Chapter 21 - Failed Seduction

1544 Words

TUMUWID ng pagkakatayo si Ira saka huminga nang malalim bago nagsimulang humakbang. Nang pumasok siya sa hapagkainan, nakatingin sa kanya sina Lorrienne at Xyrus. “Kanina ka pa diyan sa labas?” seryosong tanong ni Lorrienne. Umiling si Ira. “Hindi po. Kararating ko lang po,” pagsisinungaling niya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Lorrienne bago nito ipinagpatuloy ang pagkain. Pero si Xyrus iba ang tingin sa kanya. Kunot na kunot ang noo nito na para bang hindi makapaniwala sa sagot niya. Hindi na lang ito pinansin ni Ira. Nilagpasan niya ang dalawa at dumiretso siya sa kusina. “O, bakit ngayon ka lang?” sita ni Nanay Salome sa kanya. Napakamot ng ulo si Ira. “Pasensiya na po, ‘Nay. Napasarap iyong tulog ko.” “Naku! Normal iyon. Pagod na pagod ka kaya kahapon. Maghapon ba naman kayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD