Kabanata 4

1432 Words
Hannah's point of view Napako ang tingin ko kay sir Gray na nasa labas at ang lapad ng ngiti, nakakailang man pero ngumiti rin ako pabalik dito. Napansin ko na pumasok din siya kung nasaan ang pwesto ko at Nanlaki ang mata ko sa paglapit niya. "Hi." Sambit nito kaya nagulat ako dahil pumasok pa talaga siya para lang batiin ako. "sir Gray? bakit kayo nandito?" Medyo ilang kong sagot. "don't call me sir Gray, just Gray." "pero po kaibigan kayo ng may ari ng bar-" "ikaw rin naman hindi ba?" Napaisip ako sa sinabi nito at tumango, may magagawa pa ba ako? "oo nga pala ba't nandito ka?" Tanong nito. "ah bibili sana ako ng mga damit ni nay Dolores at Joshua." Napatango naman siya sa sinabi ko. "gusto mo bang samahan kita?" Tanong nito na nakapagapagulat naman sa akin. "huwag na Gray ayos lang sa akin." sabay kaway ko ng dalawang kamay na para bang di ako payag. "huwag ka ng pumalag halika." Hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako rito sabay hila niya. Kahit medyo naiilang ako sa ginagawa niya, wala naman na akong magagawa pa. Nagpatianod na lang ako at napadpad kami sa isang store na puno ng mga damit at laruan. Tingin pa lang ay mukhang mamahalin ang mga ito. "S-sir Gray I mean Gray hindi kaya mamahalin iyang mga iyan? kulang pera ko." Bumitaw naman ako sa kamay niya ng magsalita ito. "Sinong nagsabi ikaw ang gagastos?"Sabay ngiti nito at taas baba ng kanyang kilay. Aangal pa sana ako dahil di ko matatanggap ‘yong mga ibibigay niya pero naunahan niya na ako at nahila na niya ang kamay ko. Nagulat ako ng kuha lang siya ng kuha ng mga damit, laruan, at pagkain. Ang mas lalo akong nailang ay dahil hawak niya ang kamay ko na kanina niya pa hawak. Iyong isang kamay naman niya ay nakahawak sa cart. Marami ang nakuha niya kasabay ng pagdiretso niya sa counter para bayaran ito, ng bigla ko siyang pigilan. "Gray sandali." Napahinto naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Pero kasi... hindi ko matatanggap iyang mga binili mo." Nag-aalinlangan kong sabi sa kaniya. Hindi ko talaga matatanggap ang ganiyang karaming mga bagay. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Why?" "Kasi ang mamahal niyan at ayaw ko naman sulitin itong bagay na ito para lang mabilhan mo ako, patawad di ko talaga matatanggap iyang mga 'yan." Napa-cross arm naman si Gray sa akin at tumaas ang isang kilay kaya napayuko ako. "Kung di mo tatanggapin magkakaroon tayo ng deal." Napaangat ako ng tingin sa kaniya at biglang kumunot ang noo. "Deal saan?" Naguguluhan kong tanong ng biglang tumango naman siya at ngumiti ng malapad. "Magiging girlfriend kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Sir-- I mean Gray nagjojoke ka lang hindi ba? " Kinakabahan kong tanong ng bigla siyang umiling kaya napaatras ako ng kaunti. "Nope Hannah nagsasabi ako at may isang salita ako, kaya kapag di mo tinanggap iyang mga iyan." Sabay lapit ng mukha nito sa mukha ko at mukhang ilang dangkal na lang ay pwede na kaming magkahalikan."You will be my Girlfriend." Napasinghap ako sa sinabi nito habang nanlalaki ang mata. "Ano tatanggapin mo na ba iyan?" Tanong niyang muli habang nakalapit ang mukha sa akin at amoy-na amoy ko ang hininga nito na sobrang bango. ***** Gray's Point Of View                                         "Ano tatanggapin mo na ba iyan?" Kita ko ang gulat sa mga mata niya kahit ako hindi ay ko alam kung anong nagtulak sa akin at hinila ko na lang siya bigla. Tumango na lang siya at napangiti ako. Nakakabakla pero sa ganitong maliit na bagay ay napapangiti ako. Hinawakan ko na muli siya sa kamay at nagsimula na kaming maglakad papuntang counter. Ganito na ba akong kahibang para hawakan ang kamay niya? Mukhang nahihiya pa siya sa akin dahil hindi siya makatingin ng diretso. "10,600 po sir." Kinuha ko agad ang card ko at binigay sa counter. "Here." Kinuha naman niya iyon at inswipe. "Thank you sir Gray." Nanlaki ang mata ko kaya pinandilatan ko siya ng mata na mukhang nakuha naman niya. "I mean sir po." Napatingin ako kay Hannah at nginitian siya. Sh*t nalimutan kong sabihin sa inyo, na ang magulang ko ang may-ari nitong mall na ito. ***** Hannah's point of view "Thank you sir Gray." Napatingin bigla ako kay Gray at sa counter. Paanong alam niyang Gray ang pangalan nito? "I mean sir po." Sagot muli ng babae sa counter sabay tingin ni Gray sa akin at ngumiti. Di ko na lang pinansin kung ano man ang gumulo bigla sa isip ko. Naglalakad kami ngayon ni Gray habang hawak niya ang mga pinamili. "Gray ako na ang magdadala niyan." Pinigilan ako bigla nito. "No, hayaan mo akong magbitbit nito." Napatango na lang ako sa sinabi niya kahit naguguluhan sa mga nangyayari. Di ko alam ba't ganyan siya kumilos, feeling close lang Hannah?  "Ba't mo ginagawa ito?" Tanong ko na nagpakunot ng noo niya. Napatingin bigla ito sa kawalan habang naglalakad kami. "Hindi ko rin alam ba't ginagawa itong mga ganitong bagay." Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Hindi niya alam? May gano'n ba? Ano iyon na trip lang gano'n? Pumasok kami sa isang parang tindahan ng mga gown at dress. Napahanga ako dito dahil sa mga magagarbong disenyo nito. "Wait me here." Napatango ako at iniwan naman niya sa ibaba ng sofa ang mga pinamili kaya naupo na ako sa sofa. Nakita ko sa may di kalayuan na may kausap siyang babae at napatingin ito bigla sa pwesto ko. Napangiti si Gray sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Pumunta na silang dalawa sa pwesto ko at may dala na siyang kahon. "O paano bayan pamangkin ipakamusta mo na lang ako sa mama mo okay?" "Yes tita." Nagpasalamat na siya at binuhat muli ang mga pinamili. "Gray ako na ang magdadala niyang kahon please?" Napatingin naman siya sa akin at tumango. Kaya binuhat ko na ang kahon at nagsimula na kaming maglakad. Puro kwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa nakarating na kami sa parking lot. "Hahatid na kita sa inyo." Napatingin naman ako sa kaniya. "Huwag na Gray sobra na itong mga ginawa mo." "pumayag ka na please?" pagmamakaawa nito habang nakangiti. Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagpasalamat ako. Umikot na siya sa driver seat at pinaandar ang kotse. "Saan ang tirahan mo?" Tanong niya at tinuro ko sa kanya kung saan ang daan. Ng makarating na kami sa tirahan ko ay kumunot ang noo niya. "Dito ka nakatira?" Tanong nito kaya tumango ako. "Oo dito ako nakatira. Kaso kailangan mo pang pumasok ng kalye para diretso sa bahay namin." Sambit ko sa kaniya sabay ngiti. "Salamat ulit dito, hayaan mo babawi ako sayo." Lalabas na sana ako ng hawakan nito ang pinto. "Wait." Mabilis nitong sabi dahilan para mapahinto ako at tinitigan siya. "ano kasi... gusto sana kitang ihatid sa inyo." Napakunot naman ang noo ko. ***** Gray’s Point OF View Hindi ko inexpect na sa ganitong lugar siya nakatira. "Wait. Ano kasi... gusto sana kitang ihatid sa inyo." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "huwag na Gray hanggang dito na lang." "No, sasamahan kita." Lumabas na ako sa kotse at dali-dali siyang pinagbuksan. "Di mo naman kailangang gawin ito Gray sobra-sobra na ito." Nag-aalalang sabi niya. "Ayos lang Hannah basta para sayo." Pabulong kong sabi sa bandang dulo. "Hah?" "Wala sabi ko huwag ka ng makulit." Kinuha ko na ang mga gamit sa backseat at nagsimula na kaming maglakad. Maraming mga tao ang napapatingin sa gawi namin at nagbubulungan. "Grabe ang gwapo naman nitong batang ito na kasama ni Hannah." "Oo nga eh bagay na bagay sila." Napangiti ako sa mga sinasabi nila. Nasa likuran ko naman si Hannah. Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na ako. Maputik ang daan at huminto na kami sa bahay na tila gawa lamang sa pinagtagpi-tagpi pero napakalinis at maayos. "Dito ako nakatira." Sabi nito kaya pumasok na kami sa loob. "Nay dolores at Joshua nandito na po ako." Tawag ni Hannah sa pangalan na di ko kilala. May lumabas na isang bata at maputi, hindi ko lubos isipin na siguro kapatid niya iyan. Sa likod naman ng bata ay may isang matanda na nasa mid 60s. "Oh ija sino yang gwapong binata na kasama mo." Napangiti ako at naglahad ng kamay. "Magandang hapon po Lola ako nga po pala si Gray." Napatingin sa akin si Hannah kaya nginitian ko na lamang siya. "Nako ijo wag ka ng makipagkamayan galing pa ako sa paghuhugas." Kinuha ko naman agad ang kamay ni lola at shinake hands ito. "Lola ayos lang po iyon." Hindi ko alam parang may saya akong naramdaman na ngayon ko lang naramdaman. Para bang may kakaiba sa kanila na tila nagbigay sayo ng kulay. "Ako naman si Nay Dolores, apo magpakilala ka." Biglang may nagsalita na maliit na bata at ang itsura nito ay may kakyutan. "Ako nga po pala si Joshua walong taong gulang." Napangiti ako at ginulo ang buhok nito. "Hi Joshua ako naman si tito Gray." "Wow ang ganda naman po pala ng pangalan niyo parang pangkulay." Nagtawanan kami sa sinabi nito kaya tinap ko ang ulo nito. "Oo gano'n na nga." Napansin ko na natawa si Hannah at nanatili ang titig ko rito. Ang bawat halakahak niya ay parang ritmo sa tenga ko na ang sarap pakinggan at ulit-ulitin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD