.

282 Words
Gusto ko lang ishare ang kababalaghang nangyare sa kaibigan ko kay (Raquel) isang istudyante ng don bosco. Nag simula ang lahat ng bumisita siya sa tita nya sa quezon province! Gabi iyon masayang nag kukwentuhan ang mag tyahin na si raquel at si rose. Napag kwentuhan nila ang mga nangyare sa kanilang mga buhay at marami pang mga bagay, dahil sa gutom ni raquel ay pumunta siya sa kusina at bago pa man tumayo si raquel ay binalaan na agad siya ng tita nya na wag pansinin kung anu man ang makita o pumukaw sa atensyon nya, umoo lang si raquel at dahil sa gutom ay agad niya binuksan ang ref at nakakita doon ng pagkain at dalidali syang pumunta sa lamesa ng mapansin nya ang c.r na di kalayuan sa kusina, dahil curious sya ay nilapitan nya iyon at sinilip laking gulat nalamang niya ng makita nya ang isang babae na nakatingin sa kanya ,duguan ito may saksak sa dibdib at may tali sa leeg, naninisik ang mga mata na para bang nag babanta na papatayin sya . nanginig ang buong katawan ni raquel, sa sobrang takot ay napasigaw ng walang tunog, at unti unting naglaho ang babae ng biglang may humawak sa likuran ni raquel, dahil sa sobrang kaba ay nawalan siya ng malay! At ng mahimasmasan at magkamalay ay takot na takot padin siya, pagmulat niya, nakatingin sa kanya ang tita nya at nag sabe! Binalaan na kita na wag mo pansinin ang kahit anung pumukaw sa atensyon mo! Sa sobrang takot ay hindi na nagpa umaga si raquel at agad na umuwe sa bahay nila at simula noon hindi na sya pumunta sa bahay ng tita rose nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD