“Feeling ko talaga may gusto sa’yo si Saint, Claring,” komento ni Grace nang dumalaw ito sa bahay niya. May dala itong ulam na nakalagay sa tupperware. Napadami kasi ng naluto nitong dinuguan at tamang-tama naman na nakapagluto siya ng puto. Ipinagbabalot niya din ito ng puto para maiuwi sa bahay nito. Nakaupo si Grace sa silya sa harap ng mesa habang pinapanood siyang nakatayo sa may kalan, kinukuha ang mga bagong lutong puto sa steamer. “Kung anu-ano ang naiisip mo, Claring. Saka nandiyan ka naman lagi kapag present siya,” aniyang pinagwalang-bahala ang sinabi ni Grace. Minsan kasi si Grace tamang hinala rin. Though simula nang magsimula ito ng trabaho sa pinapasukan nilang paaralan ay lagi siya nitong binibisita sa classroom niya or sumasabay ng uwi sa kanila ni Grace. Na hindi naman