"Ang alaga ni Homer"

4023 Words
MATAPOS ang napaka habang biyahe ay sa wakas, nakarating na rin kami. Isa ako sa apat na nag-going sa imbitasyong ipinadala sa amin ni Homer. Med'yo malayo lang ang kanilang probins'ya pero ayos lang. Sulit naman. Napaka ganda ng samahan nila sa kanilang baryo. Pagbungad pa lamang namin sa mga bahay-bahay ay sinalubong na kami ng mga magagandang ngiti. "Sila ba ang mga kaibigan mo Homer? Aba'y ang gaganda't ang gugwapo pala. Halikayo, at ipaghahanda ko kayo ng masarap na sabaw." Ang nakangiting bungad saad ng tiyahin ni Homer Saamin. Nagkangitian naman kaming magkakaibigan at sabay-sabay na pumasok sa kanilang maluwag na kubo. "Iba pala talaga dito sa inyo Homer. Talagang napaka bait ng mga tao." Ang masayang komento ko habang hinihigop ang isang tasa ng mainit, at napakasarap na sabaw. Ngunit hindi ko inaasahan ang isasagot niya. "Talagang ganito kami sa mga iaalay naming taga manila. Mabait sa simula, pero brutal sa gitna.. hanggang sa huling hininga." Ang nakangisi nitong sagot. Sabay-sabay na lamang kaming bumagsak ng tatlo ko pang kasamahan sa lamesa. Kapwa kami nawalan ng malay. Nagising na lamang si Alfred sa sakit ng kaniyang ulo. Sinubukan niyang gumalaw, ngunit na pagtanto niyang nakatali ang kaniyang dalawang mga kamay. Nilingon niya ang bawat paligid. Tumambad sa kaniya ang mga kaibigan, mga walang malay at tulad sa kaniya nakagapos din. Sinubukan niyang kalagin ang taling nakabuhol sa dalawa niyang kamay. Nasa kalagitnaan siya ng pagkalag nang biglang lumangitngit ang pinto, ng silid na kinaroroonan nila... Bago pa man makapasok ang taong nagbukas ng pinto ay mabilis na nagkunwaring walang malay si Alfred. Nakaramdam na lamang siya ng takot nang marinig ang nangangatal na boses ng isang babaeng tulad nila'y naroroon din sa silid. "Maawa po kayo... H-huwag po... ayoko pang mamatay, ate tulungan mo 'ko!"-Paos itong humiyaw, bakas ang matinding takot sa maaaring mangyari sa kaniya. "Hayop kayo... Ako na lang! Ako na lang ang patayin niyo mga demonyo!" Sigaw ng nakataling sugatan na babae. Marahil ito ang ate na tinutukoy ng dalagang kinaladkad pa labas. Halos mangatog sa takot si Alfred sa mga narinig. Pagkalabas na pagkalabas ng taong kumaladkad sa nanghihinang babae ay nagkukumadali niyang sinubukang kalagin ang pagkakatali ng kaniyang dalawang kamay. Naalala niya ang isang maliit na patalim sa kaniyang bulsa. Pilit niya iyong kinuha, halos mabaluktot ang kaniyang mga braso. Ito ang ginamit niyang pangkalag. Mainggat niyang nilapitan ang tatlong kaibigan. "Shhh, huwag kayong mag-iingay. Nasa panganib tayo."--Pabulong niyang saad sa mga ito, habang kinakalagan isa-isa. Maging ang babaeng bumulyaw sa taong kumuha sa kapatid nito ay kinalagan rin niya. "Ano bang nangyayari? Joke lang 'to diba?"--Ang maluha-luhang saad ni Ella. "Sana nga joke lang!"--Dugtong ni kierene. Agad naman silang sinuway ni Alfred. Sinenyasan niya itong huwag gumawa ng ingay.. Nagplano silang lima sa diskarteng gagawin kung paano makakaalis sa lugar na iyon. "Hinde! Sa likod na bahagi ng kulungang ito, marupok ang kahoy na haligi.. duon kayo dadaan!"--Ani Celia. Ang ate ng dalagang dinukot kanina lamang. "P-pero paano ka? Huwag mong sabihing magpapaiwan ka dito."--Sagot ni Alfred. "Papatayin ko sila. Ako ang may kasalanan kung bakit ito nangyari sa kapatid ko.. Kaya ipaghihiganti ko siya.. at habang ginagawa ko iyon, palihim kayong tatakas."--Mahabang saad nito habang Naghahanap ng maaaring gawing armas. Wala ng naging tugon ang apat sa diin ng tono nito. Bakas dito ang matinding galit. "Kapag kayo ay nakalabas na ng baryong ito. Huwag na huwag kayong titigil sa pagtakbo. Huwag na huwag rin kayong magtitiwala sa mga taong makakasalubong ninyo."--Dagdag ni Celia. Bukod sa patalim at matigas na kahoy, tapang ang ginawa nilang sandata kung sakali. Nagsimula na silang lumakad palabas ng pinto. Sama-sama ang apat na tinungo ang dulong pasilyo. Habang si Celia ay dumeretso sa kinaroroonan ng pamilya ni Homer. Dahan-dahan ang ginagawa niyang paghakbang. Madiin ang pagkakahawak niya sa isang bakal na tubo. Sa bawat pasilyong madadaanan niya ay mayroong silid sa bawat gilid nito. Sinubukan niyang hanapin ang silid ni Homer, ngunit sa kusina siya napunta. Halos masuka siya at mapahiyaw ng iyak nang makita ang katawang walang ulo ng kapatid niya. Hindi siya magkakamaling katawan ng kapatid niya iyon. Nakalatag sa mahabang lamesa, katabi ng ilang mga gulay at malansang loob ng tao. Nakarinig siya ng ilang yabag. Mabilis siyang nagtago sa gilid ng pinto, Pinagpapawisan ng malapot at kinakabahan ng sobrang lakas... Dire-diretso ang pagpasok ng matabang babae. Ito marahil ang tagaluto. Hindi pa man ito nakakalingon ay ubod lakas na hinambalos ni Celia ang tubong hawak niya sa ulo nito. Bahagya iyong nabasag sa sobrang lakas. Nilibot ni Celia ang kabuuan ng kusina. Pansin niya rin ang maruming hitsura ng tagaluto. Magulo ang patay nitong mga buhok, natatakpan ng nangingilaw na dumi ang mukha't balat nito. Naisip niya rin ang wangis ng lalaking dumukot sa kapatid niya. Di na lalayo sa hitsura ng tagaluto, kung hindi nga lang ito lalaki ay baka mapagkamalan niyang iisa lang ang mga ito. Pumasok sa plano niya ang gayahin ang kanilang hitsura. Gamit ang isang kutsilyong nakasabit sa lutuan, walang habas niyang pinutol ang mahaba niyang buhok. Nagpahid siya ng malagkit na likidong ginagamit pangluto. Atsaka niya inibabawan ng dugo. Ngayon ay di na siya nalalayo sa hitsura nila.. maaari na siyang makalapit sa mga ito.. +++ Samantala, natunton narin nila Alfred ang dulo ng kulungang tinuro ni Celia. Marupok na nga ang dingding nitong kahoy. Dali-dali itong pinagtulungan nina Alfred at Jonas... Tuluyan nang nasira ang dingding. Sunod-sunod silang lumabas. Mula kay kierene, Ella at Alfred. Palabas na sana si Jonas sa mala-impyernong lugar na iyon, nang biglang may sumabunot sa kaniyang ulo. Hindi niya na nagawang humiyaw nang mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig. Napaka bilis niyang naglaho, kasama ang nilalanang na dumukot sa kaniya. "Sandali, kulang tayo. Wala si Jonas."--Ang napahinto sa pagtakbong si Alfred. "My God! Umalis na tayo, ayoko na dito.."--Ang maluha-luhang sabi ni Ella. "Balikan natin siya."--Alfred. "What? No! Ayoko.."--Kierene. "Kung gusto mong magpakamatay, sige. Balikan mo sya!"--Bigla na lamang na tulala at nahinto si Ella. Maging sina Alfred ay na shocked nang makita ang pagtusok ng pana sa bunganga ng kanilang kaibigan. Tumagos iyon mula batok hanggang bibig. Mabilis na dumaloy ang napaka raming dugo sa mala manikang mukha ni Ella. Dilat ang dalawang matang napaluhod at bumagsak sa lupa. Napatili si kierene... Natanaw ni Alfred ang isang lalaking may pangit na mukha. Nakatayo ito mula sa binutas nilang lagusan at naglulundag sa tuwa nang mapatay nito si Ella. "Takbo!"--Sigaw ni Alfred sabay hablot sa braso ni Kierene atsaka sila sabay na tumakbo. Tumigil sa pagtawa ang lalaking may pangit na mukha atsaka inasinta ang magkaibagan. "Pinapana niya tayo!"--Alfred. Mas binilisan pa ng magkaibigan ang pagtakbo. Magkahalo ang takot at kaba. Ilang bala narin ng pana ang nalagpasan nila, napahinto na lamang si Kierene ng maramdaman ang paghapdi ng kaniyang kaliwang braso. Umiyak siya't napaluhod sa sakit. Tinamaan siya. Ngunit daplis lamang. Dali-dali siyang inalalayan ni Alfred sa pagtakbo. +++ Pinutol ni Celia ang lubid na nakatali sa itaas na bahagi ng kusina. Kumuha rin siya ng matatalas na kutsilyo't inilagay ito sa isang timba. Tinakpan niya ito ng mga atay na nakalatag sa lamesa. Palabas na sana siya ng kusina, nang biglang may humawak sa kaniyang paanan. Muntik na siyang madapa at magulat. Ang matabang tagaluto. Buhay pa pala. Kakagatin sana nito ang kaniyang paa ngunit napakabilis na tinaga ng dalaga ang ulo nito. Dilat itong humiwalay sa katawan. Nagpatuloy na si Celia sa kaniyang balak. +++ Tuloy sa pagtakbo sina Alfred at Kierene. Sa mga oras na iyon, ang tanging nasa isip nila. Walang puwang ang pagod, takot at kirot. Kailangan nilang makaligtas. Huminto naman sa paghabol ang lalaking may pangit na hitsura, sa bangkay ni Ella, nakaramdam ito ng pagkahayok sa laman. Walang habas nitong hinubad ang short na suot ng bangkay. Atsaka duon ay ginawa ang panghahalay. Hinahalikan pa nito ang sugatang bibig ng dalaga, maging ang bala ng kaniyang pana ay dinilaan niya rin. +++ Wala namang humpay sa pagtakbo ang dalawa. Kapwa na silang hinihingal. Nasa kalagitnaan sila ng pagtakbo, nang may matanaw silang dalawang bahay. Magkalapit lamang iyon, at kapwa may siga ng apoy na nagbibigay liwanag sa dilim ng gabi. "Maki-inom tayo sa kanila, nauuhaw na ako."--Ani Kierene saka nagtangkang humakbang. "Sandali!"--Ang mabilis na pagpigil ni Alfred. "Hindi mo ba naaalala 'yung sinabi ni Celia? Huwag na huwag tayong magtitiwala kahit kanino. Hanggat nandito tayo. Kamag-anak sila ni Homer. Huhuluhin nila tayo."--Saad ni Alfred. Kapwa na lamang nanlaki ang kanilang mga mata nang Matanaw ng dalawa ang tatlong lalaking nakakita sa kanila. Ganuon din ang mga hitsura nito. Nakakatakot. Napalihis sila ng daan. Mabilis ang ginawa nilang pagtakbo, dahil sinundan sila ng mga ito. Tanaw din nila ang mga bitbit nitong palakol at sibat. Ilang puno na ang nalampasan nila, sugat-sugat narin ang mga gilid ng katawan nila sa mga matatalas na dahon. Tanging liwanag ng buwan ang inaasahan nilang pangtanglaw sa daan. +++ Napahiyaw si Jonas sa sobrang hapdi. Muli siyang nakagapos sa isang nanlilimahid na silid. Unti-unting binubuksan ang kaniyang sikmura, ng lalaking hawig sa humahabol kina kierene. Wala siyang magawa kundi ang pumalahaw, at humagulgol ng iyak. Sa pagbukas ng kaniyang bituka ay may kung anong nakakadiring hayop na ipinasok dito. Para itong isang maliit na pugita, ngunit ang ulo ay hawig sa ulo ng fetus. Sumuka siya ng dugo, tinahi ng lalaki ang kaniyang bukas na tiyan. At ilang segudo lamang. Unti-unting naging kulay bughaw ang itim ng kaniyang mga mata. Ang mga braso niya'y nangulubot, ang kaniyang hitsura'y pumangit. At di nag tagal. Nawala na siya sa sarili. Dinuraan niya sa mukha ang lalaking gumawa nito sakaniya atsaka humagalpak ng tawa. Ang tawa niyang matinis ay di nalalayo sa boses ng mga nakakatakot na tao sa baryong iyon. Mga taong tulad niya'y biktama rin, ngunit nananatiling buhay. Dahil sa alaga ni Homer. Galit na galit si Homer sa mga taga manila. Kakatanggap niya lamang ng sulat mula sa kaniyang ina at kapatid na babae. Humihingi ang mga ito ng tulong sa kanilang mga kamag-anak sa probinsiya. Gaya niya ng naranasan niya, inaabuso rin ito ng kanilang napuntahang amo. Ginagahasa, binubugbog, kinukulong at hindi pinakakain. Kabilugan ng buwan, tumingala si Homer sa madilim na kalangitan. Malakas ang mga sigaw na pinakawalan niya, kasabay ng pag daloy ng mga luha sa galit niyang mata. "Baket?! Bakit mo ito hinahayaang mangyare!!! Kahit anong panalangin, hindi mo dinidinig!!! Bakit pati sa mga mahal ko sa buhay!!! Bakit pati sila, pinabayaan mo!!! Nasaan ka?! Bakit hindi ka lumabas at iligtas sila? Anong klase kang diyos!!!"--Hiyaw ni Homer sa kalangitan. Ilang segundo lamang ang lumipas ay mabilis na kumulog. Halos dumagundong iyon sa buong kabundukan. Hindi na tinag si Homer sa lakas ng kulog, bagkus ay sinabayan niya pa ito ng mura. Hindi niya inaasahan ang paglitaw ng isang itim na usok. Unti-unti nitong niluha ang isang lalaking may dalawang sungay sa ulo. Nakasuot ng itim na bistida. Nakatayo ito sa kaniyang harapan at hinihimas ang isang nakakadiring nilalang. Isang maliit na nilalang. Hawig sa katawan ng pugita ang mga galamay nito, habang ang ulo ay sa fetus. "Gusto mo bang mailigtas ang iyong Ina at Kapatid?"--Malaki ang boses nito. Sa bawat pag-usap ay dumadagundong sa buong kalupaan. "S-sino ka? Kung andito ka para paasahin at pagtawanan lamang ako ay umalis kana!"--Sagot ni Homer. Nakaramdam siya ng takot sa pula nitong mga mata. Nginitian siya nito ng malalim at... "Hindi mo ba ako kilala? Ako ang ikalawang diyos ng tao. Sambahin mo ko at ibibigay ko sa iyo ang kaginhawahan. At muli kong bubuhayin ang iyong Ina at Kapatid na kasalukuyang patay na."--Ani nito. "A-anong sinasabi mo? Hindi pa sila patay! Kakapadala lamang nila ng liham.. imposible 'yang sinasabi mo.."--Homer. Mabilis na ipinakita ng demonyo kay Homer ang nangyari sa kaniyang Ina at Kapatid. Kitang-kita niya kung paano ito patayin ng mga amo nito. Ginapos ang mga ito patiwarik at sa pinasok ang ulo sa maliit na sako.. segundo lang halos ang pagitan ng kanilang kamatayan. Labis na nasuklam sa galit si Homer. Humagulgol siya ng ubod lakas. Damang-dama niya ang galit, habang siya'y nakaluhod sa lupa. "Huwag ka nang umiyak pa anak ko. Sambahin mo lamang ako't ibabalik ko ang buhay nila."--Ani ng demonyo. Unti-unti bumangon si Homer at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. "Bigyan mo ko ng kakayahan. Bigyan mo ko ng kakayahang gumanti sa mga gumawa niyon sa kanila.. bukod sa muli nilang pagkabuhay, gusto kong patayin lahat ng mga taga maynila.. papatayin ko lahat!"--Galit na saad ni Homer. Tuwang-tuwa naman ang demonyo. "Hindi ako ang magbibigay sa iyo ng hinihingi mo. Kundi ang nilalang na ito."--Atsaka itinuro ang karga nitong kakaibang uri ng nilalang. "Alagaan mo lamang ang isang ito, at mabibiyayaan ka ng imortal na buhay. Maging ang mga mahal mo sa buhay. Ngunit kapalit non ay kailangan mo siyang bigyan ng katawan. Kailangan niyang makapasok sa loob ng katawan ng tao, upang mabuhay siya dito sa mundo. Hilig niya ang pumatay, ngunit huwag kang mag-alala.. ituturing ka niyang amo. Kaya susunod siya sa anumang ipag-uutos mo. "--Mahabang paliwanag nito. "Sa tuwing sasapit ang ika trese ng biyernes. Dumarami sila. Mula sa isa, nagiging lima.. kaya kailangan. Marami kang madukot na tao. Dahil kung hindi, hindi ka nila susundin."--Dugtong pa nito.. ... Napangiti na lamang si Homer nang maalala ang panahong iyon. Nagpatuloy siya sa pagnguya ng isang pirasong mata. At nag-isip kung saan siya kukuha ng mga bagong alay... Kasalukayang pinagpapatuloy nina Kierene at Alfred ang pagtakbo. Naghahanap rin sila ng maaari nilang pagtaguan, malayo-layo narin sila sa tatlong alaga ni Homer. +++ Pinakawalan ng Tiyahin ni Homer ang nakagapos na katawan ni Jonas. Naglulundag ito sa tuwa at mabilis na tumakbo palabas upang sundan sina Kierene at Alfred. Para itong taong ulol. Mas mabilis ito at mas maliksi kumpara sa iba. Dahil sa unang pagkakataong mabubuhay ang mga alaga ni Homer sa katawan ng tao, sobra-sobra ang tinataglay nitong liksi at kaululan. Ngunit habang tumatagal ay nawawala ang liksi ng mga ito. Maikukumpara sa isang tigre ang bilis ng takbo nito. ... Nakahanap ang magkaibigan ng isang mataas at madahon na puno. Napagpasiyahan nilang duon na muna magpalipas ng dilim, hanggang sumapit ang umaga. Inalalayan ni Alfred si Kierene sa pag akyat. Namili sila ng magandang sanga kung saan ay pwede nilang isandal ang kanilang mga likod. Maingat sila, at hindi gumagawa ng ikakagalaw ng sanga. Dahil kung gagalaw ang sanga at kung sa kaling nasa ibaba lamang ang mga humahabol sa kanila, malalaman ng mga ito kung nasaan sila. Ngunit hindi nila alam, na isang napaka bangis at napakaliksi na pala, ang Naghahanap sa kanila... "Ma, Leah. Kumain na kayo.. Ilang taon na kayong ganyan.. tulala at di nagsasalita.. ano pa ang silbi ng mga sakripisyong ginawa at patuloy kong gagawin kung hindi kayo babalik sa dati?"--Ani Homer sa tulala nitong Ina at Kapatid. Naka-upo lamang ang mga ito sa kaniya-kaniyang silya at nakaharap sa lamesa. Hindi umuusap, at hindi kumakain. Walong pung taon na itong ganito, ngunit ang hitsura nila ay batang-bata pa tulad ni Homer at ng kanilang mga kamag-anak. Ito ang biyayang ibinigay sa kanila ng mga nilalang na alaga ni Homer. Ang pagiging Imortal nila. ... Sa madilim na pasilyo, paika-ikang naglalakad si Celia bitbit ang isang timba. Sa kaniyang likuran ay may nasukbit na tali. Balak niyang sakalin si Homer gamit ang lubid na pinutol niya, at tadtarin ng saksak. Hinawi niya ang kaniyang buhok, hinarang sa kaniyang mukha at buong loob na tinungo ang kainan. Nakakasalubong siya ng mangilan-ngilang taong ulol na ginagaya niya. Mas lalo siyang nakakuha ng ibang ideya, kung paano ito kumilos at manalita. Matitinis ang boses nito at dire-diretso kung kumilos. Naabutan niya si Homer at ang Ina't kapatid nito. Kapwa naka-upo sa harapan ng lamesa ngunit tanging si Homer lamang ang ngumungusab ng nguya. Dire-diretso siyang lumapit, naglagay sa plato ng dala niyang mga atay at bituka galing sa lalagyan nitong timba. Pinagmasdan siya ni Homer, dama ang kakaiba sa nagpapanggap na alaga.. Nakarinig si Alfred ng ilang yapak sa mga tuyong dahon mula sa ibaba ng punong pinagpapahingahan nila ni Kierene. Maingat niya itong sinilip at hindi nga siya nagkamali. Isa ito sa mga taong ulol na humahabol sa kanila. Naghiwa-hiwalay pala ang mga ito upang mapabilis ang paghanap sa kanila. Ginising niya si kierene mula sa pagkakatulog at sinenyasang huwag gagawa ng ingay. Kapwa nila itong sinilip, tanaw nila dahil sa liwanag ng buwan ang kinakaladkad nitong palakol. Naglakad ito ng kaunti at bahagyang nakalayo sa punong kinaroroonan ng dalawa. Maingat na bumaba sina Kierene at Alfred. Buong tapang nilang isasagawa ang isang plano. +++ "Ikaw, iharap mo sa kin ang mukha mo.. wala akong naaalalang may nabigyan akong katawan na tulad sa iyo."--Saad ni Homer sa kaharap na kunong alaga niya. Hindi rumesponde si Celia. Lumakas ang t***k ng puso niya, nakaramdam din siya ng kaba. Ngunit pinilit niyabg inalala, ang kamatayan ng kaniyang kapatid. Sa tulong nun ay napalitan ng galit ang nararamdaman niya. Pasimple niyang ipinasok ang isang kamay sa loob ng timba at Kumapa ng isang kutsilyo. Hinawi niya ang kaniyang nakaladlad na buhok, paiwas sa kaniyang mukha. Habang inaalala ni Homer ang kaniyang mukha ay bigla niya itong inundayan ng saksak sa leeg. Ubod lakas ang ginawa niyang pagsaksak, kaya talagang lumikha ito ng napakalalim na sugat sa lalamunan ng binata. Napabulyaw ng mura si Homer. Muling umamba ng saksak si Celia ngunit sa pagkakataong iyon ay nahawakan na ang braso niya ng dati niyang nobyong si Homer. Halos ma-ihi siya sa sakit nang baluktutin ito ng binata. Nawalan siya ng lakas at halos humagugol na ng iyak. "Akala mo ba ay mapapatay mo ako!?"--Bulong ni Homer kay Celia atsaka humagalpak ng tawa. "K-kahit anong m-mang yari... P-patayin kitang demonyo ka!!!!"--Sigaw ng dalagang namimilipit sa sakit. "Hahaha. Alam mo bang kahit anong armas pa ang gamitin sa akin ay hindi ako mamatay? Naalala mo nuong ipinakilala mo ako sa mga Magulang mo? Hindi ba't nasugat ang mga kamay ko sa nabasag na tatlong bote ng beer ngunit pagkalaan ng ilang minuto ay laking gulat mo't wala na akong sugat. Nuong binaril ako ng holdaper sa sinakyan nating bus, hindi ba't paniwalang-paniwala ka sa sinabi kong dahil sa palawit ng kuwintas, kaya't buhay pako at walang sugat... ngayon, pagmasdan mo babe. Kung paano maghilom ang sugat na nilikha ng malikot mong kamay sa leeg ko, PAGMASDAN MO!!!! "--Pahiyaw na dugtong nito atsaka itinapat sa mukha ng dalaga ang kaniyang leeg na Unti-unting gumagaling. "Tignan ko lang kung mabuhay ka pa susunod kong hinanda sa iyo."--Ang nasa isip ni Celia. "Siguro nga ito na ang katapusan ko Homer. Pero huwag kang pakakasiguro, dahil sigurado kong pasasaan pa't may hangganan rin ang pagka Imortal mong pagkatao! Ikaw na ang nagsabi, ang alaga mo ang sumasamba sa iyo. Pero bakit mo sila pinaglilingkuran? Hahaha napaka tanga mo Homer. mukhang naglolokohan lang kayo ng mga alaga mo.. Hindi ka magiging masaya kahit kailan, dahil karugtong ng buhay mo. Ang paglingkuran sila!!!!"--Mahabang bulyaw ni Celia kay Homer. Ilang minutong hindi naka usap si Homer. Napa-isip siya sa mga sinabi ni Celia. "Gusto ko ang Ginagawa ko. Parte ito ng pagganti ko sa inyong mga taga maynila... kaya masaya ko sa Ginagawa ko."--Homer. "Bobo ka talaga! Tignan mo ang nanay at kapatid mo.. Tinanggalan mo sila ng kaluluwa, Oo buhay sila.. Pero katawan lang. Tinanggalan mo sila ng kapayapaan!!!"--Celia. "Tumigil kana!!!"--Homer. "Sinasabi ko yung totoo!!!"--Celia. Mabilis na nagpanting ang ulo ni Homer.. Bigla niya na lamang sinakal sa leeg si Celia. "Kung ako iniinsulto at minamaliit mo, puwes wala kang karapatan. Dahil magkatulad lang tayo... Alam mo bang buntis ka? Pero imbis na tao 'yang pinagdadala mo, isang halimaw. Wala siyang pinagkaiba sa mga inaalagaan ko. At kasalanan mo kung bakit siya naging ganon. Nakipag talik ka sa isang tulad ko, at gaya ng sinabi mo. karugtong na sila ng buhay ko" Bahagyang binitawan ni Homer si Celia mula sa pagkakasakal atsaka gumuhit ang nakakalokong ngiti. "Nagulat kaba Celia? Oo, ang bawat laman o likidong dumadaloy sa akin ay konektado sa kanila. Kaya mananatili akong buhay magpakailanman."--Homer. Namuo ang luha sa tulalang mga mata ni Celia. "H-hindi... H-hindi T-totoo yan.... Hindi ako buntis!!! Wala akong anak sa demonyo!!!"--Galit na saad ni Celia. "Ilang buwan ka na bang hindi dinadatnan? Para masabi mong hindi ka nagdadala ng isang nilalang na pagmamay-ari ng demonyo."--Balik tugon ni Homer na nasundan ng ilang tawa. Bigla na lamang kumirot ang tiyan ni Celia. Halos hindi siya makahinga sa paunti-unting paglaki ng kaniyang tiyan. Gusto niyang tumili ng ubod lakas, ngunit hindi siya nilalabasan ng hininga. Damang-dama niya ang napakaraming galamay sa loob ng kaniyang lumalaki na tiyan. Dilat na dilat na ang kaniyang dalawang mata at nananatiling bukas ang kaniyang bunganga. Habang tumatagal ay nararamdaman ng dalaga ang pagbukas ng kaniyang p********e. At duon, Una-unahan sa paglabas ang maliliit na nilalang. Hawig sa pugita ang katawan ng mga ito, at ulo ng fetus ang pinaka ulo. Ubos ang lakas at kalusugan ni Celia sa napakaraming nilalang na lumabas mula sa kaniya. Lupaypay at nangangayat siyang bumagsak sa sahig. Ang mga bagong alaga naman ni Homer ay lumapit sa kaniya. "Maghintay lamang kayo. At makakahanap rin ako ng mga katawang matitirhan niyo."--Homer. Sinundan nila Kierene at Alfred ang isang ulol na humahabol sa kanila. Umupo si Alfred sa likod ng isang punong kahoy, habang si Kierene ay sinitsitan ang naglalakad na taong ulol. "Brarrr!!!"--Huni nito nang matanaw si Kierene. Dali-dali itong binalikan ang dalaga at naka-amba ang hawak nitong palakol. Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa dalaga. Akma niyang tatagain ito ng mabilis na nabasag ang kaniyang mukha at mabilis na napaluhod sa lupa. Inabangan pala ito ni Alfred sa likod ng puno. Bitbit ang isang matigas at katamtamang laki ng bato. Nang maramdaman niya itong malapit na ay ubod lakas niya itong pinukpok sa mukha. Binalikan ito ni Alfred at tiniyak na patay na. Pinukpok niya pa ito ng pinukpok sa ulo. Napayakap si Kierene sa kaniya. "Akala ko mamamatay na ako. Salamat, tagumpay tayo."--Kierene. "Hindi kita pababayaan. Lalabas tayo ng ligtas dito. Iuuwi kita ng buo sa pamilya mo."--Alfred. Nakadama ng kaunting lakas ang dalaga sa sinaad ng binata. Kinuha nila pareho ang palakol ng napatay nilang kalaban at nagpatuloy sila sa paglalakad. +++ "Isa... dalawa... tatlo... apat... lim-" Mabilis na naputol ang pagbibilang ng naghihinang katawan ni Celia nang biglang Sumabog ang loob na kinaroroonan nila ni Homer at ng mga alaga nito. Ito ang inihanda niya. Na sigurado siyang papatay kay Homer at pati narin sa mga alaga nito. Binuksan niya kanina ang gasol sa kusina. Iniwan niya itong sumisingaw at inilagay niya rito ang rosaryong palagi niyang dala. Pumutol siya ng isang saksakan sa mga appliances na naka-imbak lamang sa kabilang silid, atsaka niya ito sinalpak sa saksakang malapit sa kusina. Ilang minuto ang binilang, bago iyon makalikha ng malakas na kislap. Hanggang sa masagap ito ng sumisingaw na gasol at mabilis na lumikha ng pagsabog. Ang rosaryong inilagay ni Celia ang nagbigay kamatayan kay Homer at sa mga alaga nito. +++ Ilang segundo bago ang pagsabog. Nacorner ng tatlong ulol na tao sila Kierene at Alfred. Namukhaan din nila si Jonas. Nagyakapan na lamang ang Dalawa at humingi ng kapatawaran sa diyos. Handa na silang mamatay ng sabay. Sa kamay ng mga ulol na tao. Ngunit hindi nila inaasahan ang paghiyawan ng mga ito. Nagtaka sila at pinagmasdan ang mga ito. Nilalabasan ng itim na usok ang mga bibig at mata ng mga ito. Wala na ang kanilang amo. Kaya't wala na ring rason, upang silay manatili sa lupa.. Sabay-sabay na bumagsak ang tatlong bangkay, kasama ang kay Jonas. Tanaw nila Kierene ang napakaraming kaluluhang nakalaya dahil sa sakripisyong ginawa ni Celia. Namuo ang luha sa kanilang mga mata, nang kawayan sila nina Jonas at Ella bago umakyat sa nagliwanag na langit. Maging si Celia na may kargang sanggol at kasama ng kapatid nito'y nakangiti rin sa kanila at kumaway... At nang tuluyan nang maglaho ang mga ispirito, ay magka akbay silang lumakad palayo sa gubat na iyon. Dala ang mga luha at matatamis na ngiti sa sugatang mga labi. -The End-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD