Chapter 3 - Min Dam

1428 Words
Sa wakas, nakahanap din siya ng trabaho. Iyon nga lang, sa isang Coffee Shop. Cashier siya ro'n at okay na okay na iyon sa kaniya. Malaking pera na rin iyon kapag naging Philippine Peso. Hindi naman siya mapili sa trabaho, ang kaniya lang ay mapapalagyan niya ng loob at nagustuhan ay okay na okay iyon. Hindi gaanong sikat ang Coffee Shop na binabantayan niya at dahil bagong bukas pa ito kaya hindi siya busy at may dalawa siyang kasamang babae na puro pinay rin. Mabilis napalagay ang loob niya sa dalawa.  “Ang gwapo talaga niya, no?” nangangarap na saad ng dalawa habang nakatuon ang mga mata sa malaking flatscreen TV sa isang tabi. Agad napasunod ang kaniyang tingin dito. Napaismid siya sa taong tinutukoy ng mga ito, ang bwesit na lalaki! Hindi na lang niya pinakialam ang mga ito at nagseryuso sa binabasang menu. Hindi siya mahilig sa kape kaya kailangan niyang mamemorya bawat kape roon. “Ang swerte ng girlfriend niya! Nakakainggit.”  “Ang malas kamo,” hindi niya mapigilan sumingit. Nabaling ang tingin nito sa kaniya at nanunuksong nilapitan siya. “Ikaw ha, crush mo si Captain, no?”  Naiiling lang siya at hindi na sumagot. Kung siya ang tatanungin, malas kamo ang babaeng magkakagusto rito. Siya, magkakagusto? Tapos na siya d'yan. Napairap siya sa hangin at hinarap ang trabaho.  Napangiti si Lianne nang umabot ng higit singkwenta ang customer ng araw na iyon. Magsasara na sana sila dahil out nila ay alas dyes ng gabi nang may biglang panauhin ang pumasok. Tatlong banyagang lalaki at deritsong umupo sa bakanteng upuan nandon. Namukhaan niya 'yun isa sa mga ito, iyon yung nagtatanong sa kaniya sa may swing dalawang linggo na ang nakaraan. Nag-order ang mga ito ng brewed coffee habang panay ang pag-uusap sa ibang lengwahe at english. Pero napapansin niya ang panakaw-nakaw na tingin nung lalaki sa kaniya. “Ang gagwapo nila! Akalain mo 'yun, napaka-low ng profile nila sa public?”  Nagtatakang napatingin siya sa kasamahan. “Ha? Anong——”  “Mga hockey player 'yan sila girl.”  Natigilan siya. Parang si Caiden lang? Well hindi siya interesado kaya nagkibit lang siya ng balikat at hindi na pinansin ang mga ito. Gumawa nalang siya ng bill sa inorder ng mga ito at wala pa rin siyang pakialam kahit mga gwapo ang customer nila. Allergy na yata siya sa gwapo. Ano kayang tawag sa allergy na gano'n? Maybe, gwapollergic. “Look man, remember the woman who slapped McCluskey at the bar we went too? Argh! She's damn hot.”  Muntik na siyang malaglag sa kinaupuan. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? “Yeah, the one wearing red. I agree on that, dude.”  Kahit alam niyang na hindi siya kilala ng mga ito, naaasiwa pa rin siya at hindi siya makapag-focus sa harap ng computer. “I wanna f**k her so bad! I won't stop till she moan my name in pleasure.” bumunghalit ng tawa ang isa. Napanting agad ang kaniyang teynga sa sinabi nito. Mga bastos! Namalayan na lang niya ang sariling umalis sa pwesto at naglakad patungo sa mga ito bitbit ang bill. “Here's your bill, sir.” Pabagsak niyang nilatag ang kapirasong papel. Hindi pwede iyon ginawa niya pero sa mga oras na ito, tumaas ang dugo niya sa pambabastos na sinabi nito. “We haven't ask it yet,” saad nung lalaking nakilala niya sa swing. “Oh sorry,” ngumiti siya ng plastic. “And besides, subrang babastos ng mga bunganga niyong mga hayop kayo! Magsialis kayo rito!” nakangiting saad pa rin niya. Nagsitinginan ang mga ito at napatango. “Ah, sorry? Um... You want our autographs?”  “Ha?”  Nagulat siya nang tumayo 'yun gwapong lalaki at isinuot sa kaniya ang suot nitong cap saka siya hinalikan ng dampi sa gilid ng kaniyang labi. Napatanga siya at hindi makahuma sa ginawa nito at bago pa man siya tuluyan nakapag-react, umigkas na ang kamay niya padapo sa makinis nitong pisngi at malakas iyon. Mabilis naman na lumapit ang dalawang kasamahan niyang babae at hinila siya papalayo. Humingi ito ng tawad para sa kaniya habang siya ay tinulak papasok sa storage room. Gigil na gigil siya at gusto niyang balikan ang mga ito pero saka lang niya naisip na patay siya nito. Ang trabaho niya! Mukhang kailangan na yata niyang maghanap ng panibagong trabaho na naman. Sana hindi siya ireklamo pero pakialam niya kung ireklamo siya? KINALIMUTAN ni Lianne ang pangyayaring iyon at pinagbigyan naman siya ng may-ari nang isa pang chance at kapag uulitin pa raw niya iyon ay tatanggalin na siya sa trabaho. Dapat masanay na siguro