Chapter 3

1709 Words
"Oh, natulala ka na d'yan?" sita ni Grace. "Ano ba 'yung pangakong sinasabi n'ya?” Napailing na lang si Clarita nang maalaala niya ang pangako ni Kian. She thought it was just a simple child-like promise. For God’s sake, he was just five years old back then! Who would’ve thought that he would still remember it even after fifteen years? “Wala naman…” mahinang sagot niya na iniwas pa ang tingin kay Grace at ipinagpatuloy ang paglalagay ng biko sa tupperware. “Hoy, Claring ha? Alam ko ‘yang mga tingin mo na ‘yan.” Nilapitan ni Grace si Clarita at pabirong kinurot ang kaliwang bewang nito. “Magsabi ka ng totoo. Naku, ‘yang mga damoves mo na ‘yan! Kilalang-kilala kita, Claring. Magsabi ka ng totoo kasi ‘yung batang ‘yun for sure dadating na anumang oras.” Nanlaki ang mga matang napatingin si Clarita sa kaibigan niya. “What?!” “Yes, my Dear. So, yep spill the beans. Dali na!” nakapamewang pang sabi ni Grace. “Wala nga kasi ‘yun. Child-like promise nga lang—” “Paanong child-like promise, eh pupunta nga rito sa inyo di ba? Nakasalubong ko nga kasi siya sa daan. Ang gara nga ng sasakyan mukhang mamahalin. Sabagay mayaman naman talaga ang pamilya ng batang 'yun." Tinaasan siya nito ng kilay habang inaarok siya ng tingin. "Ano, hindi ka talaga magsasalita?" Napapailing na lumayo si Clarita kay Grace. Sobrang kulit talaga ng best friend niyang ito. Hindi naman sa ayaw niyang sabihin ang pangakong iyon ni Kian. Kaya lang, pangakong bata lang naman iyon na hindi dapat sineseryoso. Baka gino-good time lang din si Grace ni Kian nang magkasalubong sila. Nagtungo siya sa refrigerator at kumuha ng softdrinks na nasa can. Inabot niya ito kay Grace. "Heto, inom ka muna. Ang high blood mo." Agad naman iyong tinanggap ni Grace at binuksan. Nakatitig pa rin ito sa kanya na parang hinihintay siyang sabihin dito kung ano ang ipinangako ni Kian. Habang siya naman ay sumandal sa kitchen counter. Napatawa nang mahina si Clarita. "Hindi ka talaga susuko hanggang hindi ko sinasabi, ano?" "Sabihin mo na kasi. Kung pangakong bata lang iyon, eh 'di fine! Ang layo pa naman ng nilakad ko para sabihin 'to sa'yo," anitong kunwari'y nagtatampo. "Hay naku, Grace! Ang kulit mo talaga," sumusukong sagot niya. Sasabihin na sana ni Clarita ang pangako ni Kian nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad nanlaki ang mga mata ni Grace na para bang tiyak na nito kung sino ang nasa kabilang bahagi ng pinto. “Pustahan tayo siya  na ‘yan. Sinasabi ko sa’yo, Claring,” nae-excite nitong sabi na bahagyang pinalakpak ang mga kamay pagkatapos ilagay ang iniinom sa kitchen counter. Nauna pa itong nagtungo sa pinto at ito pa ang nagbukas ng pinto. Napailing na sinundan ito ni Clarita. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang napatulala rin si Grace sa lalaking nakatayo sa ngayo’y bukas na pinto.  ‘Ito na ba si Kian?’ tanong niya sa sarili.  Hindi niya kilala ang lalaki at napaisip siyang siguro nga’y ito na si Kian base sa reaksyon ni Grace na bahagya pang nakanganga habang nakatingin sa lalaki. Sino ba naman kasi ang hindi mapapanganga sa lalaki? He has silver droopy hooded eyes. Iyong tipo ng mga mata na parang laging inaantok. Pero para ka namang hinihigop kung makatingin. May matangos itong ilong at ang mga labi nito ay mapupula na para bang hindi nadaanan ng sigarilyo. Sobrang tangkad nito at mas nakadagdag pa ng s*x appeal nito ang kayumangging kulay ng balat at pati na ang itim nitong buhok na magulong nakapungos. Para itong modelo na hinugot mula sa isang magazine. Kahit pa nga na ang suot nito ay simpleng manipis na sweat shirt na kulay gray na bahagyang itinaas ang manggas hanggang sa may siko at tattered jeans na pinaresan nito ng white sneakers.  Napatingin ang lalaki sa direksyon niya at ganoon na lang ang laki ng ngiti nito. Bahagya nitong itinaas ang kanang kamay at kumaway sa kanya nang marahan. “Hi, Teacher Claire. Do you remember me?” Hindi makapaniwalang napatunganga lang si Clarita sa lalaki. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang musika sa pandinig niya ang baritonong boses nito. Iyong tipo ng boses na gusto niyang marinig kada umaga para gisingin siya. Marahang napailing si Clarita sa naiisip at napatingin kay Grace na nakatingin din sa kanya. Nanghahaba ang nguso nito habang sinesenyas ang direksyon ng lalaki. Pinagalaw-galaw pa nito ang mga kilay para tudyuhin siya. Sa paraan ng tingin ni Grace, mukhang hindi nga siya nagkakamali. Si Kian nga ang lalaking nakatayo sa may pintuan niya.  “Hello!” mahinhing bati ni Clarita. Matipid niyang nginitian ang lalaki at pinagsalikop ang dalawang kamay. “Akala ko mamaya ka pa dadating, Kian. Sinabihan ko nga itong si Clarita na hinahanap mo siya." Bumaling ulit si Grace kay Clarita at bahagyang kinindatan siya. "Halika tuloy ka," yaya pa nito na animo'y may-ari ng bahay. Agad namang pumasok si Kian sa loob ng bahay na hindi hinihiwalay ang mga tingin kay Clarita. His eyes are sparkling while looking at Clarita. It's been a while since he saw him, and up until now, her beauty still never fades. Clarita still looks the same even after fifteen years. "Upo ka," marahang sabi ni Clarita. "Maiwan ko muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng meryenda." Hindi na hinintay ni Clarita ang sagot ng dalawa. Agad siyang nagtungo sa kusina at napakapit sa pinto ng refrigerator. Huminga siya nang malalim. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa presensya ni Kian. Ni hindi niya napansin na hindi na pala siya humihinga habang nakatingin kay Kian kanina. Hindi niya akalain na sobrang lakas na pala ng dating nito. Lalo na kung makatingin sa kanya'y para siyang hinipnotismo nito. Nang masiguro ni Clarita na bumalik na sa dati ang t***k ng puso niya ay binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng isa pang softdrink in can. Nilagay niya ito sa kitchen counter at kumuha ng isang platito at baso mula sa overhead cabinet at nilagyan ito ng biko. Tinapos niya rin na lagyan ang tupperware na para kay Grace na hindi niya matapos-tapos kanina at isinilid ito sa isang paper bag. Nilagay niya ang mga ito sa isang tray at huminga muna nang malalim bago bumalik sa sala. 'Easy ka lang, Clarita. 'Wag mong ipahalata sa kanila na kabado ka lalong-lalo na kay Kian. Baka mamaya iba ang maging kahulugan ng ikinikilos niya sa bata,' bulong niya sa sarili.  'Pero bata nga ba talaga?' tudyo pa ng isip niya. Napailing na lang si Clarita sa naiisip niya. Naloloka na talaga siguro siya. Naabutan niyang masayang nagkukuwentuhan ang dalawa at pareho itong nakangiti nang makitang pabalik na siya. Sinuklian ni Clarita ang mga ito ng ngiti at inilagay ang tray sa ibabaw ng center table. Kinuha niya ang platito, baso, at softdrink mula sa tray at nilagay ito sa harap ni Kian bago umupo sa upuan katabi ni Grace. Ibinigay naman niya ang paper bag kay Grace na agad namang tinanggap nito. Si Kian ay nakaupo naman sa pandalawahang upuan katapat niya.  “Magmeryenda ka muna,” alok ni Clarita kay Kian. “Thank you,” anito at binuksan ang softdrink in can at nilagay sa baso ang laman. Manghang napatingin si Clarita kay Kian. Every move he does, he does it with finesse. At kitang-kita ni Grace ang pagkamangha sa mukha ni Clarita. Palihim siyang napangiti. Mukhang nagkaka-crush pa yata ang best friend niyang ito. Simula nang mangyari ang insidenteng iyon ay naging mailap na ang babae sa mga lalaki.  Nang may humintong sasakyan sa gilid niya kanina at nalamang si Kian iyon na naging estudyante ni Clarita ay bigla siyang na-excite. Lalo na nang sabihin ni Kian na hinahanap niya ang huli habang nagniningning ang mga mata. Kaya naman nagmamadali siyang puntahan si Clarita pagkatapos ng mga gawing-bahay niya. Alam niya kasing hindi ito pagbubuksan o kakausapin ni Clarita. Mukhang na-trauma talaga ito sa nangyari.  Alalang-alala ni Grace si Kian noong bata pa ito. Alam niyang galing ito sa mabuting pamilya. At kung tama ang pagkakabasa niya sa mga mata at galaw ni Kian kanina, nasisiguro niyang nasa mabuting kamay si Clarita.  Her best friend deserves to be happy this time. And watching how the two secretly look at each other, Grace hopes that she’s not wrong. Besides, age doesn't matter. Bahagyang siniko ni Grace si Clarita para tudyuhin ito. Agad na napatingin si Clarita sa kanya at napailing na lang nang makita ang nanunudyong tingin ng kaibigan niya.  “Naaalala mo pa ba ako, Teacher Claire?” nag-aalanganing tanong ni Kian bahagya pa itong napakamot sa ulo. “Oo naman. Paano kita makakalimutan, eh ikaw ang top sa klase ninyo noon. Magkasunod pa kayo ng mga ka-triplets mo.” Kian sighed in relief. “I’m glad that you still remember me.” He smiled. “I hope that you still remember my promise to you back then. I’m a grown-up man now. I have already finished my studies and was able to stand on my own feet. I’m here now and I intend to fulfill my promise to you.” Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Clarita. So, he wasn’t joking that time? Nalilito nagpalipat-lipat ng tingin si Grace sa dalawa. Napakamot pa ulit ito sa ulo dahil parang naumid ang dila ni Clarita at nanlalaki lang ang mga matang nakatingin kay Kian. “Teka-teka!” Itinaas ni Grace ang dalawang kamay para makasingit sa dalawang nagtititigan. “Kanina ko pa naririnig ‘yang promise-promise na ‘yan. Ano ba ang ipinangako mo noon kay Claring, Kian?” puno ng curiosity nitong tanong. Tumitig si Kian sa mga mata ni Claring at sinagot ang tanong ni Grace na hindi man lang tumitingin dito, “I promised her that when I grow up, I will marry her. And I’m dead serious. And you did wait for me right, Teacher Claire?” “Hesusmaryosep!” ang tanging naisagot ni Grace na nanlalaki na rin ang mga matang nakatingin kay Kian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD