WALANG ibang maisip na puntahan si Xyrus kung hindi ang lumayo. Ngunit bago niya gawin iyon, may naalala siyang dapat pa nilang sunduin bago sila tuluyang lumayo ni Ira. Tinahak niya nag daan patungo sa lugar na iyon. Maghahatinggabi na nang makarating siya sa kanyang pakay. Ngunit ilang metro pa lang ang layo niya nang mapansin na may nakaparadang itim na SUV sa labas ng bahay. Kinutuban siya sa kanyang nakita. Ipinuwesto niya ang sasakyan sa kubling lugar kung saan natatanaw niya ang SUV. Ilang minuto siyang nagpalipat-lipat ng tingin sa bahay at sa SUV. Madilim ang buong kabahayan. Wala ni isang ilaw na nakabukas. Gusto niyang isipin na wala ng tao roon. Mas magiging kampante siya kung gano’n ang pangyayari. Ngunit kailangan niyang makasiguro na tama ang hinala niya. Sinulyapan niya