Unti-unting ibinuka ni Clarita ang mga mata nang balikan siya ng kanyang ulirat. Nakahiga siya sa isang malmbot na kama. Napalinga-linga siya sa paligid at napansin niyang nakahiga siya sa isang malambot na kama. Nasa loob siya sa isang kwarto na tanging black at white lang makikitang kulay sa loob nito. Hindi pamilyar ang kwarto kung nasaan siya. Pilit inaalala kung ano ang nangyari sa kanya at biglang bumilis ulit ang t***k ng puso niya nang maalala niya may dumukot sa kanya na dala Agad siyang napabangon sa isiping nasa pugad siya ng kung sinumang dumukot sa kanya. Pinuntahan niya ang pinto at gaya ng kutob niya ay naka-lock ito. Nagpalibot-libot siya sa loob ng kwarto at masusing sinuri kung mayroo ba siyang pwedeng malabasan. Pero gano’n na lang ang panlulumo niya dahil lahat ng bin