MAY mga marka na ng kagat ng lamok ang mga braso ni Ira. Ganoon din ang mga hita nito na nakahantad dahil t-shirt at shorts lang ang suot nito. Niyugyog ni Xyrus si Ira. “Hoy, gising!” Nilakasan pa niya ang boses para siguradong magising niya ito. Nagmulat naman ang dalaga saka nito iniangat ang ulo. Kinukusot nito ang mata habang nakatitig sa kanya. “Pumasok ka na sa loob.” Pagkasabi iyon, tinalikuran na ito ni Xyrus. “Hindi ako puwedeng bumalik sa loob ng bahay ninyo hangga’t hindi sinasabi ng ate mo.” Muling hinarap ni Xyrus si Ira. “Anong oras ka pa nandito sa labas?” Napahalukipkip si Ira. “Kaninang umaga pa. Hindi ko kasi nagawa iyong iniutos niya sa akin kagabi.” Napa-buntunghininga si Xyrus. Parang alam na niya kung ano iyong iniutos ng ate niya kay Ira. “Siya ba ang nag-u