Chapter 42 - Escaped

1637 Words

“NASAAN si Ira?” Parang kulog na dumadagundong ang boses ni Lorrienne. “Nakita mo naman na wala siya rito,” sagot ni Xyrus habang nakahawak sa kanyang pisngi. Kung tutuusin hindi naman masakit iyong sampal. Sanay na kasi siya sa ganoong klaseng sakit simula pa noong pumasok siya sa PNP Academy at hanggang ngayong pulis na siya. Pero ang masakit iyong sampalin siya ng katotohanan na ang mga taong inakala niyang kadugo niya ay hindi naman pala niya kaano-ano. Ginawa pa siyang puppet para lang sa sarili nilang kagustuhan. Kung mayroon man siguro siyang utang na loob, marahil nabayaran na iyon ng mga tunay niyang magulang sa tagal ng panahon na paninilbihan nila sa pamilyang nagpalaki sa kanya. Hinila ni Lorrienne ang jacket niya sa dalawang kamay. “Saan mo siya itinago? Saan mo siya dinal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD