INABOT pa ng limang oras si Ira bago siya natapos sa paglalaba. Ang buwisit na si Xyrus, ni hindi man lang siya tinulungan. Pinabayaan lang siya nito. Pinanonood siya habnag nahihirapan. Oops! Hindi pala siya nito pinanood dahil abala ang gago sa cellphone nito. Sumusulyap lang ito sa kanya paminsan-minsan. Hindi siya makapaniwalang kaya siya nitong pabayaan. Samantalang noong nasa eskuwelahan pa sila, ang bait nito sa kanya. Kahit inaaway niya ito, balewala lang sa lalaki noon. Hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit nga noong umalis na ito sa eskuwelahan, magiliw at mabait pa rin ito sa kanya. Lagi pa nitong sinasabi na mahal siya nito. Pero dahil lang sa kasalanan ng daddy niya, nagbago ang lahat. Wala ng amor si Xyrus sa kanya. Itinuring na siya nitong ibang tao. Nawala