“AYAW kitang pag-isipan nang masama dahil kaibigan ka at business associate ng kuya ko at ni Josh. Pero ano ba talaga ang nangyari sa kasama mo? Is she your wife or girlfriend? What did you do to her?” sunod-sunod na tanong ni Doc Steph pagkatapos nitong maipaliwanag kung paano ipainom ang mga gamot na inireseta nito kay Ira. Napamaang si Xyrus. Hindi niya malaman kung paano sasagutin ang tanong ni Doc Steph. “Doc, ano kasi…” Napakamot siya ng kanyang ulo. Paano nga ba niya ipaliliwanag ang lahat? “Tell me the truth, Xyrus. Josh thinks highly of you. Ayokong isipin na may mali sa pagakakakilala niya sa iyo. Kung may nagawa kang kasalanan, hindi kita kokunsintihin. Babae ako kaya papanigan ko ang kabaro ko. Tutulungan ko si Ira na kasuhan ka ng paglabag sa Anti-violence Against Women an