Chapter 22 - Yes or No

2699 Words

UMANGAT ang kamay ko sa ere at umaktong hahawakan na ang sedura ng pinto, ngunit hindi ko pa naman iyon tuluyang nahahawakan ay muling bumagsak ang kamay ko sa gilid ko. Marahas akong bumuntong hininga at nagpalakad-lakad sa harapan ng nakasarang pinto ng kwarto ko. Hindi ko malaman ang gagawin kung lalabas na ba ako o hindi. Hindi naman puwedeng hanggang mamaya akong magkulong sa kwarto ko. Marami pa akong dapat na gawin sa unang palapag ng bahay, nangunguna na roon ang pagluluto ng almusal namin ni Curse para sa umagang ito. Natigilan ako sa paglalakad nang maalala na naman ang nangyaring pag-amin sa akin ni Curse kagabi. I never expect that to happen! Noong una, hindi ako makapaniwala nang marinig ang pag-amin niyang gusto niya ako. Pero kinalaunan ay natanto kong totoo ang nangyayar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD