Chapter 4

2118 Words
“Kian, ‘di ka naman nahanginan, ano? Or naengkanto kaya? O baka nakasinghot ka ng katol? Sigurado ka ba diyan sa pinagsasabi mo?” sunod-sunod na tanong ni Grace na nanlalaki pa ang mata.  Kitang-kita ni Clarita ang pamumula ng mukha ni Kian na para bang nagpipigil ito na hindi singhalan ang kaibigan niya. Kaya naman agad niyang inawat ang ‘di maawat na bibig ni Grace. “Umm, Grace ‘di ba pauwi ka na? Anong oras na, oh! Baka mamaya hinanap ka na ng asawa mo at ng mga inaanak ko.” “Ayy… oo nga pala! Naku! Anong oras na ba?” Tiningnan nito ang orasan na nakakabit sa dingding na nasa may ibabaw lang ng 40” flat screen tv ni Clarita. Napaawang ang mga labi nito nang makitang 5:30 PM na pala.  “Naku! Aalis na nga ako at wala pa akong sinaing. Salamat dito, Claring.” Bahagya pa nitong itinaas ang hawak na paper bag at bumaling kay Kian. “Kian, mauna na ako sa inyo. Sana makapagkwentuhan tayong muli at marami akong itatanong. Naku! Ikaw bata ka nakakagulat ka talaga,” anitong napapailing pa. Tumayo ito mula sa kinauupuan at pumunta na sa pinto. Sinamahan naman ito ni Clarita at siya pa ang nagbukas ng pinto para makalabas na ang kaibigan.  “Hoy, Claring. Balitaan mo ako bukas ha?” ani Grace sa mahinang boses. “Naku, pupuntahan talaga kita dito bukas, babaita ka. Kaloka ‘yang revelation ni Kian. Juice ko!” pahabol pa nitong sabi na parang di pa rin makapaniwala sa narinig mula sa dati niyang estudyante. Sino ba naman ang hindi maloloka sa sinabi ni Kian? Maski siya ay hindi din makapaniwala. It’s been fifteen years! Who would’ve thought na tuparin nito ang pangako nito noon? Kung ang mga taong nasa hustong edad na ay mahirap tumupad ng pangako, ano pa kaya ‘yung walang muwang? Di nga kaya nakasinghot si Kian ng sandamakmak na katol? Napailing na lang si Clarita sa naiisip. Mukhang nahawa na siya sa kalokohan ng kaibigan.  “Sige na, sige na. Baka mamaya sunduin ka pa dito ni Narding. Makukurot ka naman noon sa singit,” pagtataboy niya dito. Tumawa naman si Grace na parang kinikiliti. “Ay! Gusto ko nga ‘yun para may bakbakan kami mamayang gabi.” “Hay naku! Umuwi ka na nga. Diyos ko, Grace!” naeeskandalo niyang saway. Alam na kasi niya kung ano ang tinutukoy nito.  Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay naisisingit ni Grace ang topic na iyon sa usapan nila. Mas mabuti daw na marunong siya para kapag nagkanobyo siya ay alam niya na daw ang gagawin. Pero dahil sa tsismis sa kanya, walang ni isang nagtangkang manligaw sa kanya.  “Oh siya, siya aalis na ako. Alam ko naman na itinataboy mo na ako basta ang sesmes bukas ha?” anitong humahagikgik pa.  “Oo na! Pupunta ka din naman dito bukas kahit di ko sabihin. “ Tumawa lang ito at nakipagbeso-beso muna sa kanya bago umalis. Natatawa na napapailing na lamang si Clarita habang isinasara ang pinto.  “Pasensya ka na kay Grace. Minsan talaga walang preno talaga ang bigbig niya,” aniya sa binata. “It’s okay. She’s still the same chatty Teacher Grace even after fifteen years,” anito sa mababang boses. Napatawa naman nang mahina si Clarita sa sinabi ng binata. Madaldal kasing talaga si Grace kahit noon pa. At ‘di niya akalain din na sa murang edad ni Kian noon ay matalas na ang memorya. Though she knew that Kian was such a smart kid even before. He excelled a lot. “Well, that’s Grace for you,” she stated. Biglang namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Sa hindi maipaliwanag na kadahilan ay kinakabahan siya habang naghihintay sa sasabihin ng binata. Nahihiya naman siya na tanungin agad ito tungkol sa sinabi nito kanina.  “Ummm––” “Teacher Claire––” Magkasabay nilang sabi. Bahagya pa silang natigilan at napatawa ulit. Biglang tumikhim si Kian. Biglang sumeryoso ang mukha nito at tiningnan ng matiim si Clarita. “‘Yung sinabi ko kanina. Seryoso ako doon, Teacher Claire. Or can I call you Claire instead?” Bahagyang natigilan ulit si Clarita. Hanggang ngayon ay parang 'di pa rin kayang iproseso ng utak niya ang sinasabi ni Kian. Hanggang ngayo’y hirap siyang paniwalaan ang sinasabi nito.  Huminga muna nang malalim si Clarita bago sumagot, “Oo naman. Hindi naman na kita estudyante. Pero Kian pasensya ka na kung hanggang ngayon hirap pa din akong paniwalaan ka. I mean, please don’t be offended. Pero kasi you were just five years old nung sinabi mo sa akin ‘yung pangako mo.” “I understand. I even expected that reaction from you. Kasi gano’n din naman ang sinabi sa akin ng ibang tao. Even my parents thought that it was just a child-like promise. You see, even before, my parents already knew that I'm attracted to you. At first, tinatawanan lang nila ako. Kasi ano lang ba 'yung pangakong-bata? But as time goes by, ipinakita ko sa kanila na seryoso ako. Nagsikap akong marating ang kinaroroonan ko ngayon with you as my inspiration. Gusto ko kasi pagnagpakita ako sa'yo may maipagmamalaki na ako. And I guess that was the final straw because finally, my parents  believed me. And now I'm here to prove to you that I was serious when I said it. So, if you can’t believe me right now. At least, let me court you." Hindi agad nakasagot si Clarita sa pagkaprangka ni Kian. Kian is still the same child she knew back then. He is not afraid to speak what's in his mind. At mukha ring naiintindihan ni Kian ang agam-agam sa mukha ni Clarita. Tumayo ito mula sa kinauupuan. Ang akala nga ni Clarita ay na-offend ito sa hindi niya pagsagot at ito'y aalis na. Pero gano'n na lang ang gulat niya nang umupo ito sa tabi niya at marahang inabot ang dalawa niyang kamay para hawakan. Bahagya pa siyang napapitlag nang maramdaman niya ang magaspang at mainit na mga kamay nito. At para bang may libo-libong maliliit na boltahe ang nanunuot sa kalamnan niya habang pinipisil nito nang marahan ang mga kamay niya. "You don't have to say anything right now. I know it's hard to believe me, and I understand that. But I'm willing to wait. So, please just let me show you how strong my feelings are for you. And I’ll do that starting tomorrow." Ilang beses nang nagpabaling-baling ng higa si Clarita at hanggang ngayon ay para pa ring naririnig niya ang baritonong boses ni Kian habang sinasabi ang mga katagang iyon. Para itong sirang plakang paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya.  Maghahating-gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatulog. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ayaw niyang isipin na seryoso ito. Kahit na nga ba ilang ulit na nitong sinabi sa kanya na seryoso nga ito. Bata pa si Kian kahit pa nga sa edad na viente, kumpara sa edad niyang treinta y cinco. Para na niya itong anak kung tutuusin. Sa itsura pa lamang nito ay di na nito kailangan pang mag-effort para mapansin.  Lumaki itong magandang lalaki na kahit sinong babae ay mabibighani dito. Isa pa nag-aalala siya sa sasabihin ng mga tao. It’s not that she cares about what they tell about her dahil sanay naman na siya doon. It’s about what stories they could create about Kian. Natatakot siyang madamay ito sa gulo ng buhay niya. If only she was that trusting, maybe things could’ve been a little different.  At sa wakas ay nakatulugan na ni Clarita ang isiping ‘yun. Kinabukasan ay nagising na lamang siya malalakas na katok mula sa pinto. Napapakamot ang ulong iniabot niya ang cellphone mula sa night stand para tingnan kung ano’ng oras na. At ganon na lamang ang gulat niya nang makitang pasado alas onse na pala ng umaga!  Napapailing na bumangon siya. Buti na lang ay Sabado at wala siyang pasok sa eskwelahan. Pero marami naman siyang gagawin na lesson plan at mag-che-check pa siya ng mga activities ng mga bata. Babagalan pa sana niya ang kilos pero ang tao sa likod ng pinto ay mukhang inip na inip na sa kanya. Mabibilis at mas lumalakas pa ang kalabog mula sa pinto.  “Hayan na!” sigaw niya habang isinusuot ang house slippers. Hindi na siya nag-abalang maghilamos pa.  Ang iniisip niya ay baka si Grace lang naman ang nambubulahaw dahil makikibalita ito sa nangyari kahapon. Baka nakalimutan na naman niyang i-lock ang gate kaya nakapasok ito. Mabilis ang kilos na pinuntahan ni Clarita ang pinto. Ni hindi na siya nag-abalang maghilamos o kaya ay magsuklay man lang.  Binuksan niya ang pinto habang kinukuha ang muta sa mga mata nang mabungaran niya si Grace na animo’y inip na inip na pagbuksan niya ng pinto. Nakadaster lang ito at wala pa sa ayos na nakapungos ang buhok. Mukha itong katatapos lang maglaba ang itsura at may kaunting pawis pa ito sa noo. “Grabe ang tagal mo naman magbukas ng pinto, Claring,” reklamo nito na nakabusangot pa ang mukha. “Pasensya ka na. Ang tagal ko nakatulog kagabi kaya tinanghali ako ng gising. Ano palang atin? Mukhang katatapos mo lang maglaba ah?” aniyang kinukuha pa din ang muta sa mata. “Naku! Hindi pa nga ako tapos eh. Eh, kasi naman itong bisita mo nag-aalala sa’yo kanina ka pa daw niya tinatawag pero wala daw sumasagot. Aba kanina bang alas nueve ‘to nandito. Sa sobrang pag-aalala hayun at sumugod nga sa bahay. Buti na lang may nakapagturo sa kanya noong bahay namin. Ako naman ay nataranta kaya napatakbo na kami dito,” mahaba nitong paliwanag. Kumunot naman ang noo niya habang iniintindi ang sinabi ni Grace. Bahagya pa siyang natigilan. “Huh? Bisita?” Agad nitong ininguso ang lalaking nasa tabi nito. “Hi, Claire!” Bahagyang napatda si Clarita sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan na babalik agad si Kian. Hindi niya ito napansin kanina dahil natatabunan ito ng may kalakihang halaman sa tabi ng pintuan. Kung hindi pa nito isinilip ang ulo ay di niya ito mapapansin.  “Kian!” Nanlalaki ang mga matang tawag niya dito. Ni hindi siya makakilos sa pagkabigla. Hindi man lang siya nakapaghilamos o nakapagsuklay man lang! Samantalang ang guwapo-guwapo ng binta sa suot nitong black tshirt, tattered jeans at ang pangpaa naman nito’y white Vans. Naka-messy bun ulit ang buhok nito. Amoy na amoy niya ang panglalaki nitong pabango na nanunuot sa ilong niya. Iyong klase ng pabango na nanaisin niyang amuyin lagi dahil hindi nakakasakit ng ulo.  “Oh, siya! Iwan ko na kayong dalawa ha? Naku! Kapag kayo nagkatuluyan hindi ako papayag na hindi maging matron of honor.” “Grace!” namumula ang mukhang saway ni Clarita. Pasimpleng sumulyap s’ya kay Kian na ngiting-ngiti lang na nakatingin sa kanya.  “Salamat, Teacher Grace,” nakangiting pasalamat ni Kian. “Naku, wala iyon! Saka Grace na lang itawag mo sa akin. Sobrang d’yahe kung may Teacher pang kakabit ang pangalan ko,” anitong humahagikgik pa.  Mahina nitong tinapik ang balikat ni Kian. “Hindi muna ako makikipagbeso-beso sayo, Claring at amoy pawis pa ako. At halata namang hindi ka nakapaghilamos man lang,” anitong nanunudyo pa bago sila iniwanan silang dalawa.  Napapailing na lamang si Clarita habang tintingnan ang papalayong kaibigan. At nang makalabas na ito ng gate ay inaya na niya si Kian sa loob.  “Pasok ka muna, Kian.” She opened the door widely and moved aside so that he could get in.  “Flowers for you, Claire,” anitong iniaabot ang malaking bouquet nang nagpupulahang rosas bago pumasok ng bahay.  Agad napangiti si Claire. Kahit kailan ay kahinaan niya talaga ang mg rosas. Parang nagbalik siya sa nakaraan noong binibigyan din siya ni Kian ng rosas kada pasok nito sa classroom. “Upo ka muna at ipaghahanda kita ng meryenda,” aniyang di mapigilang amuyin ang mga bulaklak at napangiting muli. “That’s one of the reasons why I like giving you flowers,” nangingiting sabi ni Kian habang umuupo sa couch. “Huh?” nagtatakang tanong niya. “Your smile. It brightens my day every time I see it. Most especially when I knew that I’m the reason for it.” Agad na namula ang mukha ni Clarita. At doon niya lang din naalala na wala pa pala siyang hilamos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD