So ano kung siya iyon? Muntik naman siya nitong binangga. Hindi siya sumagot. Paano ba siya aalis?
“Nice strategy. You will go with me to the police station.” Mabilis na pinaandar nito ang sasakyan.
Wait what?! “Hey hey, I'm not a thief! I was being robbed and someone was trying to harm me so I ended up hiding myself inside your car!” mahabang lintanya niya. Kung nakakainis ba naman kasi.
Sinulyapan lang siya nito na halatang hindi naniniwala sa kaniyang sinasabi, “Who are you fooling with? You will come with me whether you want it or not.”
Wala siyang magawa nang mabilis na tumakbo ang sasakyan sa maluwang na kalsada. Bwesit! Mukha ba magnanakaw ang kaniyang hitsura? Gigil na gigil siya sa kinauupuan pero wala siyang magawa kundi hintayin na dumating sila sa presinto at para makauwi na rin siya. Bakit ba subrang malas niya ngayon araw? Subrang unfair naman.
Pinoy ang pulis ang humarap sa kanila at subrang pasasalamat niya na pinaniwalaan siya nito kahit wala siyang ID's na maipakita at maprovide na number ni Sheena para pumunta sa presinto at siyang kukuha sa kaniya roon. And ending, maliban sa maraming nagpa-autograph at nagpapicture sa lalaki sa loob ng opisina, marami rin ang nagpa-fansign dito.
Tamang upo lang siya at hinintay ang mga ito na matapos sa pag-fan swooning sa lalaki. Hindi niya akalain na ganito pala ito kasikat sa kanilang lugar. Naghihintay siya na sabihan na pwede na siyang makaalis dahil mag hahating gabi na rin at tiyak na nag-aalala na ang pinsan niya. Sa huli, ang lalaki ang siyang pinahatid sa kaniya pauwi.
“Damn!”
Hindi siya umimik. Bumunot ito ng pitaka at kumuha ng pera. Mabilis nitong binigay sa kaniya iyon at sinabihan siyang mag-taxi. Agad siyang umayaw. May pride pa rin siya at kapag tinanggap niya iyon, para na rin siyang magnanakaw. Anong tingin nito sa sarili niya? Poor? Inismiran niya ito.
“Grab it, woman.” Siniksik nito sa kaniyang hoodie pocket ang pera at bago pa niya nakuhang ibalik iyon, mabilis na itong nakasakay sa kotse nito at pinaandar papalayo.
Nagpapadyak na lang siya sa inis pero umuoo na rin. Ibabalik na lang niya ang sukli bukas. Tatanungin niya 'yon customer nila tutal hockey player naman ito at ipapadala na lang niya ang sukli. Pwede! Ah, hindi sukli... Ibabalik niya ang pera nito pagkauwi niya ng bahay. Bakit ba subrang malas kasi niya!
Nakauwi siya ng maayos nang gabing iyon. Agad naman siyang dinamba ng yakap ni Sheena na akala mo ay matagal siyang nawala.
“Hoy babae ka! Alalang-alala kami sa'yo, iyon nga pinatulog ko na si mama. Akala namin ano ng nangyari sa'yo, lukaret ka pa naman!” mahabang lintanya nito naka-mask ng berde. Muntik pa siyang atakehin sa takot ng pagmamumukha nito.
Ngumiti lang siya at agad na humiga ng kama. “Nanakawan kasi ako. Sorry, pinag-alala ko kayo.”
“Oh my! Anong nangyari? Bakit hindi mo agad ako tinawagan sa payphone? Naglakad ka ba? Na gang rape? Inabuso ng kalalakihan? Oh my God!”
Binato niya ito ng unan. “Lukaret! Exaggerated ka masyado.”
“Sorry na kasi... Ano ba ang nagyari?”
Kinwento niya rito ang buong nangyari nang araw na iyon at para itong pinapatay sa subrang kilig. Pinaghahampas pa siya ng unan at pinagsasabunutan. Papatayin yata siya nito..
“Nakakakilig naman pala ang nangyari sa'yo, eh! Naman Lianne Elhoutte, paano maging pangit tulad mo?” at humalakhak ito kahit hating gabi na.
Mabilis naman niyang sinenyasan itong hinaan ang boses. “Mahilig ka talagang banggitin buong pangalan ko, no?” nag-ikot siya ng mata.
Humagikhik lang ito. “But you know what pinsan, bet na bet ko si King Henrik kesa kay Cap. McCluskey. May sabit na kasi siya eh, samatalang single na single si King Henrik. Omg! Jowain mo na bess!”
Napangiti siya ng hilaw. Paano nga ba ulit sila naging pinsan nito? Maliban sa pareho silang baliw, mas malala lang talaga ang tama ng utak nito.