Gray’s Point Of View Inagaw ko agad sa kanya 'yong baunan at tinikman. Sa totoo lang talaga di ako kumakain nito pero ng makita kong nilayo nito ang baunan niya ay alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Mayaman ako at hindi ako kumakain ng ganoong pagkain pero kinuha ko pa rin. Fck! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. "K-kumakain k-ka niyan?" Nauutal na tanong niya at namilog pa rin ang mata. "yeah." Sagot ko at hindi naman masama ang lasa kahit na... maalat, gano'n ba talaga lasa no'n? "pfft hahaha Gray wag ka ngang kumain niyan Hahaha." Natatawang sabi niya dahilan para makunot ang noo ko dahil sa biglaang pagtawa nito at nakahawak pa sa tiyan niya. I found myself staring at her beautiful face, at para bang huminto ang paggalaw ng mga dahon sa puno sa paligid, isabay mo na