SA BUONG biyahe nila pabalik ng condo, hindi kumikibo si Ira. Hinayaan lang muna ito ni Xyrus kahit na naguguluhan siya sa inaakto nito. Ngunit nang makapasok na sila sa loob, hindi na siya nakatiis. “Baby, anong problema? Bakit ka umiiyak?” Nakita kasi ni Xyrus na panay ang pahid ni Ira sa pisngi nito. Habang inaayos ang binili niyang underwear nito. “Ayaw mo na ba sa akin kaya pinauuwi mo na ako?” Nagulat siya sa tanong nito. Napakamot siya ng kanyang batok saka siya umupo sa tabi nito. “Baby, hindi sa gano’n. Kaya lang mahihirapan ka na kung ibabalik pa kita sa bahay namin. Baka kung anong gawin na naman sa iyo ng mga kapatid ko lalo na kapag wala ako. Baka lalo kang mapahamak. Tapos madamay pa ang anak natin. Hindi ko yata kayang mangyari iyon.” “Sinasabi mo lang yata iyan pero ang