CHAPTER 9: Ano Ba Ako Sa 'Yo? ILANG minutong nakatayo lang ako sa parking lot malapit sa motor ko habang pinagmamasdan ang paligid. Ilang saglit pa, dumating si Arjay sakay ng motor. At si Troy ang nagmamaneho! Huminto sila sa harap ko, bumaba si Arjay at nagpasalamat sa kanya si Troy. "Salamat talaga, 'tol," nakangiting ulit ni Troy at nag-alok ito ng pakikipagkamay kay Arjay. "Okay lang 'yon," tugon niya at nakipagkamay naman! Gusto kong matawa! Ano ba ang nangyari? Ba't parang malapit sila bigla? Ano magkaibigan na ang dating magkaribal?! Sinisigaw ng utak ko ang katanungang 'yon! Pero tahimik na nakatayo lamang ako. At parang nananadya ang bampirang ungas! Pakiramdam ko ang tagal nang magkahawak ng kamay nila! "Una na ako 'tol, bawi ako sa 'yo sa susunod," paala