!

240 Words
October 31, 2014 ; nanonood kami ng TV nang may narinig si mama na umiiyak na kaboses daw nung pamangkin ko "si Rj".So si mama nacurious sya kase baka daw pinagalitan na naman si Rj ng mama nya , kahit kase gabi na pinapagalitan sya tapos pinapalayas or pinapaalis sa bahay nila. 5 y.o. pa lang si Rj non. So sumilip si mama sa bintana pero wala syang nakita sarado na din bahay nila Rj . Ako naman 'tong pakialamera sumilip din. But sa pagiging pakialamera ko Nakita ko ung bata . I saw Rj na nakaupo under the tree. Tinuro ko yon kay mama. Pinlashlightan ni mama ung puno sabi nya nasan . Tinuro ko pa din.Naiinis na nga ko kase nakaputi naman si Rj tas Pinlashlightan na di pa din makita. Tapos sabi ni mama wait puntahan ko nga. Palabas pa lang si mama ng pinto biglang tumakbo palayo si Rj. Natakot na si mama kaya ayon pumunta si mama sa bahay nila Rj at tinanong ung mama nito kung pinagalitan nya. Hindi naman daw . Saka natutulog na si Rj non kase may sakit. Narealize nila na baka ung pamangkin ko yun na namatay bata pa lang . Tapos sa Apartment na libingan lang sya nilibing sa sobrang tagal di na alam kung san sya nakalibing kaya di na sya nadadalaw. Narealize din nila na Nov. 1 na pala kinabukasan. Kaya nagtirik na lang sila ng kandila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD