Tuwing hapon ng ala-una lang ang bukas ng Country's Coffee Shop, wala sa mood na pumasok siya nang araw na iyon. Dinadalangin niya na sana ay hindi siya pestehin ng araw na ito at baka kung ano naman ang kamalasan ang mangyayari sa kaniya. Agad siyang binati ng dalawang lukaret niyang kasamahan sa shop. Kaniya-kaniyang lapit ito sa kaniya at sinundot ang kaniyang tagiliran. Pinaalala ng mga ito sa kaniya ang nakakahiyang pangyayari nung nadapa siya. Pinagsisimangutan na lang niya ang mga ito at nagderitso na sa kaniyang pwesto. Dahil wala pa naman silang customer at bihira lang may napapadpad sa shop nila, tumulong siya sa dalawa na maglinis at gamit na kailangan ayusin. “Hindi ba iyan 'yong jowa ni Captain Zyd? Ang ganda niya pala talaga no?” Napatingin siya sa sinabi ni Trixie at lih