NAGING tahimik ang biyahe nina Xyrus. Hindi na nagsalita pa si Ira kaya tumahimik na rin siya. Nilingon niya ang dalaga. Napansin niyang kinakalikot nito ang cellphone. Tatanungin niya sana kung sino ang kausap nito pero binabalewala na lang niya. Wala naman siyang pakialam kung sino ang kausap nito. Kahit humingi pa ito ng tulong sa ibang tao, hindi niya hahayaang umalis pa ang dalaga ngayong iuuwi niya ito sa bahay nila. Kahit magalit pa ang mommy nito, hindi na niya ito pauuwiin pa. Nang makarating sila ng bahay nina Xyrus, agad siyang bumaba. Pinagbuksan niya ng pinto si Ira. “Get down quietly,” utos niya rito. Ayaw niyang makarinig ng anumang salita mula rito kaya isinenyas pa niya na isiper nito ang bibig. Tahimik naman si Ira habang sinasabayan siya nito sa pagpasok ng bahay nila