"Nakatulog na ba siya?” mahinang tanong ni Kian kay Grace. Kakalabas lang nito mula sa kwarto ni Clarita. Agad siyang lumapit dito pagka tayo niya mula sa kinauupuang couch. “Oo, nakatulog na din siya sa wakas.” Huminga nang malalim si Grace. Nilingon nito ang nakasaradong pinto ni Clarita saglit at hinarap si Kian. “Hindi ka pa ba uuwi? Mag-aalas nueve na ng gabi baka hinahanap ka na sa inyo.” “It’s okay. Nakatawag na ako sa bahay. I’ll stay here. Babantayan ko siya. I can’t just leave her like that.” “Salamat, Kian. Kung wala lang akong asawang naghihintay sa bahay at dalawang chikiting, ako na sana ang magbabantay sa kanya.” Itinuro ni Grace ang upuan. Signalling Kian to sit down. Nagpatiuna na si Grace sa pag-upo sa couch. Sumunod naman si Kian sa kanya na umupo sa tapat ng upuan ni