siya na ibang mundo ang kinagagalawan niya ngayon at wala siya sa Pilipinas para mag-inarte. Kailangan niyang mag-adjust para makasabay sa takbo ng panibagong lugar na kinasasang-utan niya. Lumipas pa ang ilang araw at nagpapasalamat siya na hindi na muling naligaw 'yun lalaking nagbigay sa kaniya ng smack kiss. Tumataas lang ang kaniyang dugo kapag naiisip ang bagay na iyon lalo na kapag tinutukso siya ng dalawang kasamahan niyang si Hera at Trixie na kinikilig sa tuwing binabanggit sa kaniya ang pangalan ng lalaki na Henrik Gustavsson, isang swedish at NHL player na kalaban nang team ng lalaking naiisip pa lang niya ang gabing iyon na naghalikan sila sa gitna ng daan ay namumula na siya. “King Henrick is coming!”  Nababagot na tiningnan niya si Trixie na kinikilig na bumulong sa kaniya nang makita itong pumasok na mag-isa at tulad ng dati, naka-sumbrero ito at casual na t-shirt na pinatungan ng jacket. Umupo ito sa isang tabi at nag-order ng brewed coffee at cookies. Nag-pretend na lang siya na hindi niya ito nakita at hinayaan ang dalawang kasama na siyang mag-assisst dito. Umasim ang mukha niya nang mula sa kaniyang peripheral vision ay tumayo ang lalaki at ito mismo ang kumuha ng bill. “Hey!”  Nagtaas siya ng tingin at pilit na ngumiti. Inaalala niyang customer ito at dapat mabait ang siya. “Yes, sir?” Paano ba maging mabait? “Um... About... Um, sorry.” Nag-abot ito ng bayad na hindi man lang tiningnan kung magkano ang bayarin saka tumalikod ng walang paalam. Napatanga siya. Para saan ang sorry nito? Natigilan siya nang maalalang hindi pa niya naibigay ang sukli ng pera nito. Mabilis siyang umalis sa pinagtatayuan pwesto at tumakbo papalabas para habulin ito at ibigay ang sukling naiwan. Eksaktong nagsuot na ito ng helmet at nakaangkas na sa motor nang magmadali siyang tumakbo papalapit sa lalaki.  “Hey, Sir!”  Napalingon ito sa kaniya. “Ang sukli mo——” Hindi niya natapos ang sasabihin nang hindi inaasahan biglang nag-short notice 'yun isang paa niya sa sementong hagdanan at sumunod na pangyayaring naalala niya, semento ang sumalo sa kaniya. “Arayyy naman!” napangiwi siya at hindi agad makatayo sa subrang sakit ng pagbagsak niya.  “Min Dam, are you okay?” Mabilis siya nitong dinaluhan at tinulungan itayo.  “Iyong s-sukli mo...” Nakuha pa rin niyang iabot iyon sa lalaki. Bwesit, bakit ba kasi pinahabol pa siya nito! Hindi naman sila naglalaro ng habul-habulan. Mas lalong hindi siya taya.  Hindi agad nito nakuha ang ibig niyang sabihin pero inabot pa rin nito. “What makes you hurry?”  “You left your change,” nakangiwing sagot niya pero imbes na magpasalamat ito, sumupil ang hindi matagong ngiti sa labi nito at kalaunan ay nauwi sa malakas na tawa.  Umarko ang kaniyang kilay sa ginawa nito. Maliban sa napahiya na nga siya, pinagtawanan pa siya. Bwesit! Nagmadali siyang tumalikod pero agad itong humarang sa kaniyang daraanan. “Hey, I'm sorry I laughed. You look, cute and I can't help myself,” agad naman itong nagseryuso at tiningnan siya ng sinsero. Tumango lang siya at kiming ngumiti at paika-ikang pumasok sa loob ng Shop. “Here, I'll help you Min Dam.”  Hindi niya inasahan ang biglang pagbuhat nito sa kaniya na para siyang batang paslit sa bisig nito. Bago pa siya nakapag-react, naibaba na siya nito sa isa sa mga silyang nandoon at tuluyan ng umalis. Nag-wave pa ito ng goodbye sa kaniya at iniwan siyang hindi nakahuma sa kinauupuan. Tilian naman ang dalawang kasamahan niyang lukaret at kinikilig na pinagsusundot ang kaniyang tagiliran. Good thing at wala silang customer nang mga sandaling iyon kundi napahiya siya lalo. “Besh ang haba ng hair mo. Umabot sa Pinas lukaret ka! Hooh! Dapat sinabihan mo ako na naiwan niya sukli niya para ako na ang humabol at ako ang kunwaring nadapa. Jusko naman! Kinikilig ang gall bladder ko!” Kulang na lang yata ay hampasin siya ni Hera ng walis sa subrang kilig nito. “How to be you, girl?! Una, hinalikan ka ni King Henrik at ngayon binuhat ka pa. Is this the sign of second coming at magugunaw na ang mundo? Naman! Naiihi ako sa inyo!” Sinundot pa ang tagiliran niya ni Trixie bago ito nag-excuse at nagpunta ng restroom. Naiiling na lang hinayaan niya ang mga ito. Asan ba nag swerte ro'n? Ang malas niya kamo. Min dam daw? Tiningnan niya agad sa google iyon, napakunot na lang siya ng noo nang makitang 'My Lady' ang ibig sabihin. Imbes na killing, napairap na lang siya sa hangin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD