Kabanata 5

2116 Words
Hannah's point of view "Ayos lang ba kayo dito sa tinitirahan ninyo?" Nag-aalalang tanong ni Gray. Nakaupo kami ngayon ni Gray sa labas ng kalye namin at nagkukwentuhan. "Oo naman nasanay na kami sa ganitong buhay." Nginitian ko siya. Di ko alam bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya tuwing nakakausap ko siya kahit epic pa ang naging unang pagkikita namin. Akala ko talaga noong una ay babaero at bastos itong si Gray pero kapag nakilala mo siya ng lubusan ay may makikita kang espesyal sa kanya. Nagpaalam na ito kaya napatango ako at nagpasalamat ng lubos sa kaniya. Bumalik na ako sa bahay at kumain na kami nila Nay Dolores. Gano'n pa rin at natutulog na kami sa papag pero bago na ang higaan namin dahil nakabili na ako ng bago at medyo masarap sa pakiramdam dahil sa malambot nitong foam. Kahit paunti-unti ay nakakaraos na kami, kung minsan nakakakain na kami ng tama. "Hannah saan galing itong mga pinamili? Grabe at napakarami." Sabi ni Nay Dolores habang hangang nakatingin sa mga gamit. "Oo nga po ate ang gaganda ng damit tas may laruan pa, para po sa akin ito?" Napangiti ako at tumango sa tanong ni Joshua. "Yehey! may bago na akong laruan salamat ate Hannah." Niyakap ako nito kaya napangiti ako. "Joshua ‘wag ka sa akin magpasalamat dahil si tito Gray mo ang bumili niyan." Sabi ko rito habang pinupunasan ang mga pawis nito sa noo. "Kay kuyang pogi? Ang bait naman niya ate Hannah." Napatango ako at ngumiti. Nagsalita naman si nay Dolores. "Hindi ba nakakahiya kay Ijo at binigyan pa tayo ng ganito?" Umalis na si Joshua at naglaro ng mga bagong laruan niya. "Nay ayos lang po sa kaniya." "Ang bait naman pala ng batang iyon." "Tama ka nay." Kumain na kami at masayang-masaya. Ako na rin ang nagpresentang maghugas. Nakakain kami ngayon ng masarap na pagkain dahil ako mismo ang nagluto. Di ko napansin na bumili rin pala si Gray ng mga prutas. "Joshua matulog ka na bukas na iyang panunuod mo ng cartoons." Katatapos ko lang maghugas ng sabihan ko ito. "Mamaya na po ate Hannah please? tatapusin ko lang po itong spongebob." Ngusong maktol nito at napapailing na lang ako na natatawa. Tumabi ako sa kaniya at hinaplos ang buhok nito. "Natapos mo na ba ang mga assignments mo?" "Opo naman ate Hannah ako pa ba?" Proud nitong sagot at pinisil ko ang ilong nito. "Ikaw talaga." Nanuod muna kami ng cartoons na gusto ni Joshua hanggang sa makatulog ito kaya inihiga ko na siya sa papag para matulog. Mukhang napagod ang makulit kong kapatid. "Nay di pa po kayo matutulog?" Nakita ko si Nay Dolores na nagpaplantsa ng damit. "Mauna ka na Ija at tatapusin ko lang ito" "Nay ako na ho jan-" "Ija ako na at kay galing ka pang trabaho baka napagod iyang katawan mo" "Pero nay-" "Hep hep ako na huwag ka ng makulit" Napabuntong hininga na lamang ako. "Basta nay pagtapos mo diyan matulog ka na ho." Ngumiti naman si Nay Dolores at tumango. Kaya napahiga na ako at mabuti na lang ay nadapuan agad ako ng antok dahilan para makatulog ako. ***** Gray's Point Of View "honey kanina ka pang nakangiti diyan mukhang masaya ang araw mo." Napatingin ako kay mom, kanina pa ako nakauwi but the face of Hannah is still on my mind. Her smile, nose, and lips. "mom." sambit ko na naiiling. "why son, I'm just telling kasi kanina ka pang nakangiti ng ganyan na ngayon ko lang nasilayan. Why? There’s someone that make you smile? Aren't you? Don't fool me sweety." Sabay taas kilay ni mom. "nako, nagbibinata na ang anak natin Yurika." Dad said.  "aba dapat lang para naman magkaroon na tayo ng apo." *cough cough Nabulunan ako sa sinabi ni mom. "mom." naiinis na sabi ko at nagtawanan sila ni dad. "alam mo naman na hindi pa ako handa magkaroon ng anak okay?" "okay, sinasabi mo lang iyan honey dahil hindi ka pa inlove na inlove sa kaniya pero kapag nagkataon nako papangarapin mo na mabuntis siya tulad niyang tatay mo." Natawa ako sa sinabi ni mom habang dinuduro si Dad. "why Yurika?" napanguso si papa. "why Gerald hah? diba totoo naman dahil sa sobrang kabaliwan mo sa akin ay binuntis mo ako?" Natawa ako dahil pulang-pula na si dad sa kahihiyan. Nagpatuloy lang si mom at dad sa kwentuhan kaya natatawa na lang ako pero may isang salita ang tumatak sa isip ko. Kapag nagkataon na inlove na inlove na ako sa kanya? maiisip ko ba iyon? maybe? I don't know either. ***** Hannah's Point Of View Nagbihis na ako para sa pagpasok ng school at naabutan ko si Nay Dolores na nagluluto. "nay ano po iyan?" Tanong ko rito habang nagsusuot ng sapatos. "Ija magbaon ka dali," nanlaki ang mata ko ng makita ang niluto ni Nay dolores. "sige nay dali magbabaon po ako." Kumuha ako ng taperwel at nilagyan ng kanin. Hindi ko alam bakit nasasarapan ako kapag tuyo ang ulam isabay mo na ng pagkakamay. Nagpaalam na ako kay Nay Dolores at naglakad na papasok. Mamaya diretso na ako ng bar nila Melissa dahil nakalagay na rin naman sa locker ko ang mga sinusuot ko. Habang naglalakad papasok ay hindi ko maiwasan ang makarinig ng usapan. "omygash nabalitaan mo na ba?" "oo ah! ako pa ba? Grabe dito na mag-aaral yung apo ng may ari nitong school wah!" Napatingin ako sa grupo ng mga babae na nagkukwentuhan at halos lahat sila ay pareho ang topic. Nakalayo na ako sa kanila kaya di ko na narinig pa ang pinag-usapan nila ng biglang-- *splash Nanlaki ang mata ko ng may dumaang kotse sa harapan ko at natapunan pa ang uniporme ko ng putik na talsik mula sa kotseng dumaan. Aba't... hindi man lang huminto, "malas naman ang dumi na tuloy ng uniporme ko." Pinunasan ko ng panyo ang uniporme ko. Bastos talaga iyon kahit kailan! Nagsimula na akong maglakad pero ang mga nadadaanan ko ay pinagbubulungan ako. "It's disgusting!" "uso ba ligo sa kanila?" Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ba nila aalam kung ano ang nangyari sa akin? Mabuti na lang ay may sobrang uniporme ako sa locker ko at kukuha na lang ako ro'n. Nang makapagpalit na ako ng uniporme ay sakto naman ng pagdating ng prof namin. "okay class we have a new students at gusto kong kaibiganin niyo sila maliwanag?" "yes sir!" sigaw nilang lahat pero ako tahimik lang. Hinihintay ko kasi si Melissa at kanina pa siya wala. Nasaan na iyon? Kinuha ko na lamang ang notebook ko ng maramdaman kong tumahimik ang lahat ng mga classmates ko. Matutuwa sana ako dahil natahimik sila pero mukhang nagkamali ata ako-- "wahhh!" Napatakip na lang ako sa tenga ng magsigawan ang lahat ng babae dito isabay mo na ng mga baklang nagtitilian kahit pa pumipiyok na. "class tahimik!" Napatahimik naman ang lahat dahil sa sigaw ni prof pero nagbubulungan pa rin sila at kinikilig. Ano bang mayroon at kung makatili sila wagas na akala mo may artistang dumating. Napatingin ako sa harap ng biglang --- what? Nakita ko mula dito sa likuran si Gray, Gabriel, Paul at tila may kasama silang hindi ko kilala. "okay, magpakilala na kayo." Mabuti na lang ay di pa ako nakikita ni gray kaya napayuko ako sa likurang ng upuan na nasa harapan ko pero rinig ko ang boses nila. "Hi guys I’m Gabriel Bret Montefalco, sister of Melissa." Nagtilian ang mga babae matapos nitong magsalita habang ngumingiti pa. "omg!di ko alam na may kuya pala si Melissa na sobrang gwapo." "sinabi mo pa dahil diyan kailangan natin mapalapit kay Melissa." Narinig ko naman ang sunod na nagpakilala. "Hi ladies, I’m Paul Gil nice to meet you all." Wala gano'n pa rin, puro tili ng mga babae at binabae ang naririnig ko sa buong room na kulang na lang ay mapatid ang ugat sa leeg. Nabulunan na lang ako sa sarili kong laway ng bigla itong nag-ayos ng kaniyang buhok. Seryoso? Nagpapagwapo ba siya sa lahat? Kamalas-malasan nga naman ba't nandito pa napunta sa room si Gray. I know na wala namang mali na magkaganito ako pero kasi----- nahihiya ako sa ginawa ko kahapon, Hindi ko pa nga nababayaran hindi ba? "Good morning Everyone I'm Gray Hidalgo nice meeting you everyone." Ako lang ba o kayo rin ang nakakapansin? Eh parang halos lahat naman sila pare-pareho ng pagpapakilala Napansin ko na parang tumahimik ang buong room at tila kuliglig na lang ang kulang dahil sa sobrang katahimikan nila. May problema ba? "Lucas Hills." Rinig ko ang boses ng isang britonong boses na kulang na lang ay maging yelo ang buong classroom dahil sa walang gana nitong bati. Pero ‘yun mas lalong umingay ang buong room dahil sa sinabi niya. Kahit pa nakayuko ako ay rinig ko ang sigiwan, bulungan at tilian ng lahat. Pakiramdam ko ay apat na silang nagpakilala. Napansin ko na nagsalita muli ang prof. "okay welcome to my class everyone of you." Sambit ni sir. Napasilip ako ng kaunti at napansin ko ang paggalaw ng ulo ni sir na tila naghahanap ng pwesto. Nang makita ko sa mata nito na napatingin sa likuran ko ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa-- I'm dead "sit behind Ms. Silvester." Sabay turo ni sir sa upuan sa likuran ko. Nalaglag panga na lang ako. "Ms. Silvester are you okay?" Tanong ni sir kaya napatayo na ako ng dahan-dahan dahil no choice naman ako kung tatakbo pa ako na parang timang at nakita ko sa mata nila ang gulat pero isang sigaw ang umalingawngaw sa buong room.  "Hannah?" Sigaw ni Gray na mukhang gulat at nakangiti pa na naguguluhan kaya ngumiti rin ako pabalik na alam mo iyong natatae ang itsura. "hehehe hi Gray." napansin ko na nagbulungan ang mga classmates ko na para bang may nangyaring kagimbal-gimbal. Tumakbo papalapit sa upuan ko si Gray at parang hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.  " wow, h-hindi ko ineexpect ito." "a-ako rin." nauutal kong sagot sa kaniya. ***** Gray's pov. May napansin akong babae na kanina pa nakatago sa likuran ng upuan. She’s acting weird. "sit behind Ms. Silvester." Napatango kami kay Mr at tinuro nito ang upuan na nasa likuran ng babae na kanina pa nakayuko. "Ms. Silvester are you okay?" Tanong ni Sir. Wait? Narinig ko na ba iyon somewhere? Napaisip ako kung may nakilala na ba akong Silvester. Nasa babae lang ang atensyon ko ng unti-unti itong tumayo--  What? Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. "Hannah?" Napangiti akong at di ako makapaniwala. Tumakbo agad ako papalapit sa kaniya na ngayon ay isang hakbang na lang ang pagitan namin. "hehehe hi Gray." Nahihiyang sambit nito. " wow, d-di ko ineexpect ito." Bakit nauutal ako? Aish umayos ka Gray. "ako rin."  "are you both done?" Napatingin ako kay Lucas na naglakad na papunta sa likuran kasama sila Gabriel at Paul. "yeah." Sambit ko rito, kaya tumingin muli ako kay Hannah "Hannah may nakaupo ba dito?" "h-hah? Ah wala naman." sabay ngiti nito. "dito na lang ako kung okay lang sa’yo?" Tumango naman siya na nahihiya kaya umupo na ako dito sa kanan niya. Naramdaman kong tinapik ako ni Paul sabay bulong  "dumadamoves hah?" "gago." Bulong na sigaw ko rito kaya natawa kaming dalawa. Nagturo na lang muli ang prof pero di ko maiwasan ang mapatingin kay Hannah dahil habang nagsusulat ito ay nakikinig talaga. Paano ako nito makakapag-aral ng maayos kung katabi ko si Hannah? I mean how can I focus if I can’t help myself to stare at her? ***** Hannah's point of view Kanina pa ako tinitignan ni Gray at pansin ko iyon sa rear vision ko, kapag naabutan ko siyang nakatingin sa akin ay bigla na lamang niya ako nginingitian. Alam mo yung pakiramdam na nakakailang? Ganoon ang nararamdaman ko sa madaling salita, A-W-K-W-A-R-D. Ng mag bell na ay walang anu-anong tumayo ako at naglakad na paalis, di ko kinakaya yung mga titig niya. Nang makaalis na ako ay dumiretso ako sa likod ng school kung saan may bench. Napaamoy ako sa mabangong simoy ng hangin at kasabay niyon ang paghampas nito sa aking balat. "Tama dito na lang ako kakain." Kinuha ko na sa bag ko ang binaon ko na gawa ni nay Dolores. Napapadyak na lang ako sa sarap nitong pinritong tuyo isabay mo na ng bagoong. Hindi ko alam kung bakit di ko nakikita si Melissa ngayon, 'yan tuloy wala ako masyadong makausap. Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit ako kumakain ng ganito kahit na maalat sa panlasa ay nasasarapan pa rin ako. Naramdaman ko na lamang na may umupo sa katabing bench ko, nakatagilid kasi ako kaya di ko alam. "Melissa ba't di ka pumasok kanina-- Gray?" Namilog ang mata ko ng mapagkamalan kong si Melissa ang dumatin at si Gray lang pala. "Lonely?" Napatingin ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Gray gusto ko sanang bayaran ng paunti-unti ‘yong tinulong mo kasi--" "Wag na." Napatingin ako sa mga asul nitong mata at mahahabang pilikmata na bumabagay sa kaniyang mukha."para sa'yo talaga iyon." Hindi ko alam parang bumilis ang t***k ng puso ko dahil lamang sa salitang binitawan nito kaya napaiwas ako. "Alam kong di ka tumatanggap ng mga tulong pero sana tanggapin mo iyon as a friend gift." May magagawa pa ba ako? Napatango na lang ako sa sinabi niya. "Salamat." Napansin ko na tumango ito."Gusto mo?" Pang-aalok ko sa kaniya. Nang mapansin kong napatitig lamang siya sa abot ko ay nilayo ko agad ito. Wah! Ba't nagtanong ka pa Hannah, hindi naman kumakain ng ganiyang pagkain iyan. "Sorry nalimutan kong hindi ka nga pala kumakain ng ganito--" Naputol ang sasabihin ko ng biglang agawin nito ang baunan ko. "Hmm sarap." Nalaglag panga na lang ako dahil kumain siya sa baon ko na kahit ako ay hindi ko inexpect.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD