MASAKIT ang ulo ni Xyrus nang magising siya ng umagang iyon. Hindi siya agad nakatulog pagkatapos niyang palabasin sa kanyang kuwarto si Ira. Desperada na bang masyado ang babaeng iyon at nagawa pa nitong akitin siya? Pasalamat na lang ito na hindi niya pinatulan. Hindi naman sa ayaw niya kay Ira. Gusto niya ito lalo na kung io-offer nito ang katawan sa kanya. But for goodness’ sake, she’s the daughter of a criminal! Kung siya lang ang masusunod, ayaw niyang nasa pamamahay nila si Ira. Pinagbigyan lang niya ang kanyang Ate Lorrienne kaya pumayag siyang dalhin ang dalaga sa bahay nila. Pero kung sa ibang pagkakataon, ayaw na niyang makaharap pa ito mula noong magkita sila sa courtroom. Mas gugustuhin niyang maglaho na lang ito sa paningin niya. Tuwing makikita niya kasi ang pagmumukha ni