“OO NA, pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. Pero siguraduhin mo lang na kapag nabuntis ko si Ira, hindi na ninyo siya pahihirapan. Baka malaglag din naman ang baby, hindi rin matutupad ang pangarap mo.” Wala na talagang pamimilian si Xyrus. Kung magmamatigas kasi siya, lalong pahihirapan ng mga kapatid niya si Ira. Hindi naman sa naaawa siya sa dalaga. Pero hindi na kasi makatao ang ginagawa nila sa dalaga. Hindi naman niya pinipigilan ang mga kapatid na gawin itong katulong sa bahay nila. Hindi lang talaga siya kumporme na matutulog ito sa labas ng bahay sa buong gabi. Wala na itong ipinag-iba sa mga namamalimos na pagsapit ng gabi sa kalsada natutulog. Hindi man kalsada ang tutulugan ni Ira, delikado pa rin sa labas. Bukod sa maraming lamok, malamig din doon. Mabuti naman sana k