Chapter 2

1073 Words
“Teacher, flowers for you po,” sabi ng bata na may kulay-abo ang mga mata habang inaabot sa kaniyang butihing guro ang kumpol ng mapupulang rosas na nasa kamay niya.  Cute na cute ito sa suot na white polo na pinatungan ng blazer na kulay blue at long slacks na kulay black. May suot pa itong kulay blue na necktie. Lahat ng mga estudyanteng lalaki ay ganoon ang suot, samantalang sa mga babae naman ay white blouse na pinatungan ng jumper na kulay blue.  Agad na napatingin sa direksyon ng bata ang guro. Kasalukuyan siyang nagche-check ng mga assignment ng mga estudyante niya. Pampalipas niya ng oras habang naghihintay sa bell ng school. Ito kasi ang palatandaan na magsisimula na ang klase. Napangiti ito nang makita ang kumpol ng mapupulang rosas. Halos nagkandahirap ang bata sa paghawak ng mga bulaklak pero mukhang balewala lang ito sa bata dahil sa sobrang laki ng ngiti nito. Nagniningning ang mga mata habang naghihintay na abutin ng guro ang dala niyang bulaklak. “Aww… Salamat, Kian. Ang sweet mo naman.” Buong pusong tinanggap ng guro ang mga bulaklak at ibinaling ulit ang atensyon kay Kian. “Halika nga. Iha-hug ka ni Teacher.”  Ibinukas ng guro ang kanyang mga kamay na para bang hinihikayat si Kian na yumakap sa kanya. Agad namang yumakap ang bata nang sobrang higpit. Bahagyang hinalikan pa ng guro ang noo ng bata na labis ikinatuwa ng huli. "Thank you ulit sa flowers, Kian. Ilalagay ko 'to sa vase.” “Can I help you po, Teacher Claire?” anitong di pa rin kumakalas sa pagkakayakap sa guro. Mahinhing tumawa ang guro. Clarita Isabella Nayon ang buo niyang pangalan. Ang mga co-teachers niya ay tinatawag siyang Teacher Claring at iyon din ang nakasanayan ng mga estudyanye niya. Bukod tanging si Kian lamang ang tinatawag siyang Teacher Claire. Naitanong na niya ito noon sa bata at alalang-alala pa niya ang isinagot nito, “Kasi po Tatay told me po that if I like someone po, I have to do something po for her to remember me po.” Sa tuwing maaalala iyon ni Clarita ay napapangiti na lang siya. Sa edad nitong limang taon ay para na itong matanda kung magsalita. Sobrang achiever din nito. Napapansin din niyang tahimik itong bata at halos ayaw makipag-usap sa iba except sa mga kapatid na kaklase din ito. Dahil sa iba ang tawag ni Kian sa kanya ay mabilis niya itong nakikilala lalo na kapag present din ang katriplets nito.  “Sure thing, Kian. I’d love that.” Tumayo si Clarita at hinawakan ang kamay ni Kian. Pumunta sila sa dakong dulo ng classroom kung saan may cabinet. Nandoon kasi nakalagay ang vase pati ang ibang gamit na hindi masyadong ginagamit sa classroom. Binuksan iyon ni Clarita at kinuha ang isang babasaging vase. Binuksan naman ni Kian ang pinto ng banyo upang madali na lang kay Clarita ang pumasok para kumuha ng tubig na ilalagay sa vase.  Napangiti ulit si Clarita kay Kian. Clarita can tell that Kian grows up in a good family and was taught well with great values.  Dalawa silang nag-ayos ng mga rosas sa vase. Clarita was patiently teaching Kian how to arrange it properly. On the otherhand, tuwang-tuwa naman ang bata sa pagtuturo ni Clarita. He felt like it was a bonding time for him and his teacher. He felt very special. He likes the feeling that his teacher is focused on him.  At a young age, Kian saw how his teacher treated them fairly in class and how she cares and teaches for them. Clarita is such a patient teacher. Kahit anong pagpapasaway ng mga ka-klase niya ay nakangiti pa rin ito habang pinagsasabihan ang mga kaklase niya. She has this magical smile that anyone can quickly draw into it. Not to mention the aura she has, which made anyone pay attention to what she says. Kian saw her mother in Clarita. His mother is also such a lovely woman. He saw how his mother takes care of him, his five siblings, and his father.  And as Kian grows up, he also wanted to have someone who is just like his mother. Someone who will love him unconditionally and will always be there for him. And he saw that in Clarita. In his young heart, he had already set his goal to make Clarita his wife. “Teacher Claire, will you wait for me po?” inosenteng tanong ni Kian habang nilalagay ang isang tangkay ng rosas sa vase.  Bahagyang natigilan si Clarita at naudlot ang paglalagay ng  hawak na rosas sa vase. Napatitig siya kay Kian na hindi man lang tumitingin sa kanya. Busy pa rin ito sa paglalagay ng bulaklak sa vase. Hindi tuloy alam ni Clarita kung tama ba talaga ang narinig niya or hindi. “Huh? Are you going somewhere, Kian?" "No, po." Tinigil ni Kian ang paglalagay ng bulaklak at tumingin kay Clarita. "You see, I like you po, Miss Claire. I saw po how patient you are to teach us and you care for us deeply too. You're just like Nanay po. I always hear Tatay telling us how happy and lucky he is to have Nanay. He told  us that when the time comes po and we meet a girl like Nanay, we should never let her go. And I found you po, Teacher Claire. Kaso po, I'm still a baby pa at hindi pa po ako tuli. So, can you wait for me po till I grow up?" Napangiti si Clarita sa turan ng bata. Bahagya niyang ginulo ang buhok nito. "Is that the reason why you always give me flowers everyday?" malambing niyang tanong dito. "Yes, po. I always see Tatay po always giving Nanay flowers. He told us po that it's another way of telling the person that you appreciate, care, and love them." "Aww…" Ginulo ulit ni Clarita ang buhok ni Kian at pagkatapos ay hinaplos ang maliit na pisngi niyo. "You're such a great kid, Kian. You're so smart and I bet your parents are so proud of you." "Promise po, Teacher Claire. When I grow up, I will marry you po. Please promise me you'll wait for me po." Ngumiti lang si Clarita at marahang hinila si Kian palapit sa kanya. Niyakap niya ito nang mahigpit at magaang hinalikan sa noo. And just what he had promised before... Now, he's back!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD