NANG makapasok ng bahay, iniwan ko ang magpinsan sa salas at nagtungo ng kwarto ko. Ilang saglit pa muna akong nagpahinga bago naligo. Nang matapos ay napagpasyahan ko nang bumaba muli sa salas. Kumunot ang noo ko nang si Castiel lang ang makita ko rito. Abala siya sa tinitingnan na magazine habang nakaupo sa mahabang sofa. "Nasaan si Curse?" bungad kong tanong sa kanya. Doon niya pa lang napansin ang presensiya ko sa paligid niya. "He went to his room to take a bath," tugon ni Castiel. Nawala ang atensiyon ko sa kanya nang mapansin ang hawak niyang magazine. Sa nakabukas na pahina ay nakikita ko roon ang isang larawan ng isa sa mga pinakamagandang artista na kilala ko. "Fan ka niya?" tanong ko at ibinaling ang atensiyon sa kanya. Napatitig ako sa kanya nang mapansing bigla siyang nag