Chapter 8: Top O Bottom Man

2809 Words
CHAPTER 8: Top O Bottom Man PINUNTAHAN din namin ang Binacayan point na nasa bayan din ng Baras tulad ng Binurong point, pero hindi na ako nagpakuwento kay Arjay. Baka magkuwento na naman siya ng tungkol sa pagmamahalan na hindi pinapayagan ng universe. 'Yong pagka-bitter niya sa pag-ibig dahil sa nangyari sa kanila ni Selena, sa sitwasyon ng nararamdaman ko sa kanya niya ibinabaling. Akala niya ba susuko ako sa mga pasaring niya? Mabuting tao siya, mas gusto niyang siya ang masaktan kaysa sa iba. Iyon ang dahilan kaya hinahayaan niya ako at hindi niya madirekta. Hindi niya alam na nasasaktan niya na ako. Mahabang panahon akong naghintay para muli kaming magkita, hindi ako gano'n kahina para sukuan ang pader niyang ginagawa. Tanaw mula sa Binacayan point ang Pacific ocean at ang Puraran beach kung saan kami mag-i-stay ng isang gabi. Sa Binacayan na rin kami kumain ng tanghalian, at sobrang na-enjoy ko ang manok na niluto niya. "Sarap ba? tanong niya. "Sobra, Dark," nakangiting sagot ko. Naubos namin lahat na baon namin na ikinagulat niya, paborito ko raw pala ang manok. Nagulat din ako sa kanya, halos siya kasi ang nakaubos ng kanin dahil hindi naman ako halos kumain ng kanin. Napagod siguro siya sa pagmaneho kaya naparami ng kain. ----------- NANG MARATING namin ang Puraran Surf Beach, agad kaming kumuha ng kuwarto para makapagpahinga kahit hindi naman talaga pagod. Maliit na ang kuwarto naming nakuha dahil halos magkaubusan na. Gusto ko sanang isa sa pinakamahal na kuwarto ang kunin dahil gusto kong maging epic ang tour namin na itinuturing ko bilang isang travel date na. Bagay na pinangarap kong magawa naming dalawa sa muli naming pagkikita. Kaso epic fail, maliit na kuwarto ang available na nakuha na namin at wala pang sariling bathroom. Napabagsak na lamang ang balikat ko nang buksan ko ang pinto ng kuwarto, double-decker pa ang kama. Hindi ako dismayado sa double-deck at lalong hindi ko iniisip na sa isang kama lang kami mahihiga. Ang liit lang talaga ng kuwarto. Wala pang aircon. Hindi ko naman talaga kailangan ang air-conditioned na kuwarto, dahil likas na malamig ang katawan ko, siya lang talaga ang iniisip ko. "Tulala ka d'yan," puna sa 'kin ni Arjay. Mukhang hindi siya dismayado. "Wala," sagot ko lang. "Ano ka, top or bottom?" tanong ko sa kanya. "Siyempre, top!" may nakakalokong ngiting sagot niya at umakyat siya sa taas na kama. "Tulala ka na naman?" tanong niya nang 'di ako kumilos sa kinatatayuan ko, nando'n pa rin ang nakakaloko niyang ngiti sabay kumindat pa siya habamg hinuhubad ang jacket niya. Napangisi na lang ako. Naisip ko na may iba palang meaning ang tanong ko. Na kapag binanggit ko sa kanya kung iyon ang tinutukoy niya ay talo ako. Dahil magmumukhang nag-a-assumed ako at medyo sobra 'yon sa palagay ko. Loko-loko. Bakit ba tini-teased niya ako nang ganyan? Natawa ako at napasalubong ang kilay niya na siguro'y nagtaka. Diyos ko, bakit ganito na ang sitwasyon ko ngayon? Naupo ako sa magiging puwesto ko, napapangiti pa rin ako sa laro ng tadhana sa akin. Lalaki ako, kilala ko ang sarili ko. Pero sa pagmamahal ko sa kanya, ito ako, nasa ilalim niya. "Ang werdo mo talaga, Dark?" sambit niya, nakasilip pala siya sa akin mula sa taas. Nagtama ang aming mga mata. Pinagmasadan ko siya, pero bigla niyang binawi ang tingin niya, naramdaman ko na humiga siya. "Tulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag maliligo ka na," sabi niya. Nahiga ako. "Okay, Dark," tugon ko. "Maaga ako nagising kanina, 'wag mo akong estorbohin, ah." "Wala akong gagawin sa 'yo," sagot ko sa sinabi niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at 'di na siya umimik pa. At narinig ko na lang ang mahinang hilik niya, nakatulog na siya. Tumayo ako at pinagmasdan siya. Naaamoy ko ang amoy rosas niyang halimuyak. Nararamdaman ko siya. Nararamdaman siya ng puso ko. Mahal ko talaga siya. Sobra. Kahit... kahit pa maging bottom ako sa kanya. Hindi lubos na nauunawaan ang tungkol do'n, pero alam kung may label na gano'n sa relationship ng same s*x. Gusto kong pagtawanan ang sarili sa mga naiisip ko. Pero sinusunod ko lamang ang t***k ng puso ko. Lumipas ang lagpas dalawang oras, nanatiling nakatayo lang ako at pinagmamasdan siya. Napakamahiwaga ng pag-ibig, kahit ibang-iba na ang hitsura niya at kapwa na kami nasa iisang kasarian, hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. At ngayon, wala na akong pakialam pa kahit hindi matanggap ng iba ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Hindi mo nga talaga mahuhusgahan ang nagmamahal. Dahil kusa iyong nararamdaman at hindi pinipili. May kanya-kanya tayong guhit ng palad, kapalarang ating tatahakin na dadalhin ka sa taong iyong mamahalin. At hindi mo mapipili iyon. Iwasan mo man dahil mali, ay hindi mo pa rin iyon tuluyang natakasan dahil sa loob mo, nandoon ang pakiramdam na hindi lubos ang iyong kasiyahan. Marahil ang mga nagmamahalan na nasa isang kasarian ay sinunod lamang ang t***k ng kanilang puso at kung ano ang nakaguhit sa kanilang palad. Alam kong nakakonekta ang guhit sa mga palad namin ni Arjay, at noon pa man ay iisa na ang mga ito. Alam kong may puwang ako sa puso niya, na hindi ako nawala. Naririnig ko iyon sa bawat pintig nito sa kanyang dibdib kapag magkasama kaming dalawa. Ngunit naglalagay siya ng pader upang hindi magtagpo ang guhit sa aming palad, dahil sa palagay niya ay mali. Na tulad nina kuneho at tigre, ay maaring sa kapahamakan mauwi ang lahat kapag ito'y pinilit. "Muli akong maghihintay, Joana," mahinang nasabi ko. "Ikaw lang at wala na akong nais pang ibang mahalin, Dark..." Dumilat siya at nagtama ang aming mga mata. Hindi ako nakaiwas, hindi ko nagamit ang bilis ko. "Dark?" mahinang usal niya. "G-Gigisingin dapat kita. Tamang-tama na siguro para mag-surf?" sambit na palusot ko. Kilala ang Puraran beach sa surfing dahil sa malalaking alon. At naririnig ko na sa labas ang ingay ng mga nasa dagat. Bumangon siya at agad bumaba tapos uminom ng tubig. Habang ako ay nagpalit ng short pangligo. Nakatalikod kami sa isa't isa, tapos bigla kong naramdaman ang paghampas niya sa pisngi ng puwet ko. Naka-brief na itim lang ako no'n dahil sinusuot ko pa lang ang board short habang nakatuwad ako. "Nice ass!" natatawang sabi niya. "Loko-loko ka talaga!" natatawang sita ko naman sa kanya nang harapin ko siya at masuot nang maayos ang short. "Gusto mo?" tanong ko. Napalunok siya. "Loko-loko, tara na!" sabi niya na lang. Tatalikod pa sana ako sa kanya para biruin siya, eh. "Hindi ka ba magbibihis?" pagtataka ko dahil nakamaong na short siya, parang 'di akma ipangligo sa dagat. "Gusto mo lang may makita, eh," sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw ang malisyoso mo," sabi ko sa kanya. Matapos niya akong hampasin sa puwet iisipan niya akong magte-take advantage sa kanya? Loko talaga. Napangiti lang siya. "Hindi ako maliligo, samahan lang kita sa may dagat," sagot niya. Naramdaman ko na parang naging seryoso ang tinig niya. Biglang pumasok sa alaala ko nang gabing lasing siya at ginagago niya ang dagat. Siya na ang nagsuot ng maliit na bag kung saan nilagay ko ang cellphone ko at wallet. Isinabit na rin niya sa leeg niya ang camera. "Sure ka na hindi ka maliligo?" paniniguro ko. "Ako na lang ang personal photographer mo, baka may tip pa?" tugon niya. Napangisi na lang ako. Napapaisip ako sa kuwento sa likod ng pagiging gago ng dagat para sa kanya. Nang makapag-rent ako ng surfboard, agad na naming tinungo ang dagat. Marami rin naliligo at nagsu-surf, mag-aalas kuwatro na ng hapon kaya 'di na rin masyadong mainit. Habang pinagmamasdan ko muna ang paligid, may mga hambog na dumating na parang dala ng masamang hangin. Tumayo sila malapit sa 'min ni Arjay. "Mukhang mag-eenjoy tayo mga 'tol!" mayabang na saad ni Francis. Silang apat na naman, at lahat sila may surfboard din na dala. "Palagay ko rin!" sagot ng isa. "Pustahan tayo kung sino makakapagpatumba sa kuting!" sambit ng isa na sinang-ayunan ng apat tapos nagtawanan sila. Nagkatinginan kami ni Arjay. Hindi kami slow para hindi ma-gets ang gusto nilang sabihin. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, pero ako ay nasasabik sa mangyayari. Sanay akong mag-surf at masasabi kong bihasa ako. Ilang taon din akong tumira sa Siargao at doon ako nahasa. "Videohan kita habang nagsu-surf ka," sabi ni Arjay na halatang pinaparinig niya sa apat. "Huwag na. Baka mag-viral pa na may mapatumba akong apat na unggoy sa dagat," sagot ko na sinadyang marinig din ng mga ito. Naunang lumusong sa dagat ang apat. Nagkatinginan pa kami bago sila naglakad, may banta sa mga tingin nila. Na akala naman nila masisindak nila ako. "Next time ka na lang kaya Dark mag-surf?" pag-aalala ni Arjay. "Tigre ako, hindi ako kuting," nakangiting sagot ko sa kanya. Naghubad ako ng sando ko sa harap niya at ewan ko ba kung bakit biglang pinagyabang ko ang katawan ko sa kanya. Napangisi siya. "Huwag mo akong yabangan, mas maganda katawan ko sa 'yo," supalpal niya sa 'kin nang isampay niya sa kanyang balikat ang sando ko. Napangiti na lang ako at naglakad na. "Magiging masaya 'to," sambit ko nang nasa tubig na ako. At napansin kong ang mga mata ng apat ay nakatali sa 'kin. Hindi ko pinahalatang alam kong nagmamasid sila sa 'kin, lumangoy ako at naghanap ng magandang spot. May ilan din bukod sa amin ang magsu-surf ngunit nasa malayo ang mga ito. Naupo ako sa surfboard ko. Napangiti ako nang mapatingin ako sa pampang, si Arjay kumakaway sa akin, nakangiti siya at sinisenyas na naka-ready ang camera para kuhanan ako. Kumaway rin ako sa kanya, para siyang nobyong nakasuporta sa 'kin. Malayo ang agwat ko sa kanya pero malinaw kong nakikita ang guwapo niyang mukha. Sumeryoso ang mukha niya at napansin kong may pag-aalala. Pero alam ko kung bakit, nasulyapan ko sa gilid ng aking mga mata na nakalapit na sa 'kin ang grupo nina Francis. Napangisi ako. Wala pang isang minuto, kaya kong nang tapusin ang buhay ng apat na 'to. Pero matagal na akong hindi pumapatay ng tao, at hindi ko na gagawin pa muli iyon, lalo pa kasama ko na ang taong pinahahalagahan ko. "Marunong ka bang lumangoy?" tanong sa 'kin ni Francis. Hindi ko sana siya papansin, dahil ang estupido ng tanong niya, kaso sinipa niya ang board ko. "Marunong ka ba mag-isip?" nakangising tanong ko sa kanya nang lingunin ko siya. Naramdaman kong pumalibot na sa amin ang tatlo niyang kasama. "Oo," sagot niya. "Iniisip ko ngang pumatay," nakangising pagbabanta niya. "Parehas pala tayo," sagot ko, tiningnan ko siya nang masama kasabay ng nakakalokong ngiti. Mga kabataan talaga ngayon, akala nila lahat kaya nila. Akala nila batas ang salita nila porke may empluwensiya ang kanilang pamilya. Ayaw ko siyang patulan, ngunit may mga taong kapag iniwasan mo ay lalo ka nilang guguluhin. At gusto nilang maipamukha sa iba na mas nakakaangat sila. Ayaw kong ibigay kay Francis at sa mga kaibigan niya ang satisfaction na 'yon. Bully lang ang makakatapat sa bully. Ipapatikim ko sa kanya ang pinapatikim niya sa iba. Ganti ko 'to sa pangti-trip niya kay Arjay. Nilingon ko at tiningnan isa-isa ang tatlo niyang kasama. "Sila, may mga isip ba?" tanong ko kay Francis. "Pare-parehas kami nang iniisip," seryosong sagot niya. "Good," sabi ko kasabay nang pagtangu-tango. Pumwesto ako padapa sa board at naghintay ng alon. Gano'n din ang ginawa ng apat. Balak ko na sanang lumangoy sa ilalim at hilahin ang mga paa nila para paglaruan. Ngunit ayaw kong mauna gumawa ng kalokohan, hindi ko maja-justify na self depence ang ginawa ko kapag ako ang nauna. Ako pa ang magmumukhang masama at may kasalanan. Sumabay ako sa malaking alon hanggang makatayo sa surfboard ko, nagbalanse ako at sinundan ang current ng alon. Nakasunod sa akin ang apat, na tila balak akong banggain. Hindi ako nagkamali. Pero nakakabig ako at tuloy sa pag-andar. Kung hindi lang nakatali ang paa ko sa board tinalunan ko na sila at pinalubog. Pumailalalim ako sa kurba ng alon at napapangiti sa nararamdaman ko. Parang nasasabik ako sa gulo at makipagsagupa, bagay na iniiwasan ko pero masarap sa pakiramdam. Pumaibabaw ako kasabay ng alon at nagawa kong makatalon ng mataas sakay ng surfboard ko. Napuna ko ang pagkabigla ng mga naliligo, napahanga sila sa sinadya kong pagpapakitang gilas upang mapahiya ang apat. Nakatayo pa rin ako sa board hanggang marating ko ang pampang. "Dark, lupet mo!" narinig kong sigaw ni Arjay, patakbo siyang papalapit sa akin. "Na-video ko ang ginawa mo," tuwang-tuwang sabi niya na nagpangiti sa akin nang sobra. Ang sarap sa pakiramdam na mapuri ka ng taong mahal mo at kitang-kita na proud siya sa 'yo. "Ayos ba?" pagyayabang ko. Tumango siya. "Pero mas maganda pa rin ang katawan ko sa 'yo," pagyayabang niya. Nag-flex pa siya ng muscle sa braso niya. "Ayaw mong subukan?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya na hindi sumasang-ayon ang mga mata. "Ikaw na lang, support kita. Personal photographer mo ako, 'di ba?" Tumango na lang ako sa sinambit niya. "Pasikat ka, ah!" Nilingon ko ang may asar sa boses na nagsalita, walang iba, si Francis kasama tatlong minions niya. "Ayos ba?" may angas na tanong ko sa kanya. "Practice lang kayong apat makakaya n'yo rin 'yon. Basic lang 'yon," pang-aasar ko sa kanila. Si Arjay, tahimik lang siya at napaatras pa. "Kung basic lang sa 'yo 'yon, mauulit mo naman siguro 'yon?" may paghamon na sambit ni Francis. "Kahit hanggang bukas pa! Nagagawa ko nga 'yon kahit nakapikit, eh," sagot ko sa hamon niya. Napuna ko ang asar sa mukha ng apat na may kasamang galit. "Yabang mo, ah," saad ng isa. "Meron, eh," sagot ko dahil mayro'n naman akong maipagyayabang. Lumangoy ang apat at 'di na nagsalita. Pero bago sila umalis, tiningnan nila ako nang masama. "Dark, sandali," pigil sa 'kin ni Arjay nang susundan ko na sana ang mga ungas. "Baka mapahamak ka sa ginagawa mong 'yan. Hindi ka na nila titigilan kapag ginalit mo sila ng tuluyan. Dark, mayor ang tatay ni Francis." Nakaramdam ako ng lungkot sa pahayag niya. "OFW ang papa ko, so? Hangga't alam kong wala akong ginagawang mali, wala akong kakatakutan. Ang may kasalanan ang dapat matakot, Dark," sagot ko sa kanya. Gusto ko siyang mabuhay na walang iniiwasan at iniilagang mga mata. "Pero hindi lahat na hindi mali ay kailangang ituloy. At hindi ibig sabihin na hindi mali ay tama." Natahimik ako sa sinabi niya. Parang dagdag sa pader na naman ang binitawan niyang mga salita. "Mahihirapan kang sumaya kung hahayaan mong diktahan ka ng mga iisipin ng iba," sambit ko at tinalikuran ko na siya. Iyon ang nakikita ko kay Arjay, iyon ang kaibahan niya kay Joana. Ang piliin ang alam niyang magpapasaya sa kanya, iyon ang hindi niya kaya. Muling nakapuwesto na kami padapa sa aming mga board, pero ngayon, napapagitnaan na ako nina Francis. Dumating ang alon, kumampay kami sabay-sabay upang sabayan ito. Nauna akong makatayo at nakasunod sila sa 'kin. May naramdaman akong tumama sa paa ko, dulo ng board ng isa. Pero walang naging epekto sa 'kin 'yon, ang lalaking bumangga pa sa 'kin ang bumaliktad at lumubog sa tubig. Ang isa ay hinila ang kamay kung nakaliyad, pero siya ang naitulak ko kaya pahiga siyang bumagsak sa tubig. Muli kong ginawa ang trick ko kanina, pumailalim ako sa kurba ng alon at iginuhit ang mga daliri ko sa tubig at nagdiretso na ako papunta na sa pampang. Naramdaman ko na may papalapit sa akin, si Francis, nakaangat siya sa tubig sakay ng board niya at tinutumbok niya ako. Nakaiwas ako sa pag-atake niya, lumiyad ako, ginamit ko ang isa sa paborito kong moves ng character na napanood ko sa pelikulang 'Matrix'. Dumiretso pabagsak sa dagat si Francis at tumuloy ako hanggang pampang nang nakangisi. Tinanaw ko sila na nagkukumahog umahon pasampa sa kanilang board. Tuluyan akong umahon sa tubig nang mapansin kong wala si Arjay. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko siya matanaw. Hindi ko napansin ang pag-alis niya. Agad akong naglakad at binalewala na ang apat, tinungo ko ang costumer area kung saan nirentahan ko ang surfboard, sinuli ko iyon at nagtanong na rin. "Boss, napansin ninyo 'yong kasama ko?" tanong ko sa staff na nag-assist sa amin kanina. "Hindi po, sir," sagot ng lalaki. Nagpasalamat ako at agad nang umalis upang puntahan ang kuwarto namin. Pagdating ko sa kuwarto, wala siya. At wala namang bakas na bumalik siya rito. Naisip kong baka bigla siyang umalis na walang paalam, pero nandito pa rin ang mga gamit niya. At hindi niya iniwan ang mga gamit ko na nasa kanya. Hindi ko siya matatawagan, nasa kanya ang cellphone ko. Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan ang parking lot, nandoon ang motor na dala namin. Ginamit ko ang kakayahan kong makakita nang malinaw sa malayo, masusi kong pinagmasdan ang bawat sulok. Lahat na gumagalaw ay pinagmamasdan ko, pero wala talaga siya sa paligid, hindi ko siya makita. Pumikit ako at ginamit ang talas ng aking pandinig, pinilit kong pakinggan ang boses ng bawat isa, ngunit hindi ko rin mahanap ang tinig niya. "Nasa'n ka, Dark?" Napatulala ako at napaluha kasabay nang pagkuyom ng mga palad ko. Siguro traumatic pa rin sa akin ang pagkawala niya noon, kaya ngayon para akong baliw sa bigla niyang nawawala. Gusto ko lagi lang siyang nasa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD