"Fiesta ng mga Aswang"

337 Words
Hinding-hindi ko malilimutan ang ikinuwento sa akin nuon ng aking namayapang Lolo. Isa sa mga kanyang karanasan na labis na nagbigay sa akin ng matinding takot nuong ako'y maliit pa. Tawagin nyo na lamang ako sa pangalang Edwin. At ang kuwentong aking ibabahagi sa inyo, ay kuwento ni Tata Diego. Si Tata Diego na isang dayo at naligaw sa bayan ng Ilo-ilo, ang noon ay takas bihag mula sa ilang teroristang sumakop sa ilang probinsya, ilang dekada na ang lumilipas. Malapit nang sumilip ang gabi noong sya ay mapaluhod sa hingal, dulot ng walang tigil niyang pagtakbo. Malayo layo narin ang kaniyang narating mula ng siya ay himalang makatakas sa kuta na pinagdalhan sakanila ng mga Rebeldeng terorista. Wala narin ang tatlong miyembro nito, na humahabol sakanya. Dahil sa walang tigil nyang pagtakbo, at sa tulong ng maraming punong kahoy at matataas na d**o na kumubli sakanya ay nagawa nya itong takasan. Marahan siyang napa singhap ng hininga, nang may matanaw siyang isang maliit na Barrio sa gitna ng kagubatang iyon. "Tulungan mo 'ko!!" Namamaos nyang bulalas nang makita ang isang dalagang lumapit sakanya. Kapansin pansin ang pangangatog ng mga paa nitong lumapit sakanya. Nakangiti at tila ba malaki ang interes na sya ay hikayating sumama. "Ano ba ang nangyari sa iyo at napaka rami mong sugat sa katawan?" Tanong kay Diego ng isang matandang babaeng nagpapahid ng ilang dahon sakanyang mga sugat. "Binihag ho ako ng mga Rebeldeng terorista sa bayan namin, sinuwerte lang ho't nakatakas ako." Sagot ng binata sa matandang Ginuhitan ng ngiti sa nangungulubot nitong labi. Inilibot nya ang kanyang paningin, nakita niya ang iba't-ibang mukha ng taong sakanya'y nakatingin. Tanging liwanag ng isang lumang gasera ang nagbibigay tanglaw sakanya, upang ito ay kanyang masinagan. Walang umiimik sa kanila, maliban sa matandang gumagamot sakanya. "Kumain ka ng marami, at paniguradong gutom na gutom kana." Saad ng matanda na pumutol sa katahimikan sa loob ng malaking kubo na iyon. Pinaghainan sya nito ng mainit na sabaw, at isang buong ulo ng inihaw na baboy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD