"GOOD morning." Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Tumambad sa harapan ko ang nakangiting mukha ni Curse. "Good morning din," usal ko. Napalunok ako nang mapansin ko ang paglapit niya sa puwesto ko at sinilip ang niluluto kong almusal namin. "It smells nice," komento niya nang langhapin niya ang amoy nito. Nagbaba ako ng tingin at ibinalik na ang atensiyon sa pagluluto, pero nawawala ang konsentrasyon ko roon dahil sa presensiya ni Curse na nasa tabi ko pa rin. Kahit hindi na nakatingin sa kanya, pakiramdam ko ay nasa labi niya pa rin ang matamis niyang ngiti. "Aki," biglang tawag niya sa akin dahilan para magbaling ako sa kanya. "Bakit?" naguguluhan kong tanong. Tumaas ang kilay ko nang ngumuso siya. "Ano 'yang ginagawa mo?" Nang marinig ang tanong ko, bu