“I’M SORRY, baby. But we have to run,” ani Xyrus habang hinihila si Ira. Sanay siya sa takbuhan lalo na noong nasa academy pa siya. Bumagal lang siguro siyang tumakbo ngayon dahil hindi na niya gaanong ginagawa. Pero nag-aalala siya sa asawa niya dahil buntis ito. “Kaya ko ito. Tumatakbo naman talaga ako dahil iyon ang exercise ko bukod sa taekwondo,” sagot naman ni Ira. Dumaan sila sa mga pagitan ng mga bahay dahil nasa loob ng subdivision ang bahay nina Xyrus. Hindi naman gano’n kabilis ang pagtakbo nila dahil wala pa namang humahabol sa kanila kaya noong lumiko sila napahinto siya. Napansin niyang hinahabol ni Ira ang hininga nito. Napailing tuloy si Xyrus. “Sandali at may tatawagan lang ako.” Inilabas niya ang kanyang cellphone saka may tinipa dito bago niya inilapit sa kanyang t