Hannah’s Point OF View
"Hannah!" Napatingin ako mula sa babaeng pababa at si Melissa ito, mukhang nagmamadali siya.
"bakit Melissa?" tanong ko rito at mukhang habol hininga itong kinausap ako.
"pwede bang pabigay nito sa lalaking kalalabas lang bilisan mo baka makaalis na siya." Mabilis niyang sabi kaya sa sobrang taranta ko kinuha ko agad iyong phone na inabot niya at tumakbo palabas.
Napatingin ako sa mga taong nasa paligid ng bigla akong napasampal sa noo-- hindi ko naatanong kung anong itsura ng tinutukoy niya!
Hayst ang malas nga naman oh!
Nagsimula na akong maglakad para hanapin iyong may ari nitong cellphone na ito na pinaabot sa akin ni Melissa pero nga lang hindi ko alam kung kanino ito.
Ano iyon sisigaw ako dito kung sino ang nawawalan ng cellphone edi para lang akong timang, hindi ba?
Napabuntong hininga na lang ako ng biglang-
"ahh! ugh! ang sarap put*"
Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng pag-ungol sa may kotseng nasa gilid ko. Nakunot ang noo ko ng may nakita akong lalaki na nakatalikod kaya dahan-dahan akong lumapit para tignan ito na sana ay hindi ko na lamang ginawa
"I like it baby." Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Wah!" Napasigaw ako dahil sa nakita sabay talikod at tinakpan ang mga mata kong inosente--tama ba iyong nakita ko? jusko!
Bakit sa ganito pa ako nakakita ng milagro, iyong mata ko! at... at... wah!nakita ko ‘yong katawan niya.
"Fck miss ano ba, hindi ka ba nag-iingat?" Sigaw niya at nangatog ang tuhod ko.
"s-sorry hindi ko sinasadya aalis na ako." Nagsimula na akong maglakad pabalik sa bar. Nang medyo nakalayo na ako ay nakahinga na ako ng maluwag.
Jusko! hindi ako makapaniwala, dahil sa tala pa naman ng buhay ko ngayon lang ako nakakita ng gano'ng milagro at live pa.
"oh Hannah sorry nalimutan kong sabihin sayo kung anong itsura niya-- teka ba't namumutla ka? ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Melissa ng magtanong ito.
"hah? ah oo ayos lang ako." Binalik ko agad yung cellphone sa kaniya."mas maganda siguro ikaw na lang mag aabot nito Melissa, di ko kilala yung may ari niyan eh." Napakamot na lang ako sa batok ko habang nagpapaliwanag.
"hahaha tama ka nga baka mahirapan ka pa." kinuha niya sa kamay ko ang cellphone kaya nagpaalam na ako sa kaniya at bumalik na sa trabaho ko.
Pero lutang pa rin ang isip ko dahil sa nakita ko, ayos na iyong katawan lang niya ang nakita ko pero iyong-- alam niyo na iyong sa baba, argh! basta iyon.
Bumalik naman ang lahat sa normal at ganoon pa rin ang ginawa ko, taga-dala ng mga inumin.
Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ng makasaksi ako ng live na milagruhan.
"Hanna!" tawag ni Melissa sa akin.
"huwag ka ngang sumigaw Melissa, alam mo namang nasa library tayo eh." Bulong ko sa kaniya at tumango naman siya.
Oo nga pala buti na lang ay nakaluwag-luwag na kami dahil sa trabaho na binigay ni Melissa.
Nakabayad na ako ng tuition fee ko tsaka nakapagbayad na rin ng ilaw at tubig. Nagulat nga sila nay Dolores at Joshua dahil nakabili na rin ako ng ibang mga gamit tulad ng cabinet, tv, higaan at mga delatang pagkain.
"sorry na, oo nga pala gusto sana kitang iinvite sa birth day ko." Ngiting sabi nito, kaya kumunot naman ang noo ko. Nakita kong nag-pout ito. "gano'n nakalimutan mo na birthday ko? I hate u na Hannah." Natawa na lang ako sa biglang pagnguso niya kaya hinampas ko siya sa braso.
"baliw, ako pa ba malilimutan ang birthday ng bestfriend ko?" Sumilay bigla ang masayang ngiti ni melissa.
"iyon pala, so pwede ka na? Wala ng bawian sa sabado, at tsaka ipapakilala na rin kita kila Mom and Dad for sure matutuwa iyon. Ang tagal na kaya nilang gusto kang makilala." Napangiti ako bigla ng mapait. "hoy wag ka na ngang malungkot Hannah." Hinawakan bigla nito ang kamay ko kaya ngumiti ako sa kaniya. Minsan talaga mas masaya kapag mayroon kang kaibigan na handang pagaanin ang loob mo sa oras ng kalungkutan.
"oo na sasama na ako." Napangiti ito at nagkwentuhan na lang kami.
Ayan na naman siya si kopya ng assignment ko, kaya tinuro ko na lang sa kaniya kung paano ang gagawin. Pinayuhan ko pa nga yan eh na kapag mag-rereview siya ng isang lesson dapat di niya tinatandaan ang mga ito at ang kailangan lang ay intindihan.
*****
Lucas point of view
"Dad please."
"No Lucas hangga't hindi ka nagtatanda hindi ka babalik sa school na iyon maliwanag? lilipat ka sa school na pagmamay-ari ng lolo mo at napag usapan na namin iyon." Sambit ni dad habang hawak ang dyaryo kaya padabog akong umalis sa hapag at pumunta ng kwarto ko.
Damn that man.
I know kung sino ang nagsumbong kay Dad na hindi pag-aaral ang inaatupag ko kung hindi pamba-babae, and that is Andrew My asshole brother.
And I hate him. I hate him so much for his jerk
Napahiga na lang ako sa kama at kinuha ang phone ko at tinawagan si Gabriel.
"I'm coming." sagot ko ng walang ano-ano at inend ko na agad ang call. Tumayo na ako sa higaan at nagsuot ng white v-neck shirt at jogger.
Naalala ko na naman ‘yong babae na nakakita ng live scandal ko dahil swerte niya na nakita niya ang isang Lucas Hills ng live, but I didn't see her face. Nevermind, wala naman akong pake sa isang iyon.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ang mangyaring iyon kaya kampante na ako. Pinaandar ko na ang GTR black sports car at pumunta ng bar ni Gab.
Nang pagkarating ko ro'n ay umiinom na sila kasama si Paul at Gray na tumatawa pa.
"Lucas long time no see, 1 weeks walang paramdam?" tanong ni Paul kaya padabog na lang akong umupo at nagkatitigan naman sila na para bang nagtataka sa kinikilos ko.
Nilagok ko agad ang bote ng alak at binaba ito. T*ngna niya kung hindi ko lang siya kapatid baka napatay ko na siya! pumapatay ako ng tao at iyan ang totoo, walang awa kung sabihin nila.
"problemado ah." Sabi ni Gabriel.
"yeah." Walang gana kong sagot at ininom muli ang alak.
Sinabi sa akin ni dad na kapag may babae na naman akong kalampungan ay di na niya sa akin ipapamana ang lahat kahit ang pagiging mafia boss na inaasam ko. At alam kong may mga tauhan na siyang inutusan para sundan ako pero nakikita ko rin naman at ang lahat ng iyon ay walang umaabot sa kanya dahil pinapatay ko sila.
"fck that asshole" Padabog kong binaba ang baso.
"woah! Easy ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Paul na tumatawa pa.
Tinignan ko sila at kinwento ang lahat-lahat, Pero di ko na sinama yung nangyari na may nakakita ng live scandal ko.
"edi lilipat ka na ng school ng lolo mo? Hirap niyon hahaha." tinignan ko na lang ng masama si Gray.
"eh anong balak mo? kapag di mo naman sinunod ang dad mo, mukhang di niya ililipat ang lahat sayo." Sabi ni Gab.
"yeah, no choice kung hindi ang lumipat sa walang kwentang school na iyon." Walang gana kong sagot. And something pop out to my mind. Tinignan ko sila ng makahulugan na kinanuot ng noo nila.
"what?" Sabay na tanong nilang tatlo.
"tsk, lilipat rin kayo ro'n." Seryosong sabi ko at ininom muli ang baso ng alak. Napamura silang tatlo sa sinabi ko.
"what the heck Lucas, seriously?" Murang sagot ni Paul. Tumango ako kaya napabuntong hininga sila.
Mukhang wala naman na silang magagawa dahil ako ang masusunod.
*****
Hannah's point of view
"pabili nga po manong Cesar, gano'n pa rin po." Inabot ko na kay manong Cesar ang bayad.
Alam na rin naman ni manong Cesar kung ano ang binibili ko at monay para pasalubong ko kila Nay dolores at Joshua. Mamayang gabi gano'n pa rin, papasok ako sa bar.
"Ang sipag mo talaga ija, napapansin kong gumiginhawa na kayo ah." Ngiting sabi niya.
"sipag at tiyaga lang naman po manong Cesar." Kinuha ko na ang supot at naglakad na pauwi.
Madami pa rin ang bumabati sa akin kapag dumaraan ako dito sa payatas, kaya binabati ko rin sila pabalik. Pagkarating ko sa bahay naming habal-habal ay sinalubong agad ako ng yakap ni Joshua habang nanunuod ng cartoons.
"ate Hannah!" masayang sigaw nito at niyakap agad nito ang binti ko.
"oh Hannah ang aga mo ata." sabi ni nay Dolores habang nagdidingas ng kalan.
"wala na rin naman po akong prof nay kaya umuwi na ako at tsaka may dala po akong monay kain muna po tayo." Nilapag ko na sa lamesa ang monay at kumain din naman agad kami.
"ija sigurado ka bang ayos ka lang dyan sa trabaho mo?" Tanong ni nay dolores sa akin at bakas rito ang pag-aalala.
"opo naman nay kaya ko naman po." Ngiti ko rito kaya nagkwentuhan lang kami habang kumakain.
Nangg matapos na ako ay hinugasan ko na ang mga basong pinagkapehan.
"nay mauna na po muna ako sa bayan para magbayad ng kuryente at tubig." Paalam ko kay nay Dolores habang nagbibihis ng damit.
"sige ija mag-ingat ka tsaka makulimlim ngayon at mukhang uulan kaya magdala ka ng payong."
"opo nay." kinuha ko na ang payong ko at wallet.
Naglakad na ako papuntang bayan para makabayad ng kuryente at ilaw. Iyong mga natitira naman sa pera ko ay inilalagay ko sa iniipon ko. Makulimlim na rin ang langit at mukhang tama si nay Dolores.
Nagbayad na ako sa kuryente at tubig hanggang sa may natira pa sa pera ko kaya naisipan kong bilhan ng bagong damit sina nay Dolores at Joshua, kaya napangiti ako at pumasok sa isang mall. Napahanga ako dahil sa itsura nito dahil napakalaki, may mga taong pagtinignan mo sa itsura ay napaka-elegante at may ibubuga.
Nagsimula na akong maglibot sa buong mall habang napapahanga dito.
*****
Gray's point of view
Napatingin ako sa text galing kay mom.
‘sweety pwede mo bang kunin sa tita mo ‘yong dress na pinagawa ko?’
Nagreply agad ako kay mom.
‘yeah mom ako na po ang bahala.’
"hey pano ba ‘yan may inuutos si mom sa akin hanggang sa susunod na lang?" Paalam ko sa kanilang tatlo at tumango naman sila kaya umalis na ako at pumunta ng parking lot. Pinaandar ko na ang kotse ko papuntang mall. Si tita kasi may ari ng isa sa mga boutique roon.
*bzzt.
‘thanks sweety’
Huminto na ako sa mall kung saan naroon ang boutique ni tita at pinark ang kotse ko. Naglakad na ako papunta roon dahil sa third floor pa kasi kay tita. Napahinto ako sa paglalakad ng mapako ang mata ko sa isang babae na nakangiti habang tinitignan ang mga damit pambata.
Hindi ko alam parang huminto ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko, kasabay niyon ang kakaibang nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na naglalakad na ang paa ko papunta sa pwesto niya kahit pa may harang na wall glass ay kita ko ang napaka-inosente niyang itsura.
si Hannah.
Di ko alam parang nakakahawa ang mga ngiti niyang iyan. Napahinto siya sa paghahanap ng mga damit ng mapatingin ito sa pwesto ko kaya ngumiti ako ng malapad. Para akong tanga na ngumingiti sa labas nitong glass wall ng isang store. Mukhang nagulat pa siya kaya pumasok na ako sa loob.
"Hi" Ngiti kong bati sa kanya.
"sir Gray? bakit kayo nandito?" Gulat na bati nito.
"don't call me sir Gray just Gray."
"pero po kaibigan kayo ng may ari ng bar na pinapasukan ko--"
"ikaw rin naman hindi ba?" Napahinto naman ito at tila napaisip na tama nga ako. Tumango siya sa sinabi ko kaya mas lalong ngumiti ng malapad ang labi ko.
I don't know why I'm smiling like a weird pero... masarap sa pakiramdam.