Napasigaw si Clarita nang magising siya sa panaginip na ‘yun. Napapanaginipan niya na naman iyong nangyari sa kanya sa kamay ni Saint. Akala niya nakalimutan na niya ang masalimuot na pangyayaring iyon ng buhay niya pero hindi pa rin pala. Napaiyak na lang si Clarita. Masyadong malalim ang iniwang sugat ni Saint sa pagkatao niya. Halos sirain siya nito. Tapos ngayon ay nagbabalik na ito. Hinihiling niya na lang na sana ay tumupad ang pamilya nito sa pangakong hindi na lalapit si Saint sa kanya. Kasalukuyan niyang pinapahiran ang mga mata nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Agad siyang napasiksik sa uluhan ng kama sa pag-aakalang may nakapasok na ibang tao sa loob ng bahay niya. Nanginginig ang kanyang katawan habang sinisino kung sino ang nasa pinto. Madilim na ang paligid at k