MAINGGITING CAT

382 Words
May isang gusaling nakatirik sa gitna ng syudad. Ang gusaling ito ang pinakamataas. May attic ito. Dito nakatira ang isang inggeterong pusa. Binansagan sya ng mga hayop sa syudad na… MAINGGITING CAT. Tuwing lalabas ng attic si MAINGGITING CAT ay pinupuna nya lahat ng kanyang nakikita. Parating tumatatak sa isipan nyang… “dapat meron ako nyan”. Halos lahat na yata ng gamit o mga gadgets ng mga kapwa hayop nya ay meron na sya. Ipod, PSP, Laptop, Kotse, Celphone na latest, at iba pa. Di nagtagal ay umabot na sa sukdulan ang pagiging inggetero ni MAINGGITING CAT. Binisita kasi sya ng dati nyang kaibigan. Artista na ito ngayon. Naisip nya, noong bata pa sya wish ng wish… Na sumikat. Na makilala ng lahat. Na mapansin ng lahat. Na maging artista . Pero hanggang ngayon di pa rin natutupad ang wish nyang yon. Sa sobrang pagkainggit.. may naisip syang plano. Sumapit ang madaling araw. Mga bandang alas tres at alas kwatro. Tahimik ang buong paligid. Tumuntong si MAINGGITING CAT sa tuktok ng kanyang attic. May dalang panungkit. Isa-isa nyang sinungkit ang mga bituing natutulog at naghihilik. “Kala nyo ah. Kayo lang ang natutupad ang wish. Akin na ngayon ang lahat ng wishing stars. Magwiwish ako ng magwiwish. Sa dami ba naman ng mga to… Tignan natin.” Tinipon ni MAINGGITING CAT ang lahat ng bituing magkakasya sa kanyang attic. Habang natutulog ang mga bituin… sabay-sabay na lumabas ang mga imahe sa mga bituin. Imahe ng mga kapwa hayop nya na may mga hiling din. “Sana magkita na kami ni daddy” “Sana wala ng g**o” “Sana makauwi na ko sa bayan ko” “Sana magkaroon ako ng bagong sapatos” “Sana dumami pa kaibigan ko” “Sana ikasal na ko” “Sana yumaman na kami” at marami pang iba… na parang umaalingawngaw dahil nagkakasabay-sabay. Si MAINGGITING CAT ay naantig sa kanyang mga nakita at narinig. “Kawawa naman pala tong mga kapwa hayop ko… Ibabalik ko na nga lang kayong mga bituin sa langit.” Pero huli na ang lahat. Di nya namalayang umaga na pala. Isa-isang gumising ang mga bituin at sabay-sabay nagsabog ng liwanag sa buong attic. Sa sobrang liwanag… Wala pang tatlong segundo ay nabulag si MAINGGITING CAT…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD