ANG PAG UWI

371 Words
"Anak aalis muna kami ni papa mo may aasikasohin lang kami,anong gusto mo pag uwi namin?"Nakangiting tanong ni mama "Laruan po"sambit ko "Sige anak,aalis na kami ni papa mo paalam"Sambit ni mama at papa sabay halik sa aking noo Umalis na si mama at papa kaya ako na lang mag-isa sa bahay,at dahil na bobored din ako nanonood ako ng TV o di kaya'y naglalaro ng mga laruan. Naisipan kong pumunta sa bahay ng mga pinsan ko kaya pumunta muna ako sa bhay ng mga pinsan ko. Mag-hapon kaming naglalaro kaya namn di ko namalayang pagabi na pala kaya namn nag-paalam na ako sa mga pinsan ko. Pag dating ko sa bahay wala pa din si mama at papa kaya namn pumunta muna ako sa kwarto ko at nagpahinga dahil mag hapon kaming nag lalaro ng mga pinsan ko,di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil may naririnig akong parang kumakalampag kaya namn naisip kong lumabas dahil baka nandyan na si mama at papa. Nakita ko si mama at papa kaya namn tuwang tuwa ako dahil nakauwe na sila kaya niyakap ko si mama pero hindi ito kumibo. "Mama"mahinahon kong sabi pero di parin ako pinapansin ni mama kaya nilakasan ko boses ko. Napatigil si mama at papa sa ginagawa nila at tumingin sakin ng walang reaksyon,pero nawala din namn agad ang tingin nila sakin at nag-patuloy sa pag-lalagay ng mga gamit sa lamesa. Parang mga patay sila mama at papa dahil namumuti ang kanilang mga labi at balat dagdagan pa ng kanilang malalamig na balat pero di ko pa din un pinansin sa isip ko siguro dahil sa pagod lang sila. Kaya nanood na lang ako ng TV habang Nakasimangot habang nanonood ng balita bigla ko na lang nakita ang isang kotse na wasak at may roon ding dalawang tao sa loob ng sasakyan ang isa wala ng kamay at di na makita at ang isa namn duguan ang ulo pero ang nakakatakot pa dyan nakita ko si mama at papa sila ang mga tao sa loob ng kotse, Humarap ako kay mama at papa at humarap din sila sakin kinilabotan ako dahil nakita ko si papa na walang kamay at si mama namn duguan ang ulo. Wakas....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD