"ARE you okay?" Mabilis na nawala ang atensiyon ko sa hawak na phone nang marinig ang boses ni Curse. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay sumalubong sa akin ang nag-aalala niyang mukha. Imbes na sagutin ang tanong niya, inabot ko ang phone ko sa kanya. Nakakunot ang noo niyang tinanggap 'yon at tiningnan kung anong meron dito. "Noong nakaraan pa ako nakakatanggap ng messages and calls galing kay Tito David," pagkukuwento ko nang matapos na niya tingnan ang phone ko. Marahas siyang bumuntong hininga at naupo sa tabi ko. "Gusto mong reply-an?" Saglit akong nawalan ng imik hanggang sa umiling na lang. "I'm still mad at him." "Then, just ignore him." Napatitig ako sa kanya nang marinig 'yon. "Time heals everything. Kaya sa tingin ko, kailangan mo muna ng panahon para makapaghilom
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books