"Bulong ng diyablo"

407 Words
ALAS-tres ng madaling araw, habang mahimbing na natutulog sina Lolo at Lola, abala ako sa paggamit ng social media. Ewan 'ko ba, kung bakit napapadalas ang pagpupuyat ko ng dahil dito. Siguro kasi napakarami mong pwedeng gawin sa social media. Ang mga taong walang kinagisnang Ama, Ina at kapatid, pwedeng magkaroon sa social media. Gaya ko! Ako si Yuri, isang solong anak na inabandona ng mga sariling magulang. Sina Lolo lang ang tumayo kong mga magulang, at sila lang rin ang mayroon ako. Dahil sila ang aking pamilya. "Ti-ni-ning-ning-ning..." Naagaw ng ringtone sa aking telepono ang aking atensyon. Agad ko naman itong tinignan kung sino ang nagsend sa 'kin ng message. "Hi 'nak, papunta ko ngayon d'yan sa iyo, susunduin na kita." Bahagya akong natawa sa message sa 'kin ni mama. Alam kung biro niya lang 'yon pero nakaramdam ako ng saya, pakiramdam 'ko kasi totoo ko s'yang ina. "Haha! Ok ma, hihintayin po kita magdala ka narin ng foods XD" Reply ko. Ilang minuto 'din ang lumipas bago s'ya nagreply. Agad na nanlaki ang mga mata 'ko dahil isang litrato ng demonyitang maybitbit ng pugot na ulo ang ipinadala niya sa 'kin. At mabilis akong kinabahan ng mapagtanto 'kong malapit lang sa bahay namin ang background sa litrato. Halos dagun-dong na lang ng aking dibdib ang bumibingi sa 'king mga tenga. Panay narin ang pagpatak ng aking mga pawis sa magkabila kong sintido. "Malapit na si mama 'nak." Para 'kong sisiw na binasa sa sumunod niyang sinend. Hindi ako maaaring magkamali, ang pangalawang litratong sinend niya, ay ang labas na ng bahay namin. Sa sobra kong takot, mabilis kong tinanggalan ng baterya ang aking selpon. Pero laking gulat ko nang hindi ito namatay. Halos manginig na 'ko sa mga oras na iyon. Ang speaker ng selpong hawak ko'y tumunog. Nakakatakot na bulong ang lumalabas dito. "Anak, buksan mo ang pinto ng bahay niyo. Salubungin mo si mama." Halos mabato ko 'na ang selpong iyon sa sobrang takot. "DEMONYO KA! LUBAYAN MO 'KO!" Ang naisigaw ko. Maya-maya'y wala na 'kong marinig na tunog sa selpong ilang hakbang lang ang layo sa akin. KATAHIMIKAN! Nagtagal din iyon ng ilang sandali, kaya't sinubukan kong lapitan ang kanina'y binato kong selpon. Pero bigla itong nagbukas, na siyang ikinagulat ko ng husto. Lumabas sa speaker nito ang isang malakas na palahaw ng matandang babae. SI LOLA! Mabilis 'kong tinungo ang silid nila ni Lolo nang hindi iniinda ang takot na nararamdaman.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD